Chapter 16

14 2 3
                                    

Kabanata 16

"Hindi pa ba tayo babalik ng hotel?" Tanong ko kay Karina, na pansin kong pumipikit-pikit na rin dahil sa kalasingan.

Naka-ilan na ba 'to?

Napansin ko kasing iilan nalang kami dito, at medyo lumalalim na rin ang gabi. Pinaiwan kasi lahat ng cellphone sa hotel, pati na rin ang mga relo, para daw ang pokus namin ay sa mga activities lang, at hindi sa oras.

Karina looked at me, with her eyes squinted.

Lasing na talaga siya.

Binilang ko kung ilan ang in-can beers sa tabi niya na nainom na niya.

It's nine. Crap. Madami na rin pala.

"Mamaya pa. Madami pa tayong iinumin o," sagot niya, at bahagyang inangat ang katawan para tignan ang laman ng cooler.

Tinignan ko rin 'iyon at nakitang siguro mayroon pang nasa sampu na in-can beers. I can't believe this. Gaano ba kadami ang binili nila?

Nilapitan ko siya at ikinulong ko sa mga palad ko ang maliit niyang mukha.

"Alam mo ba kung naka-ilan ka na, Komze?" Mahinang tanong ko sa kaniya.

"Ugh! Don't call me by my surname," singhal niya, at inilayo niya ang mukha niya. Agad naman itong hinabol ng kamay ko. Now, I'm cupping her face again.

This woman is giving me a headache.

"Ayaw mo pang umalis?"

"Oo, nag-iinom pa tayo o," natatawa niyang sagot sa akin.

"Karina..." I said, with a warning tone in my voice.

"Pagbigyan mo na 'to, ngayon nalang ulit tayo nakainom o?" Then she pouted.

"How long has it been for you? Five years, Raine? Pagbigyan mo naman ang sarili mo na maging masaya," dagdag pa niya.

Shit. Now, she's talking about that. She is calling me Raine. She's really drunk, damn it.

Nilingon ko si Tyrone, at seryoso lang siyang nakatingin sa amin.

I can't believe this. Please don't say anything else, Karina.

"Bakit? Anong meron sa five years, Karina?" Usisa naman ni Gracie, na gising pa pala. Kinakabahan na ako. Kaya ayaw kong nalalasing si Karina kasi nawawalan talaga siya ng kontrol sa sarili.

"Wala 'yun Gracie, 'wag mo nalang pansinin. Lasing lang si Karina," depensa ko, at agad naman itong tumango at binalik na sa pagkakapatong ang ulo niya sa kaniyang tuhod.

Mabuti naman.

"Oo na, hindi na muna tayo aalis basta hindi ka na iinom,"

Sabi ko kay Karina, at hindi nalang siya umapela. Marahil ay wala ng lakas para makipagtalo pa sa akin. Lagot talaga 'to sa akin bukas, muntik pa akong ipahamak.

Kumuha ulit ako ng isang lata ng beer, at lalagukin ko na sana 'yun nang bigla akong pinigilan ni Tyrone.

Agad akong napatingin sa kaniya, and gave him a questioning look.

"Why?"

He took a deep breath before answering.

"Alam mo ba kung naka-ilan ka na?"

Natawa ako ng napagtanto na ibinalik niya sa akin ang tanong ko kay Karina kanina.

"Hindi, 'di ko na nabilang,"

Behind A SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon