Chapter 32

8 0 0
                                    

Kabanata 32

"Hi guys. I know that you've already met him, but I'll just introduce him again..." nakangiting sabi ko.

Nilingon ko sa tabi ko si Tyrone, at hindi pa rin talaga mawala ang kaba na nakikita ko sa kaniyang mga mata. Lalo na ngayon na kaharap na niya ang pamilya ko.

"Everyone, this is Tyrone,"

Hindi nakatakas sa pandinig ko ang mahinang tili na kumawala sa bibig ni Karina, samantalang si mama ay hindi na rin magkamayaw sa tuwa.

"I want you all to meet my boyfriend..."

"Yieeee!"

"Oh my, gosh!"

"Tita, ano ba naman 'yan! Bakit nakakakilig!"

"Yieee! Congrats, Ma'am este Zanaiah!" si Lyn.

Natawa nalang ako sa mga reaksiyon nila. Samantalang si Tyrone ay tila natuod na. Hawak ko pa rin ang kamay niya, at hindi na talaga siya gumalaw.  Ipinadausdos ko ang kamay ko sa kaniyang likod, at finally, nilingon niya na rin ako.

"I'm so happy," tanging nasabi niya. I can see that in his eyes.

Kung alam mo lang Tyrone, kung gaano rin ako kasaya.

I smiled at him, and he now turned to face my family. He took a deep breath and I almost melt when he smiled.

"Hi. Lubos ko pong ikinagagalak na makilala kayong muli. I'm Tyrone, and I promise to take care of Lorraine, whatever it takes..."

"Yieee!"

"Nakakainis!"

"Bakit ka ganiyan!"

My heart almost dropped with what he just said. Grabe. Parang nalunok ko 'yung dila ko, hindi na ako makapagsalita, at hindi ko alam kung paano ba ang ire-react ko.

"Oh, tara na kumain na tayo, baka langgamin pa itong mga pagkain!"

Natawa kaming lahat dahil sa sinabing iyon ni mama.

"Alright, may point si mama. So, maupo na tayo at kumain na," sabi ko.

Binalingan ko ng tingin si Tyrone, at nginitian niya ako. He mouthed I love you, at pakiramdam ko nabusog na ako.

Tell me if I'm exaggerating, but it really feels like it.

"What is a boyfriend, ate?" paupo na kami nang biglang magtanong si Zelize.

Ngumiti ako. "It's a person, it's someone who makes you happy..." I answered while my eyes focused on Tyrone.

She put her index finger on her little chin. She's so adorable.

"So, you guys are my boyfriend? Kasi you make me happy 'e,"

Oh, my sister. This is the reason why I don't want you to get hurt, in any way. You and your little innocence.

"Yes baby, so eat up now," si mama ang sumagot.

Kaya gagawin ko ang lahat, lahat ng makakaya ko, para hindi madamay ang kapatid ko sa gulo ng pamilya na 'to. I mean it when I said that once they touch even a hair strand of my sister, there will be a fucking bloodshed.

"Anak?"

I snapped away from my thoughts, and tried to put on a smile.

"Kain na," habol niya.

"Yes po, ma,"

Nagsimula na silang magsikuha ng kani-kanilang pagkain, at kitang-kita ko sa mga mata nila ang labis na pagkatuwa. Sa totoo lang, ito 'yung bagay na araw-araw kong pinapangarap, bagay na palagi kong inaasam-asam, bagay na walang araw na hindi ko ipinagdasal... Iyon ay ang makita ang pamilya ko na masaya.

Behind A SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon