Kabanata 1
"Are you okay?" Karina said. I am talking to her over phone. She sounded very concerned and with her question, I remember about what happened last night.
"Of course. Why wouldn't I be?" I smiled. Narinig ko naman ang pagbuntong-hininga niya sa kabilang linya. Hindi nanaman naniniwala ang isang to.
"Really, huh? Tell me more about it, Zanaiah." Masungit niyang tanong, at alam kong rumurolyo na ang kanyang mga mata ngayon dahil nanaman sa pagsisinungaling ko. I laughed.
"Tell you more about what, Kar?" Nakabusangot kunwari kong tanong sakanya. Alam kong hindi ako titigilan nito eh.
"Your lies. Come on, Lor. Stop lying to me. I know that you are not okay. I know you. What happened? Did they do it again?"
Damn.
Hindi ko alam kung makakaramdam ako ng kasiyahan dahil sa mga oras na to ay alam niyang nagsisinungaling lang ako. O kaya makakaramdam ng simpatya para sa sarili ko dahil naaalala ko ang mga nangyari kagabi. Napakasakit.
"Hey, Lor? Andyan kapa ba?" I opened my eyes at huminga ng malalim.
As much as I don't want to open it up again, dahil paniguradong kasabay ng pagsasabi ko sakanya ang pagbubukas ng pinipilit ko nang tinatapalang sugat, ay hindi ko kaya.
Karina is my bestfriend, and she has always been there for me lalo na sa mga panahong lunod na lunod ako sa mga problema.
But this time, it was different and it made me different, too. Parte ko na talaga siguro ang ganito. Na kahit alam kong may mga taong andiyan para sakin lalo na si Karina, mas pinipilit ko paring sarilihin ang lahat.
Ewan ko ba. Sa tingin ko kasi makakaabala lang ako pag sinabi ko. I don't want to be a burden to anyone. Kaya hangga't kaya ko, kikimkimin ko.
"Yes, Kar. Don't worry. Nothing happened last night. Pagkarating ko nang bahay, nagbihis, kumain, at tumae, btw success nga pala, tsaka natulog tas nagising ngayon. Nothing special, right?"
Narinig ko ang pagkasamid niya at kinalaunan ay ang paghalakhak niya sa kabilang linya.
"You're really crazy! Hahahaha--"
Inilayo ko saglit ang aking phone sa aking tainga dahil sa malakas na paghalakhak niya. Anong nakakatawa?
"Karina, what the hell is so funny of what I just said? Will you please stop laughing? Umagang-umaga, para ka nanamang takas sa mental."
Napatawa nalang ako sa isip ko. Kabaliwan talaga ng babaeng to. Nakakatuwa lang kasi naa-appreciate niya ang mga maliit na bagay na nasasabi ko.
"Hahaha! Baliw ka kasi! Hindi mo man lang ginamitan ng ibang term yong tuma- basta! Kadiri ka talaga!" Tatawa-tawa niyang sagot. Baliw talaga.
"Kadiri, my ass." Then I smirked. Kahit na alam ko namang hindi niya makikita.
Sandaling katahimikan ang bumalot sa usapan namin. Marahil ay pareho kaming nagpapakiramdaman. Pagkatapos ng ilang segundo, naramdaman kong seryoso na siya.
"But seriously Lor, I know you're not okay. Naiintindihan ko kung hindi mo kayang mag-open up ngayon but I'll be waiting, okay? Nandito lang ako para sayo. Hindi ka nag-iisa. Palagi mong tatandaan 'yan."
I know, Kar, and I will be forever grateful for that. Kung alam mo lang.
I smiled. "Yup. Alam ko naman iyon. Salamat. Pero ang drama mo, alam mo 'yun?"
BINABASA MO ANG
Behind A Smile
Mystery / ThrillerSa mundong ating ginagalawan, may mga basehan tayo sa lahat ng bagay. Mga basehan na pilit nalang nating pinapaniwalaan dahil iyon ang gusto natin, iyon ang sinisigaw ng isip at puso natin. Kagaya na lamang ng katanungan na: Ano ba ang basehan para...