Chapter 4

76 11 6
                                    

Kabanata 4

After seeing that scar, I can't help but remember everything that happened five years ago. Parang napaka-bago pa rin sa akin ang lahat. Lahat ng mga hirap na kinailangan kong pagdaanan, mga bagay na kinailangan kong i-sakripisyo para lamang makalabas ako, at mga bagay na kinailangan kong bitawan para makawala ako. Ang sakit pa rin.

Alam kong hindi ito magtatagal, alam kong pansamantalang kalayaan lang ang tinatamasa ko ngayon. Dahil pag dumating ang tamang panahon, ay babalikan nila ako. Hindi ako papayag na mangyari iyon. Ayaw ko nang balikan ang buhay na mas masahol pa sa lugar na tinatawag nilang impyerno.

Pero alam kong gagamitin at gagamitin nila ang kanilang kapangyarihan para lamang mapasunod ako. Sana hindi dumating ang pagkakataon na gamitin nila ang mga taong nakapaligid sa akin dahil kapag nangyari iyon, ay wala akong ibang magagawa kung hindi gawin ang pinapagawa nila. Kahit na ayaw ko. Kahit na labag na labag sa loob ko.

Huwag lang nilang hahawakan at sasaktan ang mga mahal ko sa buhay, dahil kapag nangyari iyon, lahat ng lahi nila bubuwagin ko. Magkamatayan man kami. They know what I am capable of. They wouldn't dare.

I heaved a deep sigh. Naiinggit ako sa mga ibang taong normal lang ang pamumuhay nila. Iyong tipong pamumuhay na kahit simple lang 'e, punung-puno naman ng pagmamahalan.

Sa amin kasi, hindi. Everything about our family is complicated. Minsan hindi ko na rin naiintindihan, but it is what it is. It's my family. I just have to get along with this kind of life, I guess.

Pagkatapos kong magbihis ay bumaba na ako upang tulungang magluto si mama. I am wearing a maong shorts and a white v-neck tee culture t-shirt. I put my hair into a bun at nakasuot lamang ako ng itim na tsinelas.

Naabutan ko si mama na nakaupo sa may stool chair sa countertop. Hindi pa siya nagsisimula marahil ay hinihintay ako. Napabuntong-hininga na lang ako nang makita ang pagod sa kanyang mga mata.

"Hi ma. Musta po araw niyo?" I kissed her in the cheek. She looks so stressed out. Iginaya ko siya sa upuan at minasahe ang kanyang balikat at likod.

"Okay naman, anak. Medyo nagkaproblema lang kanina sa opisina. Natagalan kaya ngayon lang ako nakauwi. But I left everything handled. There's no need to worry."

She looked at me and caressed my face with her palm. It feels good. Ipinagpatuloy ko ang aking ginagawang pagmasahe sa kaniya at hindi ko mapigilan ang magtanong.

"Bakit naman po, ma? Ano po bang nangyari? Baka po sobrang na-istress na po kayo ha?"

I stopped for a while, and faced her. I held her hand and slightly squeezed it.

I took a deep breath, and continued. "You know that I can take the company over. I can handle that ma..." Kita ko na agad ang hindi niya pagsang-ayon. "Alam ko pong malayo ang psychology sa larangan ng business pero kaya ko namang matuto kahit na sa sandaling panahon lang..." Umiling-iling siya. "Besides, nandy'an naman po kayo para gabayan ako. It was supposed to be me, ma. I'm sorry dahil kayo ang dumaranas niyan..."

Patuloy ko at tumungo ako. Hindi ko maiwasang makaramdam ng pait sa aking sarili. If we just don't have that thing in our family, I guess this won't come this far. Damn it.

"Sssh. Hey Lorr? It's not your fault, okay?" Hinanap niya ang tingin ko, at bahagyang hinaplos ang aking mukha. "And no, you are not taking over the company. Ayaw ko nang mahirapan ka pa. Tama na iyong ilang taon anak na nasaktan ka, na naghirap ka, anak..." Huminga siya ng malalim ng bahagyang nahirapan sa sinambit.

Behind A SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon