Kabanata 31
"Gising na, Zanaiah,"
Nakaramdam ako ng pagyugyog sa aking balikat, ngunit hindi ko pa magawang imulat ang mga mata ko. Ang gaan-gaan ng pakiramdam ko ngayon, gusto ko pang matulog.
Last night.....
"Hoy, ano na,"
The kiss. Fucking shit. The kiss!
"Uy gago! Nababaliw kana yata, bakit ka nakangiti riyan?!"
I finally said it. I finally let my feelings go. I finally recognized that feared emotion. The emotion of love. Fuck. I never know this would bring such feeling to me. I feel very peaceful.
"Hoy, Zanaiah! Ano na bang nangyayari sayo?" iritadong tanong ni Karina.
Tuluyan na akong nagmulat, at sa totoo lang, para akong nakalutang. Hindi ko rin mapigil ang labi ko na magguhit ng ngiti. Totoo ba 'yung nangyari kagabi? Kapag naaalala ko, gusto ko nalang maglupasay sa sahig sa sobrang kilig. Grabe! Ang saya ng puso ko!
"Natatakot na ako sayo, ha. May nangyari ba kagabi?"
I blushed. "Karina..."
Hindi ko napigilan ang mapatili. Ganito pala 'yung pakiramdam.
"What?"
"Karina, gago kaaaa!"
Kinuha ko 'yung unan at hinampas ko siya. Tangina, nababaliw na yata ako. Hindi ko mapigilan ang ngiti ko!
"Uy, ano! Makaakto ka riyan para kang hinalikan ni Tyrone!"
Sa sinabi niya ay bigla akong napatigil, at natulala. Ngunit maya't-maya ay natauhan at lalong lumakas ang tili ko. Shet.
"Oh my, God! Don't tell me?!"
I bit my lower lip and slowly nodded. At tila nagkapalit kami ng posisyon ni Karina at siya naman ngayon itong tili ng tili at sinisipa pa ako! Literal siyang naghahalupasay sa kama ko!
"Shiiiit! Omg, kinikilig ako!"
"Tangina, Karina! Ayoko na!" Natatawang sabi ko, hindi na talaga mawala ang kilig na nararamdaman ko. Habang siya naman ay patuloy sa pagsipa sa akin. Well, kung kinikilig ako, ano pa kaya si Karina diba? 'E sobrang suportado 'yan sa amin ni Tyrone!
"Shit, wait lang," bumangon siya, at naghabol ng hininga.
"Sige, kaya mo 'yan, cr lang ako."
Tumayo ako at nagpuntang banyo upang maghilamos. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin, at aaminin kong, ang aliwalas ng itsura ko ngayon. Tinitigan ko rin ang mata ko, at ang tanging nakikita ko ay si Tyrone at ang nangyari kagabi. Gising na kaya siya ngayon?
Umiling ako, at muling kinagat ang labi. Sa ginawa ko ay hindi ko tuloy maiwasang maalala ang halik na pinagsaluhan namin kagabi.
I don't know how long it was, but it was a passionate kiss... His kiss was full of respect and love. I have never kissed anyone my entire life so I didn't know it would be that great. Ang sarap-sarap sa pakiramdam. Ganoon yata talaga kapag sa taong mahal mo.
Mahal ko.....
Mas lalo ako napangiti sa naisip ko. Hindi ako makapaniwalang sa lahat ng sakit na nandito sa loob ko, ay maisisingit ko pa ang pagmamahal. Hindi ko alam na posible pa pala 'to sa akin. Masiyado akong napangunahan ng takot at ng mismong nakaraan ko. Napagtanto ko na hindi talaga maganda kapag nagkikimkim ka. At tama nga 'yung sinasabi nila na the more na pipigilan mo, o pinipigilan mo, the more na mas lalong gusto nitong kumawala.
BINABASA MO ANG
Behind A Smile
Mystery / ThrillerSa mundong ating ginagalawan, may mga basehan tayo sa lahat ng bagay. Mga basehan na pilit nalang nating pinapaniwalaan dahil iyon ang gusto natin, iyon ang sinisigaw ng isip at puso natin. Kagaya na lamang ng katanungan na: Ano ba ang basehan para...