Chapter 7

42 9 7
                                    

Belated Merry Christmas everyone! Hope you all had a delightful celebration! :) And Advance Happy New Year! :) Sorry for the late update, nagkakasakit kasi ako tapos wala akong data nung mga nakaraang araw kaya ngayon lang. Hope you all understand! Thank you!

By the way, let me feel you guys by dropping your thoughts in comment box, please? XOXO~


Kabanata 7


"Happy.."

"Happy.."

"Happy.."

Paulit-ulit na nagpanting sa aking tainga ang huling salitang kaniyang sinambit. What? Happy?

Oo, nakikita ko iyon sa mga mata niya, taliwas doon sa una kong nakita noong first encounter namin, he may not be smiling but his eyes speaks its happiness themselves pero iyong iba ang makapansin? That's another thing! Damn!

Tinignan ko siya at hinawakan ko ang kaniyang balikat then I cupped her face with my both hands. Huminga ako ng malalim bago nagsalita.

"It was just nothing, okay? Stop freaking out, Karina. If he is famous, then fine, now I know about him. Kung ano man ang napansin mo ay wala lang iyon, anong alam natin right? He's just probably happy. He seems nice so pumayag ako na makisabay siya sa akin. Pero hindi ko inaasahan na iimbitahan niya pa akong kumain ng lunch mamaya?"

"What?! He invited you?! Lunch?! Oh my God, Zanaiah! Ang swerte mo!! Magkakalovelife na bestfriend ko! Ayieeeeeee!!" Nagsisisigaw siya at paulit-ulit na sinusundot ang aking tagiliran. Hindi niya namalayan na nakatingin na pala lahat sa amin ang mga kaklase ko. Shit, wrong move.

I glared at her and I slapped her butt. Damn this woman! How could she be this vociferous! Nagpeace-sign ito sa aking mga kaklase at sinabing wala lang ito.

Dumating na ang aming professor and I glared at her once again bago ito makaupo. Tinawanan niya lamang ako and she mouthed "later". Hindi na lang ako sumagot at tumingin na lamang sa harapan.

Nag-umpisang magturo ang aming guro, at kasabay nito ang pagtungo ng mga ulo ng aking mga kaklase sa kani-kanilang armchairs upang matulog. Nakakabagot naman talaga kapag ito na ang guro namin.

Mostly kasi, halos tungkol na lang sa buhay niya ang kaniyang mga kinukwento kaya hindi mo talaga sila masisisi kung bakit ganiyan sila umakto. Pati na rin ako. Kulang na lang, ipatugtog namin ang theme song ng MMK bilang entrada eh. Pero magaling naman siyang magturo, mas madami nga lang talagang kuwento.

Napahikab ako at tinignan ang orasan sa aking kaliwang pulso, 9:35. Napakabagal ng oras. Ganoon talaga siguro kapag hinihintay mong lumipas ito. Iyong tipong halos hindi ka na nakikinig sa pagtatalakay ng guro ninyo dahil ang isip mo ay nasa oras, naiirita dahil ang bagal-bagal nito gumalaw.

Napansin ko sa aking gilid si Karina at ngumisi ito sa akin. For sure, inaasar ako nito dahil malapit na mag-lunch. At marahil ay iniisip niya na excited ako dahil sa patingin-tingin ko ng oras. Baliw.

Excited ba ako? No. Why would I? Lunch lang iyon, at hindi iyon espesyal sa akin. Kung ang iba ay parang inasinan na mga bulate dahil makakasama nila si Tyrone, pwes ako hindi. He's handsome, yes. Karina was right. Sa mata palang niya ay makikita mo iyong kagandahan niya hindi lang sa panlabas na anyo kundi pati na rin ang kaniyang panloob na aspeto.

Behind A SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon