"Miss walang suklay!" Gulat na bati ni Kiefer.
Mabilis na tumingin si Alyssa sa kanyang kanan at kaliwa at nagkunwaring inosente.
"Ay, do I know you po ba?" Pagpapanggap na tanong nito.
"Naku Miss alam kong nakaayos ka ngayon at nakapagsuklay pero alam kong ikaw talaga yun." Buong kumpirma na sabi ng lalaki.
Mabilis na kinuha ni Alyssa ang telepono sa bag at kunwaring may tumatawag sa kanya.
"Excuse me." Pabulong na senyas niya kay Kiefer saka mabilis na umalis sa party.
Narinig pa niya ang pagtawag sa kanya ng kaibigang si Luigi ngunit ay hindi na niya ito pinansin pa.
Ilang minuto na rin siyang nagaabang ng masasakyang taxi ngunit ay mailap yata sa bahaging iyon. Kahit jeep ay wala rin siyang natatanaw. Naglalakad lakad pa siya umaasang kahit isang pampublikong sasakyan lang ay may maligaw sa kinaroroonan niya.
Nagsisi tuloy siya na hindi niya nilingon si Luigi noong tinatawag siya. Marahil ay nalunod na iyon sa alak kaya't ayaw na rin niya itong istorbohin pa.
Muli niyang sinilip ang kanyang orasan, 9:20pm. Kailangan na niyang magmadali upang hindi mahuli sa trabaho.
Bigla namang may tumigil na sasakyan sa kanyang harapan. Napasinghap siya ng ibaba nito ang bintana.
"Need a ride?" Alok nito kay Alyssa.
"Ah hindi. Okay lang." Sagot nito at nagpalinga linga, nagdarasal na may ibang dumating na masasakyan.
"Okay, ikaw rin. Walang mapupuntahan yang pride mo. Basta hindi ko na kasalanan pag may nangyari sa'yo." Sabi nito saka sumipol sipol.
"Fine. Magbabayad na lang ako ng pamasahe. Baka idagdag mo pa sa utang ko eh." Diretsong sabi niya kay Kiefer na siyang ikinatawa ng lalaki.
"So ngayon inaamin mo ng ikaw yung nagbalak na carnapin ang kotse ko ha."
"Mapagbintang ka talagang lalaki ka. Sinasabi ko sa'yo nagtatago lang ako nun. Carnapper agad ha." Bulyaw niya kay Kiefer na hindi pa rin pinapaandar ang kotse.
"Talaga lang ha? So saan kita ihahatid miss?" Lingon niya sa dalaga.
"Alyssa." Simpleng sagot niya.
"Alyssa? May ganyang lugar ba?"
"Hahaha. Nakakatawa yung joke mo promise." Sarkastikong sagot ni Alyssa.
"Eh ang seryoso mo eh. Kiefer." Pakilala nito sabay abot ng kamay.
"Not so nice meeting you?" Pabirong tanong ni Alyssa. Napuno ng tawa ang loob ng sasakyan nang napagusapan nila ang una nilang pagkikita.
"So call center agent ka at sa technohub workplace mo." Patango tango na kumpirma niya sa impormasyon.
"Ay ano yan aabangan mo ako tuwing sahod? Naku ha sinasabi ko sa'yo wala talaga ako pambayad sa sinasabi mong 15 kyaw. Maliban na lang kung gusto mong bigay ko na lang sa'yo ung mga herbal na gamot. Quits na tayo."
"Pagiisipan ko paano mo ako babayaran. Penge number mo." Sabi ni Kiefer sabay abot ng telepono sa babae.
"Ibubugaw mo ako? Wag po kuya." Puno ng takot na sambit niya.
"Ayy ang feeling mo talaga may papatol sa'yo eh." Banat ni Kiefer kaya't nahampas siya sa braso.
"Alam mo ang sama mo. O siya itabi mo na yung kotse, dito na ako bababa."
"Seryoso ka? Dito ka na?" Tanong niya na siyang tinanguan ni Alyssa.
"Salamat Kiefer ha. Pakilista na lang sa utang ko." Natatawang sabi niya bago bumaba ng kotse.
"Sabi mo kanina babayaran mo ako ng pamasahe? Eh bakit--" Agad niyang kinuha ang iniabot ni Alyssa at humagalpak sa tawa nang makita iyon.
"Oi oi, pera yan ha. Saka budget ko talaga pang jeep, ooffer offer ka eh. Bente din yan, bakit ba." Irap nito kay Kiefer.
"O eh di sa'yo na muna. Makokonsensya pa akong kinuha ko bente mo eh. Save mo kasi number mo." At muling ibinigay ang cellphone nito.
"Akin na nga. Siguraduhin mong matinong raket ibibigay mo sa akin ha kundi lagot ka sa akin." Banta nito na ikinangiti ni Kiefer.
+++++
"Ineng?" Tawag ng inay nito habang kumakatok sa kwarto niya.
"Nay, pasok po." Sagot niyang inaantok.
"Pasensiya na ineng nagising yata kita." Bungad ng ina at saka naupo sa kama ng anak.
Okay lang po. Bakit nay? May kailangan po kayo?"
"Ineng kasi hindi pa pumapasok yung pension ko at sa itay mo, may kailangan akong bilhin na gamot ng itay mo."
Pilit na ngumiti si Alyssa, ayaw niyang nakikita na problemado ang mga magulang lalo na ang kanyang itay na may iniindang sakit sa puso, alta presyon at diabetes.
"Sige po Inay punta po muna ako sa baba, checheck ko po sa atm kng pumasok na ang sahod namin." Paniniguro nito kahit pa alam niyang sa sarili na magagalaw na naman niya ang ipon niya.
"Salamat Ineng, pasensiya na talaga." Sabi ni Inay Lita sa anak.
Pababa pa lang ng tenement si Alyssa ay nakasalubong naman niya si Aling Norie, ang kanilang landlady. Magtatago pa sana siya ngunit masyado nang huli para gawin iyon.
"Ly!" Bati ng ginang kay Alyssa. Ngumiti naman siya bilang ganti.
"Ly nangako ka sa susunod na buwan pangdalawang buwan na renta ibabayad mo." Paalala nito.
"Opo naman Aling Norie ibibigay ko next month." Sagot nito at saka lumakad palayo.
Nang makauwi at maiabot ang pera sa ina ay siyang abot naman ni Kian ng cellphone nito sa kapatid.
"Ate, kanina pa nagriring yan. Hindi ko na sinagot, di nakasave eh." Sabi ni Kian.
Tiningnan nito ang numero na hindi rehistrado at lalong hindi pamilyar, sakto namang may mensahe na pumasok.
From: 09991234567
Alyssa, si Kiefer to. Please be at my condo 5pm. Unit 215, 5th floor, Blue Residences. I need your service.
Kinabahan si Alyssa sa nabasa. Ngunit ay wala naman siyang pagpipilian. May utang siyang kailangang bayaran kay Kiefer. Wala na siyang nagawa kundi ang sagutin ng oo ang kagustuhan ng lalaki.
xxxxx
BINABASA MO ANG
Fate and Star *FSA Book II* [KiefLy]
Contois love fathomable? at what extent love is still worth fighting for?
![Fate and Star *FSA Book II* [KiefLy]](https://img.wattpad.com/cover/130952310-64-k8163.jpg)