∞ Chapter 66 ∞

243 16 2
                                    


Maisie Jei's POV


"Ano bang meron sa babaeng yun? Eh katulad lang naman siya ng ibang babae dyan sa paligid na mangagamit ah!"

Napatigil ako sa pagbaba ng may marinig akong sumisigaw. Sinilip ko yung hallway para tignan kung may tao, pero wala naman.

Dahan-dahan akong sumilip yung sa may bandang hagdan, making sure na walang makakakita sa akin, nagulat ako ng makita kong nasa baba si Carlos at Yvette.

Nasa may 1st floor sila, yung bandang pababa ng basement at parking. Nakasuot na naman si Yvette ng uniform niya, hindi ko alam kung paano nakapasok or pinapasok ng guard yan dito. Baka naman nacaptivate si manong guard sa kagandahan nitong bruhang 'to? Palagi na lang kasi siyang nakakapasok ng parang walang kahirap-hirap.

Para bang hindi siya hinaharang ng guard. To think na nagcause siya nung gulo nung una siyang tumuntong dito sa M.U.

"Paano naman ako? Kakalimutan mo na lang ba ako? Yung tayo?" inis na sabi ni Yvette. "Ilang months pa lang tayong break non, tapos sinusundan mo na agad yung babaeng yun?!"

"Eh anong gusto mong gawin ko? Magmukmok kasi iniwan mo ako? Binigyan kita ng chance na makipagbalikan sa akin pero anong ginawa mo pinili mo si Danielle," Carlos hissed.

"Ang kapal naman ng mukha mo! Hindi ka man lang sumunod sa 3 months rule!" sigaw ni Yvette.

"Ikaw yung hindi sumunod sa 3 months rule! Hindi pa tayo break pero nakikipag sex ka na kay Danielle! Ikaw yung nagloko at nang-iwan! Wag mong baliktarin yung storya na parang ikaw pa ang biktima!" sigaw ni Carlos. "Kasalanan ko ban a gusto ko langnmagmove on?!"

"Move on? Gagamitin mo yung babaeng yun para makapag move on?" tanong ni Yvette.

Naisip ko tuloy, may gana pa akong maawa sa mga taong hindi ko naman dapat kaawaan. Sobrang bait ko pala ano? Even when she's clearly bashing and bad mouthing me, nakinig ako sa kanya, pinabayaan ko siyang mag-iiyak at magdrama sa harap ko, I even pitied her, and I even want Carlos to listen to her side story, but in the end she's still mad at me. Is this what I'm going to get for being a good girl?

What the hell right? Nadagdagan tuloy yung inis ko. Alam ko hindi na dapat ako nakikinig sa pinag-uusapan nila pero hello, nakakacurious kaya especially kapag ikaw yung topic or pinag-uusapan. Gusto kong malaman kung ano pang sasabihin ni Yvette. Ang kapal ng mukha niyang babaeng yan! Nakakapang-init ng dugo.

"Hindi mo kilala si Maisie," inis na sabi ni Carlos.

"Walang wala naman siya kung ikukumpara mo sa akin. Ano naman kung matalino siya? Kung rank 1 siya ng buong Mint University? Ayun lang naman ang meron siya ang katalinuhan pero wala ng ibang magandang traits sa kanya! She's so useless, utak lang niya mapapakinabangan sa kanya tsaka yung virginity. If she loses her virginity, mas lalo siyang mawawalan ng kwenta!" galit na galit na sabi ni Yvette.

"So tigilan mon a yung kakahabol sa useless piece of shit nay un, you don't deserve someone like her." Lumakad siya papalapit kay Carlos.

"Bakit mo sasayangin yung oras mo sa walang kwentang babae? Na walang ginawa kung hindi ipahamak yung sarili niya? Palagi mo nalang siyang sinasagip sa mga walang kakwenta-kwentang bagay JC. Dapat nga mas magfocus ka sa ibang bagay, hindi mo siya kailangan alalahanin kasi wala naman siyang magandang nagawa para sayo! Puro na lang siya pabigat, hindi mo ba napapansin yun?" tanong ni Yvette.

Wow, ang galing din pala netong bruhang 'to ah. Parang sinasabi niya na burden ako para kay Carlos ah!

Napaisip ako sa mga sinabi ni Yvette. This past few months, palagi ko nalang binibigyan ng problema si Carlos, but I didn't asked for his help diba? I never asked him to save me from all those troubles.

My Stupid Ice PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon