Chapter 9

37 7 2
                                    

Kabanata 9

I looked at the whole class, my classmates are talking and probably sharing their enthusiasms with each other as the outing is really fast approaching, while our teacher is discussing its further details and I can see the excitement in their eyes. Tss.

Umiling ako at binalingan ko ng tingin ang aking brasong patuloy pa rin sa pagdurugo. Sa tingin ko ay malalim talaga ito, pero wala ito, malayo sa bituka. Ang dami pang mas worst ang dinanas ko kaysa dito. Kumbaga ito, pitik na lang.

Uniform kami ngayon, ibig sabihin, puting blouse ang suot ko kaya mahahalata mo talaga ang natuyong dugo lalo na pag tinignan mo ito ng mabuti. Makapal kasi itong tela, pero pula ang dugo kaya makikita pa rin talaga.

That explains why people keeps on looking at me when I was on my way here a while ago. Pati na rin ang pagpasok ko dito sa silid, but the thing is, no one dared to ask, and that pains me.

No one asked how in the world I had blood stains on my sleeves. No one asked how do I feel right now, If I am okay or what. No one dared to. Everybody seemed not to care, and everybody seemed pretending that they didn't saw me, and that hurts.

Si Karina lang. Si Karina lang ang nakakapansin sa akin. Si Karina lang ang may pakialam. Si Karina lang ang nag-aalala sa akin. Si Karina lang ang nagmamahal sa akin. Si Karina lang ang nakakakilala talaga sa akin.

Atleast, meron diba? Atleast, may isa. So, masuwerte pa naman ako. Sana nga, hindi dumating iyong oras na mawala siya. Dahil kapag ganoon? Ewan ko na.

Napatingin ako kay Karina nang tumayo at magtaas siya ng kamay. Napatingin si Miss Dela Vega sa kaniya, hawak pa rin ang isang G-Tech na ballpen. Kinalabit ko siya upang pigilan siya sa kaniyang binabalak, ngunit hindi niya ako pinansin.

"Yes, Miss Komze? What is it?" Inayos ng aming guro ang kaniyang salamin at itinigil muna ang ginagawang paglista ng aming mga pangalan.

"Uhm, do you mind excusing us miss? Zanaiah isn't feeling well, her migraine is attacking her, and she needs to rest so we need to go to the clinic.."

Bumaling siya sa akin at mabilis na tumalikod sa kanila upang talian ng panyo ang aking sugat. Alam kong useless din ito dahil may mga tuyong dugo pa rin ang aking manggas.

"Is that it? Oh, okay. You're both excused for my subject, but make sure to go back here once Miss Cortez is already okay. You still have classes for afternoon, right? But if her migraine worsens, take her home alright? And you, Miss Cortez, drink plenty of water and get enough rest, okay?"

"Yes yes, I will. Thank you for understanding, Miss.." Ngumiti si Karina at tumango naman si  Miss Dela Vega tsaka nagpatuloy sa kaniyang ginagawa.

Hindi ko alam kung guni-guni ko lang, pero sa kailalim-laliman ng mga mata ni Miss Dela Vega ay nakakita ako ng pag-aalala at pangungulila, na parang may biglang naalala. Ipinilig ko iyon at hindi nalang pinansin. As if naman mag-aalala iyon sakin.

Si Karina ay abala sa paghalungkat sa kaniyang bag. Anong hinahanap naman nito?

"There you are!" Aniya at tsaka itinaas ang itim na balabal. Taka ko siyang tinignan. Kahit na malamig pa sa aming silid, kapag lumabas naman kami ay mainit na dahil mainit na ang panahon ngayon. So bakit kailangan pa niya ng ganiyan? Ano trip nito?

Behind A SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon