Chapter 3

1.6K 102 6
                                        

Wala sa sariling nagayos si Alyssa upang puntahan si Kiefer.

"Hoy ineng, saan punta mo? Ganyan talaga suot natin eh?" Tuksong tanong ng isang tambay sa baba ng gusali ng tenement.

"Naku Kuya Pido, magsuot ka rin ng ganito para it's a tie. Basag trip eh." Irap ni Alyssa sa lalake.

Kinakabahan niyang nilakad ang pasilyo patungo sa unit ni Kiefer. Ilang beses pa siyang napabuga ng hangin ng narating na ang pintuan.

Sa tuwing iaangat na niya ang kanang kamay upang kumatok ay mas lalo siyang dinadaga. Akmang kakatok na sana siya sa huling pagkakataon ay bigla naman nagbukas ang pinto.

Napamulat na lamang siya nang maramdaman ang sarili sa isang matigas na bagay.

"Hoy ano ba. Nang aano ka eh." Sigaw ni Alyssa at mabilis na tumayo mula sa dibdib ni Kiefer.

"Ano?" Natatawang sagot ng lalaki. "Ikaw tong bumagsak sa akin eh ikaw pa nagagalit."

"Eh malay ko ba na bubuksan mo." Sabay pagpag niya sa kanyang damit. "Ano na kasi yung raket mo at dito mo ako pinapunta ha?"

"Hubad!" Matigas na utos ni Kiefer at seryosong tinitigan si Alyssa.

Napakapit naman ng mahigpit ang babae sa kanyang jacket. "Gago ka ba? Huwag naman 'to please." Mahinahong pakiusap niya.

Hindi na napigilan ni Kiefer na tumawa ng nakakaloko habang si Alyssa ay tuliro at hindi maipinta ang pagmumukha.

"Hubad kasi." Muli ay utos ni Kiefer. Mabilis naman siyang nakailag sa inihagis na bag ni Alyssa.

"Aray naman!" Reklamo nito habang naglalakad palapit sa babae. At sa bawat hakbang niya papalapit ay siya namang lakad na paatras ni Alyssa hanggang sa napasandal na siya sa pinto ng unit.

"Sabi ko hubarin mo yang jacket mo." Bulong nito na ikinalukot lalo ng noo ng dalaga na tila maraming tanong ang gustong lumabas sa bibig ngunit marahil ay nauunahan ng takot at pangamba.

Umatras si Kiefer at mataman na pinagmasdan ang dalaga.

"Every Friday, 5pm pumunta ka dito para maglinis ng buong unit at maglaba ng mga damit." Mabilis niyang inangat ang kanyang hintuturo para pigilan na sumingit si Alyssa. "Don't worry mayroon namang washing machine. Every Saturday, same time, ibili mo ako ng stocks sa grocery bago ka umakyat dito tapos plachahin mo naman yung mga damit na nilabhan. One thousand per day.  So that means 15 days of working here and then we can call it quits." Dirediretso nitong pagbigay ng impormasyon.

"Wala man lang pabonus? Kahit pamasahe?" Pabirong hirit niya sa lalaki.

"Sige mabait naman ako eh. If you cook dinner for me, then that would be 500 cold cash. Just don't burn my kitchen nor try to poison me. Teka, ang tanong marunong ka ba magluto?"

"Ha?! Tinatanong mo talaga yan ah. Sige deal sa 500 ha." Saad niya saka tuluyang tinanggal ang suot na jacket. Tumambad naman ang kanyang suot na racerback saka ipinusod ng mataas ang buhok.

Napalunok naman si Kiefer sa nasaksihan. "Anong ginagawa mo Alyssa?" Kabadong tanong nito.

"Ano pa eh di magsisimula nang magtrabaho. Dali itour mo ako sa unit mo para alam ko ang pasikot sikot dito." Sabi nito at hinila sa kamay si Kiefer.

Agad namang binawi iyon ng lalaki dahil may kung anong naramdamn ito nang magtama ang kanilang mga balat. Dahil ayaw niya itong mahalata ay umakto itong masungit.

"Rule number 1, don't come here na masyadong revealing ang suot ha. Second, kapag may kumatok, bawal na bawal na ikaw ang magbukas ng pinto. Third, no personal questions and let's respect each other's space and privacy. You can start tomorrow, it's only Thursday today."

Umiba man ang timpla ng mood ni Alyssa ay pinili pa rin niyang maging masigla.

"No problem with the rules, Sir. Pero maaari bang pass muna ako sa Sabado? May naoohan na kasi akong lakad eh at hassle kung icacancel ko yun." Paalam ni Alyssa.

"Cut the Sir, Alyssa. May date ka sa Sabado?" Tumango naman ang babae.

"Sige mukhang wala naman ako magagawa diyan. I'll see you tomorrow then."

"Sige salamat." Sagot ni Alyssa at ngumiti ng matamis bago tumuluyang lumabas ng unit.

Ang babaeng 'yon. Hindi mo malaman kung talagang inosente or nang seseduce eh... Teka at bakit nga ba ako apektado?

Napailing na lang si Kiefer habang napapaisip.

+++++

Maingat na isinilid ni Alyssa ang keycard sa unit ni Kiefer, nakita niya ang isang note na mula sa binata na mahuhuli ito sa paguwi at biniling huwag na muna siya paglutuan.

Mabilis na natapos si Alyssa sa gawain kaya't 7:30 pa lang ay naghahanda na siya para umuwi. Habang nagpapalit ng damit ay bigla naman tumunog ang kanyang cellphone.

"Hello? Ay excited mo naman... Oo... Basta sunduin mo ako ha...  Haha.. O siya sige see you. Bye."

Bigla namang may tumikhim sa likod niya dahilan para lingunin niya iyon.

"Ohhh. Good evening." Bati niya na tinanguan lang ni Kiefer.

"Mauna na ako. Babalik na lang ako next Friday." Paalam niya saka tinungo ang pinto.

"Hindi ka ba talaga pwede bukas?" Tanong ni Kiefer kaya humarap sa kanya si Alyssa.

"May ipapagawa ka ba bukas? Pwede namang agahan ko na lang ng punta." Suhestiyon niya.

Napakamot naman si Kiefer sa kanyang ulo. Nagiisip kung paano sasabihin.

"Ahm kasi kailangan ko ng date bukas." Sabi niya habang nakatingin sa sahig.

"Oohh. So gusto mo hanapan kita? Sige subukan ko tanungin mga kaibigan ko. O kaya sa kapitbahay namin." Tuloy tuloy na sabi niya.

"Hindi. Eh.. Ano gusto ko sana ikaw yung dalhin ko. I mean kung okay lang.  Bale kasi biglaan eh.. Kaya ayun." Pautal utal niyang paliwanag.

"Ay ayun naman pala. Biglaan tapos ako yung nandito." Ulit niya na tila may hinanakit na tinatago. Tumango naman si Kiefer.

"Pero hindi kasi talaga ako pwede bukas. Hahanapan kita, promise." Paniniguro nito.

Bigla namang kinuha ni Kiefer ang dalawang kamay ni Alyssa.

"Please?" Pagmamakaawa niya.

xxxxx

Fate and Star  *FSA Book II* [KiefLy]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon