∞ Chapter 59 ∞

264 12 2
                                    


Maisie Jei's POV

"Si-sino si Yvette sa buhay mo?" dahan-dahan kong tinanong si Carlos.

Hindi ko naman dapat to inaalam eh, pero kailangan kong alamin. Mababaliw ako kapag hindi nasagot yung tanong ko.

"A-ah ku-kung ayaw mong sagutin, o-ok----"

"Si Yvette Velasco," nagulat ako ng biglang akong ki-nut-off ni Carlos "first girlfriend ko siya at ex-girlfriend. Naging kami for 10 months pero nahuli ko siyang nagcheat kasama si Danielle Navarro. Handa naman akong patawarin siya at kalimutan lahat ng ginawa niya, pero nakipag-break pa din siya sa akin," Carlos laughed sarcastically.

Para bang tinatawanan niya yung sarili niya sa katangahang ginawa niya. Akala niya kapag pinatawad niya si Yvette, babalik pa din sila sa dating sila. Mali siya ng akala, nakipag-break sa kanya si Yvette at hindi niya yun inasahan.

"Alam ko iniisip mo kung bakit mas pinili ko siyang patawarin kahit na niloko niya ako pero sa tingin ko hindi mo maiintindihan yung dahilan ko," sabi ni Carlos. Siguro sinasabi niyang hindi ko siya maiintindihan kasi hindi pa ako nagkaroon ng boyfriend at wala akong alam sa love, which is kaintindi-intindi naman talaga.

"Mahal na mahal ko siya at yun yung dahilan kung bakit gusto ko siyang patawarin, pero sumagi din sa isip ko na paano ko malilimutan yung panlolokong ginawa niya sa akin kung araw-araw ko siyang nakikita? Alam mo kung ano pang mas malala? Yung gustong gusto kong kalimutan lahat ng ginawa niya, pabayaan at isipin na hindi niya nagawa yun sa akin pero ayaw niya talaga. Mas pinili niyang makipag break sa akin."

"T*ng*na ang bobo ko pala," sabi ni Carlos at ibinaon ulit yung mukha niya sa kamay niya.

Wala akong masabi kasi wala naman akong experience sa ganyang bagay. Kahit humingi ako ng tulong sa mga libro or drama na napanuod at nabasa ko hindi makakatulong yun.

"Hindi ko alam yung gagawin ko nun. Halos mabaliw na ako at hindi ako makapag-isip ng tama sa loob ng 1 buwan," sabi ni Carlos.

"Lumipas yung apat na buwan, akala ko magiging ok na ako kasi naka move-on na ako pero hindi pala. Biglang nagkasakit si Mama."

"Patuloy kong sinubukang kalimutan siya at si-net ko yung mga priorities ko, pero palagi akong nakakasagap ng balita na si Yvette at Danielle nandito sa ganito, ganyang hotel." Carlos deeply sighed while running his hand through his hair.

"Nagsimula na naman akong mabaliw. Hindi na naman ako makapag-isip ng maayos. Si Mama kasi biglang sinabi na gusto niyang makilala yung girlfriend ko. Hindi ko naman masabi kila Mama na nagbreak na kami. Dinescribe ko lang siya pero..."

"Pero ako talaga yung dinescribe mo?" natatawa kong tanong kay Carlos.

"Wag kang tumawa!" saway ni Carlos.

"Yun nga, ikaw nga yung sinabi ko. Ikaw... Ikaw si Maisie Jei Tan, yung perfect girl sa mata ng lahat, maraming nagkakagusto sayo, matalino, mabait, lahat ng good qualities na sa iyo na. Ikaw lang yung unang pumasok sa isip ko habang kinukwento ko at dinedescribe ko yung supposed to be girlfriend ko kila Mama," sabi ni Carlos sabay tawa ng mahina.

Napa-ngiti ako nung narinig kong idinescribe niya ako as 'perfect girl'. Nakakatawa mang pakinggan pero it made me happy kasi hindi ko alam na ganun pala yung tingin sa akin ng Stupid Ice Prince na 'to.

"Ang saya-saya kaya nila mama, papa at nila ate nung kinuwento kita. Hindi ka naman dapat talaga madadamay eh, sila Mama kasi gusto kang makilala kaya pinilit ko yung sarili ko na kausapin ka."

"So napilitan ka lang ganun? Ayaw mo pala akong kausapin eh," nang-iinis na sabi ko habang nakataas yung kilay ko.

"Hindi sa ganun," natatawang sabi ni Carlos.

My Stupid Ice PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon