Chapter 6

64 9 3
                                    

Kabanata 6

I am still looking deep into his eyes. I can feel something; something mysterious that has been hidden for a long period of time, something that he keeps on blocking in order for it to stay kept. What could it be?

Umiling ako at iwinaksi ang aking naramdaman at naisip. Ano namang pakialam ko kung mayroon nga? It doesn't matter. I don't care.

Nanatili pa rin siyang nakangiti, a sincere and a genuine one. What's the matter? Ganun ba siya kasaya dahil naalala ko siya? But no, I am certain that there is something.

"Why do you keep on smiling? Kinikilabutan ako sayo." Umirap ako sa kaniya at siya naman ay sandaling napahalakhak. What the hell? What is his problem!

"Nothing, Lor. Maganda lang gising ko. Papasok kana?" Wow? Maka Lor? Ano kami close? Hindi ko nalang pinansin at tumango na lamang. Napansin ko ang kaniyang uniporme. Iyon ang uniporme ng mga engineering students sa school namin. Wait? Doon din siya nag-aaral?

"Sa Brenizce University ka rin nag-aaral?" Tanong ko at nakita kong inayos niya ang kaniyang kuwelyo. Ngumiti ito bago nagsalita.

"Oo. Hindi ko alam na doon ka din pala. Sabay na tayo?" Tumango na lamang ako bilang sagot. Kahit na nag-aalangan dahil hindi ko siya masiyadong kilala ay pumayag na rin ako. He seems nice. I can see that from his eyes. Nag-umpisa na kaming maglakad, medyo nauuna ako ng kaunti.

Yakap ko ang aking mga libro at si Tyrone naman ay nakapamulsa ang isang kamay at ang isa naman ay hawak ang kaniyang bag na nakasukbit sa kaniyang kanang balikat.

"So, saan ka pala nakatira? I mean, saan kang street doon sa village?"

Napalingon ako sa kaniyang tanong at agad ding ibinalik sa harapan ang tingin ko. Ramdam ko ang kaniyang mga matang nakatingin sa akin, at ako naman ay nakatingin lang sa aming dinadaanan. Oo nga pala, doon din siya nakatira sa aming village. Is this just some sort of coincidence, anyway?

"Sa may Lincoln Street. Ikaw ba?" Inayos ko ang  aking wristwatch at hinintay ang kaniyang sagot. Kailangan pa bang pag-isipan iyon? Bakit ang tagal niyang sumagot?


"Uhm.. sa may Britley Street. Medyo malayo pala kami sa inyo.." Hindi ko nalang pinansin ang kaniyang matagal na pagsagot. Siguro ay may bigla lang itong naisip. Tumango na lamang ako at natatanaw ko na ang tarangkahan ng aming unibersidad.

Medyo madami na rin ang nakita kong pumapasok. Noong huling linggo kasi ay nagkaroon ng outing ang ibang departments kasama na rin ang iba naming professors sa ibang subjects namin kaya halos wala talagang pumapasok. Sa susunod na buwan ay kami naman ang susunod. Tss. I'd rather lie down in my bed than to join that stupid outing.

"Good morning, Miss Cortez! Bagay na bagay po sayo ang uniporme mo!" Bungad sa akin ni Manong Nando nang makalapit kami sa gate. Siya ang guwardiya namin at oo, close kami. Napangiti ako sa kaniya at nagmano.

"Good morning din po, Manong Nando. Musta po kayo? Sus, binobola niyo nanaman po ako eh.." Natawa naman sila sa aking sinabi at kinuha ang kanilang face towel upang punasan ang kanilang pawis. By the way, this day is uniform day, bawal ang mag-civilian kaya eto, sa ayaw at sa gusto ko, kailangan kong isuot dahil baka palabasin ako ng room.

"Eto okay lang naman ako. Okay na rin si misis. Salamat sa tulong mo, iha ah? Hayaan mo, kapag sunod kong sahod ay babayaran din kita. At hindi kita binobola nu, bagay na bagay nga sa iyo yan, lalo kang gumanda! Diba, pogi?"

Behind A SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon