Chapter 10

68 5 6
                                    

Kabanata 10


Mabilis itong gumalaw patungo sa bintana upang tumakas nang mahablot ko ang kaniyang suot na itim na kwintas. Malas mo mas mabilis ako.

Hinila ko pa ng mas mahigpit ang kwintas dahilan upang manginig ito lalo sa takot, sa takot na mawakasan ang kaniyang hininga dito mismo, sa harapan ko. But I won't do that.

"B-bitawan n-n-iyo po a-ako.. N-nasasak-tan p-po a-ko.." Pagmamakaawa nito, ngunit hindi ako bumitaw bagkus ay mas hinigpitan ko pa ang paghila dito dahilan upang mamilipit ito sa sakit.

"Bitawan? Ang lakas ng loob mong pumunta at pumasok dito sa teritoryo ko, kaunting pihit lang ng leeg mo, sakit na sakit kana? Paano pa kaya kapag binali ko pala? Edi namatay kana?"

Nawalan na ng tuluyan ng kulay ang kaniyang mukha. Nakapikit na ito, marahil ay dahil sa hindi na makayanang sakit na nararamdaman. Parang kadena itong kaniyang kwintas, ngunit maliit lang.

Mas lalo ko pa itong hinila palapit sa akin at hinigpitan ang pagkakahawak ko dito, but I see to it that it won't hit his largest artery. Hell, ayokong makapatay.

"Hindi kita tatanungin kung ano ang ginagawa at hinahanap mo dito sa kwarto ko. Hindi kita tatanungin kung sino ka at kung kanino ka nagtatrabaho. Sa susunod. Sa susunod mong punta dito, dahil alam kong babalik ka diba? Hindi mo pa nakuha ang hinahanap mo, tama? Sige, bumalik ka, at sisiguraduhin ko na dito, dito mismo sa lapag na ito, ay dadanak ang dugo mo."

Dahan-dahan ngunit madiin kong sabi sa kaniya tsaka mabilis ko itong binitawan. Takot na takot pa rin ito, at halos gumapang na papunta sa bintana upang umalis.

Napatigil ito ng tumikhim ako, ipinaparating na hindi pa ako tapos magsalita. Lumingon ito at dahil sa ibinibigay na liwanag ng buwan, nakita kong nanginginig parin ang kaniyang namumuting labi.

"Kilala mo ako diba?"

Mabilis itong napalingon, agarang napatango at nakita kong kumapit ito sa kaniyang black pants, na tila parang may makukuha siyang lakas doon. Ngumisi ako at lalong bumalatay ang takot sa kaniyang mga mata.

"Kung ganoon, alam mo kung ano ako, alam mo kung ano ang kakayahan ko, at higit sa lahat, alam mo na sa isang segundo ay kayang-kaya kong gawin ang lahat ng mga sinabi ko."

Tumango ito at dahan-dahang umatras, handa nang umalis.

"Good." Atsaka mabilis itong tumalon sa bintana. Hindi siya mapapansin ng mga guards dahil may daan sa baba ng aking kwarto papunta sa may backdoor ng aming bahay at ang lalabasan naman nun ay sa kabilang bahay na. Malas niya kapag nakita siya nina Mang Lito. Pero mas malas niya kapag nainis talaga ako.

Kilala ko ang lalaking iyon, ngunit hindi dahil sa mukha, o sa kaniyang pagkakakilanlan, kundi dahil sa kaniyang awra at presensiya. At alam ko din ang hinahanap nito. Are they that obsessed? I almost cursed myself having it, no. I almost cursed being someone. But still, I won't give it to them. Pinaghirapan ko, tapos ganun-ganun lang nila makukuha? Hell no.

But what just happened a while ago? I hate it when I encounter things like that, people like that. Because I am transforming into someone who is certainly unrecognizable, someone who is totally.. different. At hindi ko iyon gusto.

Kumuha ako ng itim na v-neck shirt atsaka mabilis na nagpalit. Kailangan ko ng bumaba dahil baka nagtataka na ang mga iyon kung bakit ako natatagalan sa pagbalik gayong magpapalit lang naman ng damit ang gagawin ko.

Behind A SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon