Chapter 5

63 12 11
                                    

Hey guys! Sorry kung late akong nakapag-update ngayon, been stressed kasi these past few days, and my migraine has been attacking me so I had to rest. Hindi ako makakapag-concentrate kapag pinilit ko! Hehe. Thank you for understanding! Let me know your thoughts, please? :) Chapter 5? Here it goes!

--------------------------------------------------------------

Kabanata 5

Nanatili pa rin akong nakatingin sa kanila habang nakangiti. It's like I am gazing at a beautiful sculpted constellation; so beautiful that I don't want it to be vanished and so beautiful that I would wish I could gaze at it forever.

"Oh, anak? Bakit ka natigil sa pag-kain?" Ngumiti ako at tumikhim dahilan upang mapatingin na rin ang kambal sa akin.

"Nothing, mama. You three are just amazing, like a painting made by a famous and handy artist; simple yet perfect, na kahit pakatitigan ko buong buhay ko ay hinding-hindi ako magsasawa.."

Nagpakawala ng "aaahhh" si Zelize na para bang hinaplos ang kaniyang puso nang dahil sa aking sinabi. Nilapitan niya ako atsaka niyakap. I patted her head at bumalik din kaagad sa kaniyang upuan upang bigyan na ulit ng pagkain ang kaniyang alagang aso.

Si Louiz naman ay nakitaan ko ng kasiyahan sa kaniyang mga mata ngunit wala namang ipinapakitang emosyon ang kanyang mukha. Hindi man niya ito naipapakita, marahil ay nahihiya, ay ramdam kong niyayakap niya din ako sa kaniyang isip kagaya ng ginawa ng kaniyang nakababatang kapatid.

He is not showy, just like me. Minsan lang talaga, lalo na kapag alam niyang galit na ako o kaya si mama kaya naiintindihan ko naman siya.

Si mama naman ay pinisil lang ang aking kamay upang ipakita na nasiyahan siya sa kaniyang narinig. I smiled at her.

Pagkatapos nang ilang minuto ay natapos na rin kaming kumain ng hapunan at ako na ang nagboluntaryong magligpit ng mga pinagkainan at mga pinaglutuan.

Unang tumayo ang kambal at mabilis akong pinaulanan ng halik sa pisngi ni Louiza.

"Good night, ate Lorr. I love youu.." Napatawa nalang ako dahil sa madaming halik na iginawad niya sa aking pisngi. Ang sweet talaga ng baby ko.

"Good night, baby girl. Pray before sleep, okay? Be a good girl tomorrow, alright? So Marky can stay.."

Natawa ako dahil sa huling sinabi. Mabilis namang tumango ito at lumapit na rin siya kay mama.

Palagi ko kasi siyang sinasabihan na kapag hindi siya magpapakabait ay itatapon ko ang kanyang aso, which is just a pure joke. As if naman kaya kong gawin iyon. Ibang daan lang upang matuto sila.

Sunod naman akong nilapitan ni mama at hinawakan ang aking kamay. Huminga muna siya ng malalim bago nagsalita.

"Anak, maraming salamat ha? Napakabuti mong anak at ate sa iyong mga kapatid. May binago man ang mga nangyari noon sa pagkatao mo, hindi naman nabago nito ang busilak mong puso. Mahal na mahal kita anak. Matulog kana pagkatapos mo, okay?.."

Napapikit ako nang halikan ni mama ang noo ko. Inalala ko ang mga nangyari noon, at totoo na nabago nga ako nito. I sighed. Tumango ako at umakyat na rin sila kasama ang kambal.

Behind A SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon