Kabanata 33
Days went by swiftly. It's fourth of December now, and it's almost the twins' seventh birthday. Time flies so fast, indeed. Hindi ko na halos namamalayan ang mabilis na paglaki ng kambal.
Tinanong ko si mama kung ano ang mga plano, ang sabi ay engrande daw dahil minsan lang naman darating ang pagkakataon na ito lalo na para sa kambal, na agad ko namang sinang-ayunan. Kung kaya't kalagitnaan pa lamang ng Nobyembre ay talagang abala na kami, lalo na sa paggawa at pagbibigay ng mga imbitasyon sa mga ninang at ninong nila, pati na rin ang paghanap sa mga magiging hosts, sa mga children's party organizers, etc.
"So, how was it like?!" kuryosong tanong ni Gracie.
"How was what?"
She rolled her eyes. "Meeting Tyrone's parents, duh!" maarteng sabi niya.
Tumawa nalang kami ni Karina. Nandito kami ngayon sa school grounds, naglalakad pabalik sa klase. Nasabi na namin sa kaniya ang tungkol sa amin ni Tyrone, at ngayon ay ikinukuwento ko sa kanila ang unang pagdala sa akin ni Tyrone sa bahay nila, which was almost two months ago already. Hindi ko maiwasan ang mapangiti nang maalala ko ang sandaling iyon.
"Well..."
"Well?"
"Okay naman. I was really nervous at first, pero nawala na rin 'yun kinalaunan," tumigil ako, dahil parang nanariwa sa akin ang kakaibang kaba na naramdaman ko pagkakita ko pa lamang sa bahay nila. Iyon 'yung klase na kaba na noon ko lang naramdaman. It was definitely unfamiliar and... strange. Pero sa huli ay pinili ko nalang na isantabi iyon.
"His parents are sweet and accommodating,"
Muli nanaman akong nakaramdam ng saya nang maalala ko ang mga magulang ni Tyrone. Parang nawala lahat ng mga kaba ko nu'ng makita ko ang mga mukha nila, lalo na ang kanilang mata. Napaka-amo ng mga iyon, at mapupungay, na parang aantukin ka kapag tumitig ka talaga. Just like Tyrone's. May pinagmanahan nga naman talaga.
Then just by looking at their eyes, you'd feel that warm welcome and is that, they're really glad and happy to finally meet you, but, to be honest, I felt the same thing when I first saw Tyrone before. Iyong pakiramdam na parang kilala ko na sila? Na parang nakita ko na sila somewhere? Iyong pakiramdam na hindi sila estranghero at all?
Hindi ko alam kung nagkakataon lang ba talaga ang mga bagay-bagay, o sadyang may mga bagay na nagtutugma, ngunit hindi ko lamang ito nakikita.
O baka naman, masiyado lang talaga akong nag-iisip?
"And?" she demanded.
I smiled. "Basta, they're really nice..."
"That's really good to know! Pero hindi na ako nagulat, kita mo naman si Tyrone, halata naman sa kaniya ang mga katangian na iyon," manghang sabi ni Gracie.
"I just can't disagree!" pagsang-ayon ni Karina.
Tanging ngiti nalang ang naging sagot ko, at kinuha ang nag-vibrate na cellphone sa aking back pocket. Bahagya akong napatigil at kumunot ang noo ko nang mabasa ko ang dumating na mensahe galing sa hindi kilalang numero.
Unknown Number:
Buckle up, your happy days are almost over. :)
Napansin nila Karina ang pagtigil ko, at agad akong nilapitan.
"What's wrong?" kuryosong tanong ni Gracie.
Kukuhanin na sana ni Karina ang cellphone ngunit mabilis ko itong naibalik sa aking bulsa.
"Sinong nagtext?"
"Wala 'yun,"
"Wala? Pero bakit namumutla ka?"
BINABASA MO ANG
Behind A Smile
Mystery / ThrillerSa mundong ating ginagalawan, may mga basehan tayo sa lahat ng bagay. Mga basehan na pilit nalang nating pinapaniwalaan dahil iyon ang gusto natin, iyon ang sinisigaw ng isip at puso natin. Kagaya na lamang ng katanungan na: Ano ba ang basehan para...