Kabanata 19
"Dalian mo na, Gracie! Excited na akong maligo sa dagat!" Kinikilig na sabi ni Karina.
Alas sais na ng umaga. Maaga kaming gumising, upang maligo sa dagat at ngayon ay inaantay si Gracie na ngayon ay abala sa pagpapalit ng kaniyang isusuot na two-piece bikini.
Karina is here beside me, and she looks so sexy in her two-piece bikini. Her body is curvy, and she has a slim waist and long legs. I'm sure boys will definitely turn their eyes once they saw her, and might drool over.
Habang ako naman ay piniling hindi mag-bikini. I just can't. Ilang beses nila akong pinilit kanina, ngunit sa huli ay wala silang nagawa.
I want to, and I can, but I won't.
Karina gasped when she saw Gracie coming out from the bathroom, pati na rin ako. Ang sexy niya!
"Wow! Ang sexy mo pala Gracie! Hindi ko masiyadong nahalata kasi mahilig ka magsuot ng mga maluluwang na damit. Pero ngayon, wow, look at that curves!" Hindi makapaniwalang sabi ni Karina.
Kita mo talaga ang pagkamangha sa mga mata niya. Well, I can't blame her dahil kahit ako ay bahagyang nagulat na may tinatago palang ganiyang katawan si Gracie.
Nakashorts lang kasi siya palagi, at maluwang na damit ang sinusuot. Mahahalata mo naman na payat siya, pero hindi mo masyado makikita ang kurba. But now, it's finally showing!
Natawa at umiling nalang si Gracie, at tinignan ako. I got conscious with her stare. 'Yung tingin niya ay tingin na parang hindi ako nababagay dito dahil sa suot ko.
Well, I'm wearing a black maong shorts and a white sleeveless top. It is a bit see-through, because of its deep-v neckline, but it's okay since we are in a beach naman.
Okay naman ang suot ko ah!
Just not the bikini, because I have so many scars to hide in my back. If it wasn't because of them, because of that place, I would've worn it without a doubt.
"The bikini will surely look good on you, pero you look hot in that anyway, so," sabi niya, at bahagyang tinignan ang suot ko.
"I agree," sabi naman ni Karina. Tinawanan ko nalang sila at naglagay nalang ng lotion for sun protection sa katawan.
Nang matapos na kami ay agad na kaming bumaba at nasa malayo palang ay tanaw ko na ang dami ng tao na naliligo sa dagat.
Wow! I didn't expected that!
Nang tuluyan kaming makarating doon ay naramdaman ko na sa amin dumako ang tingin ng mga tao.
E paano, ang si-sexy ng mga kasama ko!
Nakarinig ako ng sigaw sa bandang gilid, nilingon ko 'yun at nakita na mga kasamahan namin sila, boys from engineering department. Mga kaklase yata ni Tyrone.
Hindi namin sila pinansin, at nauna nang lumusong sa dagat sila Karina at Gracie. Habang ako ay nanatiling nakatayo dito, namamangha sa ganda ng dagat.
The sun just rises, at ang init nito na dumadampi sa balat ay hindi masakit. It actually feels good.
"Zanaiah, ano pang inaantay mo diyan! Tara na dito!" Sigaw ni Karina, at agad akong napatingin sa kaniya.
Ngumiti ako, tinanggal ang suot na sandals, at dahan-dahan na naglakad papunta sa pwesto nila.
Napapikit ako nang maramdaman ang malamig na tubig na lumapat sa balat ko, at bahagyang nakiliti sa binti dahil sa pwersang binigay ng mga maliliit na alon.
BINABASA MO ANG
Behind A Smile
Mystery / ThrillerSa mundong ating ginagalawan, may mga basehan tayo sa lahat ng bagay. Mga basehan na pilit nalang nating pinapaniwalaan dahil iyon ang gusto natin, iyon ang sinisigaw ng isip at puso natin. Kagaya na lamang ng katanungan na: Ano ba ang basehan para...