Chapter 17

25 2 6
                                    

Kabanata 17

Mahina kong sinasampal ang sarili ko hanggang sa tuluyang makarating sa higaan. Naupo muna ako at nagulat nang biglang umilaw 'yung cellphone ko at nag-vibrate. May nagtext.

Huminga muna ako ng malalim, bago kinuha ang cellphone na nakapatong sa side table. One message from Tyrone.

Him:

Nakarating na ako sa kuwarto namin. Thanks for tonight, Lorraine. I'll see you tomorrow. Good night.

Magtitipa na sana ako ng reply nang muling maalala ang ginawa ko kanina. Bigla nanaman akong nahiya. Shit!

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Bakit ko ba kasi ginawa 'yun! Lasing ba ako?

Kinalma ko ang sarili ko, at napapitlag nang maramdaman na muling nag-vibrate ang cellphone ko. May text nanaman siya! Binuksan ko 'yun at sa tingin ko ay namutla ako sa nabasa.

Tyrone:

And you are so much welcome, by the way. ;)

Shit!

Agad akong nagtalukbong ng kumot, at hindi makapaniwalang umiling-iling. I know that smiley!

I groaned. Uhh, what I have done?

Sa hiya ko, hindi nalang ako nag-reply.

Ibinalik ko sa side table ang phone ko, kinalma ang sarili, at umayos ng higa. Napatitig ako sa kawalan haban inaalala ang mga nangyari sa araw na ito. Ramdam ko ang ngiti na gumuhit sa aking mga labi. It was a long day. Parang ang daming nangyari, pero sa dulo, naging maayos din ang lahat. Ganoon ang nararamdaman ko ngayon.

Sana palaging ganito.

Nakapikit ako habang nakangiti, at pagkatapos ng ilang minuto ay nakaramdaman na rin ako ng antok marahil ay dahil na rin sa dami ng alak na nainom ko. Hindi ko na alam, pero tuluyan na nga akong kinain nito.

"Uy gising na," rinig kong sabi ni Gracie.

My forehead creased, and I slowly opened my eyes. Umaga na? Bakit pakiramdam ko kakatulog ko lang?

Napatingin ako kay Gracie na nakaupo sa tabi ko. Halatang kakagaling niya lang sa banyo dahil nakatapis pa siya ng tuwalya.

I groaned nang muling makaramdam ng antok, at pinikit ko ulit ang mga mata ko.

"Hoy, bumangon ka na diyan. 'Ayan kasi, ang dami mong nainom kagabi,"

Wala pa rin akong sagot. Let me get some more sleep, please.

Naramdaman ko ulit ang pagyugyog ni Gracie sa balikat ko.

"Kanina pa kita ginigising. Natapos na akong naligo lahat-lahat, hindi ka pa rin gising,"

At doon napabangon ako bigla. Kanina pa?

That's weird. Kasi usually, mabilis ako magising. Isang kalabit lang ata, maliit na ingay lang, magigising na agad ako. Ngayon lang ata ulit nangyari ito.

Katapusan na ba ng mundo?

O sadyang, maganda lang ang naging araw ko kahapon?

And the kiss! Crap!

Agad akong napailing-iling dahil sa mga naisip. Shit! Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang mga palad dahil sa biglang kahihiyan na naramdaman.

"O, anong nangyari sayo?" Dinig kong tanong ni Gracie na ngayon ay abala na sa pagkuha ng damit sa kaniyang maleta.

Behind A SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon