Chapter 4

1.7K 101 12
                                    

Hindi malaman ni Kiefer kung saan galing ang panghihinayang sa hindi pag payag ni Alyssa sa kanyang alok.

Alyssa is out of his league. Not his typical type on girls he had dated. All he knew was that the lady's personality is like a ray of sunshine that brightens up his day. He has known her for only a couple of days yet he seems to find himself slowly getting attached to her.

But he knew he had to stop this fascination.

It can't be.

+++++

"Awow ganda natin ah!" Tukso ni Luigi sa kaibigan pagkapasok nito sa kotse.

"Ayan tayo sa mga bola mo Igi boy eh. Tara na nang matapos na 'to." Aya ni Alyssa.

"Grabe excited sa date eh." Biro nito na siyang ikinatawa ni Alyssa.

Naging tahimik si Alyssa sa byahe kaya nagalala si Luigi na baka napipilitan at natatakot ito.

"Okay ka lang chong? Wala kang imik dyan." Basag nito.

"Wala. Iniisip ko lang kung ano mga pagkain doon mamaya. Baka kasi hindi ko kayang bigkasin mga nasa menu." Sagot niyang natatawa kaya humahikgik ang lalaki sa narinig.

"Ang baliw mo talaga kahit kailan, Ly."

"Oh, bakit tumigil tayo?" Tanong ni Alyssa nang tumigil sila sa isang magarang bahay.

"Kasi po dito yung family dinner ng kaibigan ko." Sagot niya kay Alyssa habang may tinatawagan sa kanyang telepono.

Napabalikwas sila parehas nang may kumatok sa salamin ng sasakyan. Nang buksan ito ni Alyssa ay laking gulat niya.

"Ikaw?!" Sabay nilang sabi ng lalaki.

"Teka, teka, magkakilala kayo? Kailan? Paano?" Sunod sunod na pagtatanong ni Luigi sa dalawa.

"Long story." Sabay ulit nilang sagot kaya nagkatinginan sila at natawa.

"Ayun naman pala, galing kong mag match date ah. Thank me later, guys." Biro ni Luigi.

"Dami mong alam, chong. Sunduin mo ako mamaya ha?"

"Oo na. Sige na enjoy!" Saka pabirong tinulak palayo ang dalawa.

"Ako na maghahatid sa kanya, bro. Okay lang naman di ba, Ly? Ahm Alyssa pala." Tanong niyang nagaalinlangan. Tumango naman si Alyssa at saka nila pinanood ang papalayong sasakyan ni Luigi.

"So, ready?" Tanong niya kay Alyssa.

Natawa naman si Alyssa. "Akalain mong ikaw pala yung tinutukoy ni Luigi. Pero wait lang nahihiya ako eh."

"Small world." Nakangiting sagot nito. "Pero don't worry, you'll be fine. Hindi naman nangangain pamilya ko. Well, except na lang sa Lolo ko.  Which I highly doubt na pupunta."

"So, nangangain ng tao Lolo mo?" Inosenteng tanong nito.

"Ang cute mo." Sabi ni Kiefer na siyang ikinapula ng pisngi ng dalaga.

"Tara?" Alok ni Kiefer saka inilahad ang kamay kay Alyssa na malugod nitong tinanggap.

"Grounded." Pabulong na usal ni Alyssa nang magtama ang kanilang mga kamay.

Nang marating nila ang hapag kainan, naramdaman nilang lahat ng mata ay sakanila nakatuon.

Tumikhim si Kiefer bago binati ang mga ito. Pinakilala niya ang bawat isang miyembro ng pamilya habang hindi umaalis sa kinatatayuan nilang dalawa.

Nang matapos ay hinintay nilang magsalita ang dalaga.

"Hi. Goodevening po." Magalang na bati nito.

At saka binigay ang isang matamis na ngiti.
Ngiting kayang tangayin kahit ang pinakabatong puso.

"Hello iha. You are so beautiful." Bati ng babae at hinalikan siya sa pisngi.

