∞ Chapter 68 ∞

225 12 2
                                    


Maisie Jei's POV


Halos wala akong tulog na pumasok sa M.U, dahil na rin siguro sa kakaaral ng hindi naman pumapasok sa isip ko at dahil na rin siguro sa sinabi ni Yvette which bothered me the most. I was actually stressing myself sa mga bagay na hindi naman worth it. Ni hindi ko na nga alam kung inaantok ako or nagugutom eh.

Lunch na, sinundo ako ng EI Princess, binilhan nila ako ng food. Triny ko namang kainin yung bacon na binili nila para sa akin, but wala talaga akong gana.

Alam ko namang nabobother na din yung mga best friends ko, pero mas pinipili nilang i-divert yung usapan. Naiintindihan nila ako and they are supporting me kahit napaka stubborn ko at may pagka nagger sila. Kahit na nagger yan mga yan, yung paalala nyan sobra-sobra. They are the friends that one person needs the most. Sometimes, I felt bad for them. I tend to shut people down when I need one the most. They have every trait, I wished I had. I am just your typical good-in-academic girl. Ang babaeng utak lang ang panlaban, yes that's me. The one and only Academic Princess na si 'Maisie Jei Tan'.

After ng lunch, nag cut ako ng class. Hindi ako pala cutting pero I just feel like na mag cutting. It wouldn't hurt me naman kung mag cutting ako, occasionally. I just want to escape from something na feeling ko suffocating.

Gumala ako sa BGC, dyan lang naman yung alam ko eh. Agad naman akong dumiretso sa UP Town, ayoko sa Market kasi dun ang unang puntahan ng EI Princess pag hinahanap ako baka makasalubong ko sila.

Naglakad-lakad ako sa mga stalls, a ring stall caught my attention kaya I quickly made my way dun sa stall.

Agad namang nag smile si Ateng tindera sa akin.

"Hello Miss, pili ka," sabi ni Ate. "May gusto ka bang design?" tanong nya. Agad namang napako yung tingin ko dun sa ring na may red string na nakakabit. Napansin siguro ni ate kaya inilabas nya yung ring.

"Eto miss, maganda 'to kakarating lang nito galing sa supplier namin." Masayang sabi ni ate.

The ring said 'bilhin mo' kaso naisip ko, kung bibili ako nito para kanino yung isang ring. The design caught my attention. I believe red string of fate is connected to people who are destined to be together and was tied to their pinkies.

"Magkano po ito?" tanong ko kay Ate.

"Original silver po ito and once lang po nirerelease. May meaning po yung singsing at yung pulang tali na ito." Sinabi na ni ate yung price nung singsing.

"Pwede po ba yang gawing pendant?" tanong ko.

"Opo miss, may price din po yung necklace," sabi ni ate.

"Sige ate kunin ko po," sabi ko at inilabas na ni ate yung necklace at inilagay yung isang ring sa necklace. I was about to pay it when someone grabbed it and gave their credit card kay Ate.

"Pa-punch na lang po ng pin sir," sabi ni Ate. "Mabenta po sa couples yung red string of fate ring sa stall naming," dagdag ni ate.

Couples? Napalingon ako sa gilid ko at nakita ko si Carlos. Nakangiti sya sa akin tapos kinuha nya yung ring, sinuot sa kamay nya sabay kuha ng ring na naging necklace na at sinuot sa leeg ko. Hindi naman ako nakapag-react agad, hindi ko kasi expected na makikita ko sya eh.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko napahawak naman ako sa necklace ko. "Siguro ini-istalk mo talaga ako no?" dagdag ko.

"Malay mo," kibitz balikat nya sabay hawak sa right hand.

"Hoy, anong ginagawa mo?" tanong ko pertaining sa hands namin habang papalabas sa stall. Pilit ko namang tinatanggal yung pagkakakapit nya sa kamay ko.

"Bakit? Ayaw mo bang hawakan kamay ko?" Tanong ni Carlos sabay taas ng kilay sa akin.

"Hindi naman sa ganun," uncomfortable ko na sabi.

"Oh, bakit ganyan reaksyon mo?" tanong ni Carlos.

"Wala," sabi ko.

"May nangyari bang hindi ko alam? Mukhang pagod na pagod ka ah," sabi ni Carlos habang chine-check out yung mukha ko.

"Busy lang sa pag-rereview," pagsisisnungaling ko.

"Review? Eh mape-perfect mo naman yung exam. Tara kain tayo," sabi ni Carlos.

"Kakain ko—" bigla namang kumalam yung sikmura ko.

"Ano? Kakakain mo lang?" Carlos said as he was smirking at me.

"Saan mo ba gusto kumain?" tanong ni Carlos.

"Kahit saan, pero parang gusto kong mag California maki," sabi ko.

"Sige Japanese store tayo," sabi ni Carlos.

Bigla namang nag ring yung cellphone ko. Hindi ko alam kung kaninong number 'to kasi hindi sya nakaregister sa phone ko.

"Wait lang sagutin ko lang 'to," sabi ko kay Carlos. Hindi nya binitawan yung kamay ko kaya napilitan akong sagutin sa harap nya.

"Hello?"

"Pwede ba tayong mag-usap," boses babae. "Si Yvette 'to."

Agad ko namang inilagay sa left ear ko yung phone para hindi marinig ni Carlos yung usapan namin ni Yvette.

"Uhmmm,"

"Alam ko kasama mo si JC. In fact, nakikita ko kayong dalawa. Sweet nyo ah, may paholding hands pa kayong nalalaman," sarcastic na sabi ni Yvette.

"Maghanap ka ng paraan para makausap mo ako," sabi ni Yvette sabay binabaan ako ng phone.

Oh my, demanding siya ah. Siya may kailangan ako mag aadjust? Oh well, para matapos na at makakain na kami ako na mag aadjust para sa bruhang yun.

Ayoko talaga syang kausapin pero dahil nga chismosa tayo at palaging curious sa mga bagay, pagbibigyan natin siya kahit na she kept saying bad things behind my back.

"Sino yun?" tanong ni Carlos.

"Wrong number," sabi ko.

"Restroom muna ako," pag papaalam ko.

"Wait, dun ka na mag cr sa restaurant na pupuntahan natin," sabi ni Carlos sabay hatak sa akin papunta sa isang Japanese restaurant.

Agad naman akong nag paalam at iniwan ko syang umorder ng kakainin namin.

I was about to call Yvette when someone grabbed me on my back near sa rest room. Pag harap ko nakita ko si Yvette na nakataas ang kilay sa akin.

Oh my cookies ni Jei! Natakot ako kay Yvette. Akala ko nakidnap na ako. Oh my goody gracious!




∞ A/N: ∞

Photo is not mine, ctto.

Hello guys, it has been more than 3 months since last update ko. I was busy sa outside life and was battling to some you know problems. But here I am and will still willing to update this story as this is my favorite story of all my stories na naisulat ko. <3

Thank you so much to those new readers and to those patiently waiting for my updates.

I will not promise na makakapag update ako within this week or next week, but I do preparing some chapters.

Thank you again and please do vote, share and add this story to your reading list. <3

My Stupid Ice PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon