Kabanata 23
"Hi anak, belated happy birthday." sabay abot sa akin ng isang regalo, at marahan akong niyakap.
Napapikit ako dahil doon. Hindi ko maitatangging nangulila ako sa kaniya. But instead of warmth, I tasted bitterness, kaya naman agad akong napabitaw.
"Pasok ho kayo," tanging nasabi ko.
"Salamat, anak."
I heaved a deep sigh. "Kumain na po ba kayo?"
Ramdam ko ang pagsunod niya sa likuran ko.
"Hindi pa anak e, nagkape lang ako."
Tumango ako at nagpatuloy sa paglalakad. Nang tuluyang makarating sa hapag ay nakita ko ang pilit na ngiti sa akin si mama, at nakitaan ko ng gulat sila Manang Berna. Right. Hindi namin sila nasabihan na darating ngayon si papa. Agad silang tumayo at yumuko bilang pagbati at pagbibigay-galang sa kaniya. Papa instructed them to be seated, at umupo naman kaagad sila.
"Papa!" si Zelize, sabay yakap. Kita ko ang pagkagulat sa mga mata niya, na kinalaunan ay napalitan ng saya.
"My, Zelize!" sabay karga sa kaniya.
Nakita ko ang saya at pagkasabik sa mga mata ni papa. Doon ko napansin ang mga buhok ni papa na parang kulay abo na, pati na rin ang kaonting kulubot sa noo niya. He seems stressed, at mukhang napapabayaan ang sarili. Parang naiiyak ako bigla. Bakit ganito. Sa kabila ng lahat ng pasakit, dapat ang nararamdaman ko ay galit. Pero bakit parang hinahaplos ang puso ko sa nakikita ko ngayon.
"Ah! Ang bigat mo na!"
"Namiss po kita, daddy!" At pinaulanan ng halik ang mukha ni papa.
"Hi big boy!" Bati niya naman kay Louiz na ngayon ay nakayakap sa kaniyang binti at si papa ay hinahaplos-haplos ang ulo nito.
What a sight. Kitang-kita ko ang saya sa mga mata ng kapatid ko. Nilingon ko si mama at nginitian ko siya. Gusto kong iparamdam sa kaniya na ayos lang na nandito si papa, na ayos lang ako.
"Maupo na ho kayo," sabi ko, at nilapag na ang plato kasama ang tsaa na may honey na pareho naming paborito.
"Louiz, and Zelize, let papa eat muna," agad naman nagsibalikan sa upuan ang dalawa at naging abala na muli sa pagkain.
Nagsimula na si papa na kumain, habang ako ay tahimik lang na tinapos ang pagkain. Nagkukwentuhan lang sila, at mataman lang akong nakikinig.
Nang matapos ang agahan na 'yun ay madalian akong nag-eherhisyo at nagboluntaryong maglinis. Alam kong namimiss ng kambal ang papa, kung kaya't hinayaan ko munang mag-catch up sila.
Nang matapos ako ay nagpahinga, at ngayon ay nandito lang ako sa kuwarto, hindi ko nanaman maiwasan ang mag-isip.
Hindi ko alam kung ano ang pag-uusapan namin ni papa, pero sa tingin ko nga ay importante 'yun dahil gusto niyang sa personal naming pag-usapan.
I just couldn't seem to be at ease now.
Natigil ako sa pag-iisip nang narinig ang pagtunog ng aking cellphone na nakapatong sa side table. Agad kong kinuha 'yun at nakitang si Tyrone pala ang tumatawag. Napangiti ako nang maalala ang nangyari noong kaarawan ko. I immediately swiped the accept button.
"Hello?" Bungad niya sa akin sa kabilang linya.
"Yes?"
He chuckled. "Nothing. Just wanna check on you,"
Upon hearing that, my thoughts faded miraculously. A bit uncertain as to what he's done to make me calm, just like that.
For an unknown reason, I opened my jewelry drawer to get the bracelet he gave me. Yes, I'm just keeping it because I'm scared to wear it everyday. Natatakot kasi akong baka mawala.. o masira. Pero sinusuot ko naman, hindi lang palagi. Gusto ko kasing.. ingatan at alagaan. Umiling nalang ako. Of course, it's a gift so dapat lang na pangalagaan ko! Ano na bang nangyayari sa akin.
BINABASA MO ANG
Behind A Smile
Mystery / ThrillerSa mundong ating ginagalawan, may mga basehan tayo sa lahat ng bagay. Mga basehan na pilit nalang nating pinapaniwalaan dahil iyon ang gusto natin, iyon ang sinisigaw ng isip at puso natin. Kagaya na lamang ng katanungan na: Ano ba ang basehan para...