Hindi agad nakapag react si Alyssa kaya't nginitian niya ito.

"Welcome to our family, Alyssa, right?"

"Ammah, ang advance niyo po. Ly, lola ko. We call her Ammah." Pagpapakilala niya sa dalawa.

Mabilis namang nahatak ni Dani, ang babeng kapatid ni Kiefer si Alyssa patungo sa dining table.

"Doon naman din papunta, Kief. I can see the future." Bulong nito sa apo.

"At kailan pa po kayo nahawa kay Pappi, Ammah?" Tanong nito. Tinapik naman siya ng matanda sa balikat,  "Trust me on this, apo."

"Sorry natagalan. Let's eat?" Tanong niya nang tumabi siya kay Alyssa.

"Nahihiya ako." Bulong niya.

Inabot ni Kiefer ang kanyang kamay at pinisil ito saka ngumiti.

Walang pagod na inalalayan at inasikaso ng lalaki si Alyssa.

Naging maayos ngunit tahimik ang kabuuan ng hapunan nilang lahat. Nang matapos ay nagkayayaan sila sa balkonahe upang uminom ng mainit na tsaa.

Doon pala ay walang katapusang kwentuhan, tawanan at pagtatanong ang naganap.

"So, what do you do for a living, Alyssa?" Tanong ni Mozzy, ang ina ni Kiefer.

"Graduate po ako ng business management, Ma'am but I'm presently working as a call center agent in Quezon City po." Sagot niya habang ang lahat ay sakanya nakatutok at nakikinig.

"Don't you have any plans to work na related sa course mo?" Muli ay tanong ng ginang.

Hindi naging komportable si Alyssa sa tono ng tanong at kung paano ito titigan ng babae. Ngunit hindi siya nagpatinag dito.

"If I could get better opportunities I would po. Pero sa ngayon po kasi nasa family ko po yung priorities ko. Pinapatapos ko po yung bunso naming kapatid, third year college naman na po siya. Tinutustusan ko rin po kasi ang buwanang gamutan ng Itay ko." Taas noo niyang sagot. Nakita naman niya na tumango tango si Bong, ang ama ni Kiefer habang nakikinig.

"Ikaw ang tumatayong breadwinner iha?" Tanong ni Ammah.

Ngumiti si Alyssa. "Medyo ganoon nga po. Pareho pong retired teachers yung parents ko. May dalawa po akong kuya,  parehas na po silang may mga pamilya."

Napapalakpak naman ang lola sa sagot ng dalaga.

"Alam mo iha bihira na ang mga kabataan sa panahong ngayon na handang mag sakripisyo para sa pamilya. Napahanga mo ako." Sabi niya saka lumapit kay Alyssa upang yakapin ito.

"Naku Ammah, first time yatang nagustuhan mo ang kadate ni Ahia ah. Medyo sarap ng aura ngayon." Biro ni Dani.

"Oo nga. Iba ka Ate Alyssa." Tugon naman ni Thirdy, ang gitnang kapatid nila Kiefer at Dani.

Napuno ng tuksuhan at hiyawan ang paligid, maging si Bong ay nakisali na rin sa pang hahotseat kay Alyssa. Si Kiefer naman, nasa isang sulok, ay hindi napigilang mamangha sa mga narinig na kwento ni Alyssa.

Parang may nagtutulak sa kanya na kailangan niyang mas makilala pa ng malalim ang babae.

Alyssa is really something.

Lalapitan na sana niya ang dalaga nang harangin siya ng kanyang ina.

"Can I have a word with you Kief?" Tanong niya saka hinila ang anak.

Tahimik na naghintay si Kiefer na magsalita ang ina habang parehas nilang pinapanood si Alyssa sa hindi kalayuan.

"I don't like her, anak." Diretsong sabi ng ina.

"Ano po sabi niyo, Ma?" Tanong ni Kiefer.

"I said I don't  like Alyssa."

xxxxx

Fate and Star  *FSA Book II* [KiefLy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon