Kiefer went near where Alyssa was standing and reached for her hand. He gently squeezed it which made her looked his way. Ella nodded at them as if saying that it was the right time to break the news to Lita.
Napansin naman ni Lita ang magkahawak nilang kamay kaya napatikhim ito na siyang nakakuha ng atensyon ng kanyang anak. Hindi malaman ni Alyssa kung paano sasabihin ang lahat sa ina o kung san ba siya magsisimula. Kung paano magiging madali ang lahat na tanggapin.
"Doon nga tayo maupo nang makapagusap tayong lahat ng maayos." Alok ni Lita na agad namang sinunod ng tatlo.
Naupong magkatabi si Lita at Ella habang nasa harap naman nila sila Kiefer at Alyssa na hindi pa rin bumibitaw hanggang sa sandaling iyon.
"Ma'am..." Panimula ni Kiefer.
"Inay." Pagtama nito na ikinangiti niya. Tinapunan naman ng mapanuksong tingin ni Ella si Alyssa.
"Nay, alam ko po na marami po kayong gustong malaman at ayaw ko po na magtago pa kami ng kahit ano sa inyo ni Alyssa. Mahirap man po ipaliwanag pero maaari po bang may hilingin ako bago po magkwento si Alyssa?" Malumanay na sabi ni Kiefer.
Alyssa gave him a questioning look but Kiefer just smiled at her.
"Ano iyon, iho? Tanong ni Lita na bakas ang pagkalito sa mga nagaganap.
"Maaari po bang hingin ang malawak na unawa ninyo Inay?" Tanong ni Kiefer sa ginang. Hindi niya malaman kung paano nito matatanggap ang mga mabilis na pangyayari at nangangamba siya sa magiging reaksyon nito lalo na at mabigat ang pinagdadaanan ng pamilya nila.
Wala mang ideya sa mga maaaring marinig at matuklasan ay tumango si Lita bilang tugon.
Tinapik ni Kiefer ang kamay ni Alyssa at iginiya siyang tumayo para matabihan ang ina. Nagaalinlangan man ay wala ng panahon para umatras pa. Tinabihan niya si Lita at hinawakan ang magkabilang kamay. Ikinuwento niya sa ina ang lahat ng pangyayari hanggang sa puntong napagdesisyunan niya na ang pagpapakasal kay Kiefer. Bukod sa mahinang mga hikbi ay wala ni isang salitang binigkas si Lita. Mabilis namang pinunasan ni Alyssa ang mga luhang kumawala sa mga mata ng ina. Maging siya ay naubusan na ng sasabihin.
"Nay..." Kiefer said as he broke the silence. Lita, Alyssa and Ella turned their heads at him.
"Pasensiya na kung masyado akong emotional, hindi ko alam na ganito kalaki ang kayang isakrispisyo mo, Ineng." Sabi ni Lita at hinawakan ang kamay ng anak. "Sigurado na ba kayo sa mga desisyon niyo? Baka naman pwede pa nating pag-usapan, kakausapin ko ang Lolo mo Kief, siguro naman bibigyan niya ako ng pagkakataon hindi ba?" Mungkahi ni Lita na puno ng pag-asa.
"Nay, masyado pong risky yun para sa kalusugan ng Lolo ni Kief. Isa pa Nay, napagusapan na namin ito at final na po yun." Sagot ni Alyssa na may mga ngiti sa labi. Ayaw na niyang masyado pang magalala at mag-isip ang ina.
"Nay, sinisiguro ko po sa inyo na hindi po maagrabyado si Alyssa sa poder ko. Maaga pa man po para aminin, pero hindi naman po mahirap na mahulog ang loob ko kay Alyssa." Sabi ni Kiefer na ikinapatag ng loob ni Lita at ikinainit ng pisngi ng dalaga.
"Kung ganoon at nakapagpasiya na kayo, gingagawad ko ang blessings ko para sa inyong dalawa. Nawa'y sa desisyon na ito ay parehas kayong maging masaya at walang pagsisihan sa bandang huli." Niyakap ni Lita si Alyssa ng mahigpit pagkatapos ay ikinulong ang mukha nito sa kanyang mga kamay, "Anak, kulang ang salitang salamat para sa ginawa mong ito para sa Itay mo. Hayaan mo at pag gising niya harinawa ay maging madali rin ang pagtanggap niya sa pasya niyo." Saad ni Lita sa anak.
"Salamat Ella na palagi kang nandyan para kay Ineng at sa iyo Kief, welcome sa pamilya namin, anak. Salamat, salamat." Garagal na boses na sabi ni Lita at saka binuksan ang mga braso, agad namang lumapit si Kiefer at yinakap ang ginang.
"Besh, text mo lang ako. Mauuna na ako sa'yo Kief." Paalam ni Ella nang maiwan silang tatlo.
"May date ka lang besh eh. Pero thank you sa moral support kanina ha." Sabi ni Alyssa sa kaibigan saka ito hinalikan sa pisngi nang narating na nila ang pinto ng elevator.
"Anytime besh. Kitakits na lang sa work. Ingat kayo ha."
"Kief.." Nahihiyang sabi ni Alyssa nang makasakay na si Ella.
"Hmm?" Sagot nito ng nakangiti.
"Thank you for making things lighter and easier, sa pagtulong sa akin sa pag-eexplain ng lahat kay Inay." Saad ni Alyssa habang tinatahak nila ang pasilyo pabalik ng ICU. Kinuha naman ni Kiefer ang kamay ni Alyssa kaya't napatigil sila sa paglalakad.
"Thank you din Ly para sa lahat lahat. At 'yung sinabi ko kanina, totoo 'yun." Nahiya naman si Alyssa at itinutok ang mga tingin sa sahig.
"Ang cute mo pag nagbablush." Kiefer teased as he held up Alyssa's chin on his index finger which then earned him a slap on his arm.
Kiefer was quick to give her a peck on her cheek and ran as fast as he could away from her.
++++
"Kief, hindi mo naman na ako kailangan samahan umuwi eh. Kukuha lang ako ng mga damit ni Itay. Masyado ng abala to sa'yo eh, galing ka pang work kanina." Sabi ni Alyssa habang nasa gitna sila ng traffic.
"O kaya nga sasamahan na kita para mas mabilis din tayong makabalik ng ospital. Ly, please hayaan mo na ako sa mga bagay na ito. Husband duties." Sagot ni Kiefer na agad naman siyang nilingon ni Alyssa kaya kinindatan niya ito.
"Hay, daming alam eh. Basta wag mag expect sa environment namin ha. Alam mo naman--." Agad naman siyang pinigil ni Kiefer sa susunod pa niyang sasabihin kaya nanatili silang tahimik hanggang marating ang kanilang lugar.
Hawak kamay nilang pinanhik ang gusali ng tenement. At gaya ng inaasahan ay kanya kanyang bulungan na ang mga tsismoso't tsismosang mga kapitbahay. Nang maabot nila ang palapag ay hindi pa rin sila nakatakas sa mga mapaghusgang bulong-bulungan.
"Uy Ly, pogi naman ng jowa mo." Sabi ng isa.
"Nakabingwit yata ng malaking isda si Ineng oh."
At nang madaanan nila si Jovee, akala niya ay wala siyang maririnig mula rito, ngunit iyon yata ang pinakamasakit.
"Milabs, mas pogi naman ako diyan ah. Sana sinabi mo pakapalan ng wallet lang pala ang kompetisyon." Sigaw ni Jovee na ikinatigil ng mga paa ni Alyssa na humakbang. Pinisil ni Kiefer ang kanyang kamay at mahina siyang hinila papalapit sa kanya.
Malabong paningin ay natatarantang sinusian ni Alyssa ang pinto ng kanilang unit at nang mabuksan iyon ay agad siyang sumalampak sa sofa at pinakawalan ang mga luhang kanina pa nagbabadya mahulog.
Maagap naman siyang sinundan ni Kiefer at lumuhod ito sa harap niya.
"Kief, kailangan ko na bang masanay?" Tanong niya na humihikbi.
"Masanay saan?" Kuryosong tanong niya habang pinupunasan ang mga pisngi ni Alyssa.
"Na pagiisipan nila akong pumatol sa'yo dahil lang sa pera mo. Well, mukhang ganoon naman yata talaga." Sabi niya at pagak na tumawa.
Hinawakan ni Kiefer ang mukha nito at pilit na pinapatingin sa kanya. "Ly, they will never understand unless they will be put in our situation. Hindi nila alam na labis labis lang tayo magmahal kaya tayo nandito, ikaw sa Itay mo, ako sa Lolo ko. Huwag ka magpapadikta sa mga opinyon nila, audience lang sila. Cheer up na, please?" Malambing na sabi ni Kiefer, tumango naman si Alyssa habang pilit na pinipigilan ang mga luha.
Isinara ni Kiefer ang distansya sa pagitan nila at hinayaang dumampi ang labi nito sa labi ni Alyssa. Akala niya ay ikakagalit nito ang ginawa niya, ngunit napangiti siya nang sinagot ni Alyssa ang kanyang halik.
Halik hindi ng kanilang mga labi kundi ng mga kaluluwang wagas kung mag-alay ng pagmamahal.
xxxx
BINABASA MO ANG
Fate and Star *FSA Book II* [KiefLy]
Cerita Pendekis love fathomable? at what extent love is still worth fighting for?
![Fate and Star *FSA Book II* [KiefLy]](https://img.wattpad.com/cover/130952310-64-k8163.jpg)