Kabanata 22
"Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday! Happy birthday!..." pagkanta nilang lahat sa akin, nag-uumapaw ang boses ni Zelize. Ang cute niya!
Hindi ko mapigilan ang pagguhit ng ngiti sa labi ko. My birthday hasn't always been like this. I am not used to being greeted by a crowd. I mean, before, it was just my family, Karina and our helpers, but now, there are new faces. And it's.. fulfilling.
"Happy birthday, to you!" Pagtapos nila sa kanta, at nagpalakpakan.
"Thank you, everyone!" sabi ko, at napatingin sa cake na hawak.
"Ate, blow the candle, and don't forget to make a wish ha!" si Zelize.
Holding a round triple-chocolate cake, with a candle being lit at the corner, I closed my eyes and I only wish for one thing: peace. Hinipan ko na ang kandila at ngumiti sa kanilang lahat.
"Happy birthday, Zanaiah!" si Karina.
Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa pisngi.
"Thanks, Karina."
"Happy birthday, anak!" si mama, at ginawa rin ang ginawa ni Karina kanina.
"Thank you, mama,"
"Happy birthday, Zanaiah!" si Gracie, sabay hagikhik.
Nagpasalamat ako sa kaniya, at nabaling ang tingin ko kay Tyrone. He mouthed, happy birthday, and I just nodded at him.
I put down the cake, and thanked everyone for the greetings and for simply just being here. After that, I instructed them to be seated and I finally gave my permission to finally start the feast. My stomach roared upon seeing the numerous menu being served. Just by the sight of it, for sure they're scrumptious! Hindi na ako makapaghintay na malantakan ang mga ito!
"Maraming salamat po sa mga masasarap na pagkain, Manang Berna!" sabi ko.
Agad naman akong binalingan ni Manang Berna at nginitian.
"Walang anuman, Lorraine. Basta para sayo!"
Bago nag-umpisang kumain ay nagdaos muna ng maiksing dasal si mama, upang magpasalamat sa panibagong buhay at biyaya, at upang mabigyan rin ng basbas ang mga pagkain. Pagkatapos, ay agad kaming kumain at napapikit nalang ako ng sandaling matikman ko ang mga pagkain. Ang sarap!
Kwentuhan lamang ang nangyari sa saluhan na 'yun, at ang pagpapakilala ni Karina sa aming bagong kaibigan na si Gracie. Agad naman silang nagkasundo, at ang dami na agad nilang napagkuwentuhan. Ibang klase!
Si Tyrone naman ay ipinakilala ko muli, at nakatanggap pa nga kami ng pang-aasar lalo na kila Ate May.
"Naku, ser! Sigurado bang magkaibigan lang talaga kayo ni Lorraine?!" pang-aasar ni Ate May, at nag-apir pa sila ni Manang Berna. Nakita kong tumawa rin si mama at Karina. Walangya!
Tinawanan ko nalang sila, at umiling-iling. Humingi ako ng dispensa kay Tyrone. Nakakahiya, baka kasi ano ang isipin niya sa pamilya ko.
"It's fine. I don't mind, birthday girl," sabay kindat pa sa akin.
Naku! Mukhang nahawa na siya. Natawa nalang ako, at nagpatuloy ang kwentuhan, tawanan, at batuhan ng biruan. Wala akong ibang naramdaman kundi ang pagiging masaya. I am still really lucky after all.
Ngayon ay nandito na kami sa labas ng bahay, sa may garden. Naiwan na ang kambal sa loob, at nag-ligpit muna sila Manang Berna sa kusina. Inanyayahan ko rin sila na sumunod sa amin, at sinabing susunod rin sila agad pagkatapos ng mga gagawin nila. Nagboluntaryo akong tumulong upang mas madali sanang matapos, ngunit pinigilan nila ako at sinabing asikasuhin ko nalang ang mga bisita. That's so hospitable of them.
BINABASA MO ANG
Behind A Smile
Mystery / ThrillerSa mundong ating ginagalawan, may mga basehan tayo sa lahat ng bagay. Mga basehan na pilit nalang nating pinapaniwalaan dahil iyon ang gusto natin, iyon ang sinisigaw ng isip at puso natin. Kagaya na lamang ng katanungan na: Ano ba ang basehan para...