Nagising si Alyssa dahil sa naramdamang kumikiliti sa kanyang talampakan. Nang silipin niya ito ay laking tuwa niyang makita si Life na agad rin na tumahol sa kanya.
"No, Life, no." Sambit niya at pilit na inaagaw ang edible underwear na bigay ni Ella sa kanya ngunit huli na at mukhang nag enjoy pa ang tuta sa paglimas nito.
Nang tuluyang makatayo ay saka niya lang naramdaman ang bigat at pagod ng kanyang katawan. Hindi niya halos maalala kung nakailan sila at kung ilang oras ng tulog lang ang nabuno nilang dalawa. Napangiti naman siya sa post-it na idinikit ni Kiefer sa salamin ng kanilang banyo.
Good morning, sexy. Too bad I can't have you today for breakfast, but I prepared something for you. I love you, babe.
Mabilis siyang naghanda para sa trabaho at halos patakbong bumaba ng hapag. Agad namang may nakakuha ng kanyang atensyon. May tatlong puting rosas na nakalapag sa la mesa katabi ng agahan na inihanda ni Kiefer. Fried hotdog at sunny side up na itlog na hinulmang smiley ang presentasyon sa plato at ang isang plato naman ay cookies na iniayos at naka spell out ang salitang I love you. Napangiti naman ng pagkalaki si Alyssa dito.
"Good morning Ly, ganda naman ng ngiting 'yan." Bati ni Manang Yetty sa kanya, ang stay out helper nila.
"Ay, good morning din po, Manang. Naku tingnan niyo naman po kasi itong ginawa ni Kiefer." Pagmamalaki niya.
"Ay naku anak kung nakita mo lang, nakakatuwa siya pagmasdan kanina habang naghahanda ng mga 'yan eh, parang nag papa-impress sa nililigawan." Kilig na kwento ng matanda kay Alyssa.
"Oo nga po eh, tara po, saluhan niyo na ako rito." Imbita niya at naupo na upang kumain. Nagkwentuhan pa sila ng kung ano-ano habang kumakain.
Ilang minuto pa lang na nasa trabaho si Alyssa nang tumunog ang kanyang telepono. Isang matamis na ngiti naman ang nagpadulot sa mensaheng nabasa niya.
Babe, I miss you and I can't wait to be off of work to be with you.
++
Kumaway si Alyssa at mas binilisan ang lakad nang matanaw niya na sila sa loob.
"Hello po Inay, Tay. Namiss ko po kayo ah." Bati niya at niyakap ang mga ito.
"Nak, halos magdadalawang buwan pa lang tayong huling nagkita pero laki na ng pinagbago mo." Tukso ni Ruel sa anak.
Agad naman na conscious si Alyssa at pinagmasdan ang sarili. "Tumaba ba ako? Pumangit? Tumanda?" Pag aalalang tanong niya.
"Gumanda kamo." Singit ng Kuya Paolo niya at tumabi sa kanya. Mabilis naman siyang niyakap ni Alyssa na tila naglalambing.
"Love mo talaga ako Kuya eh." Sabi niya sa kapatid na tinapik naman ang kanyang ulo.
"Totoo naman kasi Nak, napakaaliwalas ng mukha mo ngayon. 'Yung tipong hindi na namin kailangan tanungin kung masaya ka ba dahil kitang-kita 'yun sa mga mata mo eh." Sagot ni Lita na nakangiti at tumango naman si Ruel bilang pag sang-ayon sa asawa.
"At dahil diyan, mag order na po tayo. Ako po bahala. Pero Tay huwag po 'yung mga bawal ha, hindi ko po talaga kayo pagbibigyan." Bilin nito at saka kinindatan ang ama.
"Ay akala ko'y makakalusot ako Ineng eh." Sabi niyang natatawa. "Pero hindi nga, nasanay na kami ni Inay mo sa mga gulay at masusustansiyang pagkain. Puro ganon kasi pinapalengke ng mga kuya mo para sa amin."
"Nagrereklamo po kayo Tay?" Sabat ni Paolo at natatawang umiling na ikinatawa rin ni Lita.
"Hindi nagpapasalamat nga ako at kita mo nga't maayos ang naging check up ko sa doctor kanina."
"Tay, Nay, dalas-dalasan niyo naman po pag punta rito sa Maynila." Lambing ni Alyssa habang ngumunguya.
Limang buwan na rin na namamalagi ang kanyang pamilya sa Batangas, maging si Kian ay linipat na rin ng eskwelahan doon. Nagsosyo sina Paolo at Nicko ng negosyong automotive parts and accessories sa Batangas at nang lumago ito ay kinuha nila sa Maynila ang mga magulang at bunsong kapatid na si Kian. Mas mainam rin ang kapaligiran doon para sa kalusugan lalo na ng ama. Lumuluwas lamang sila sa tuwing may scheduled check up si Ruel.
"Nay naman, parang gusto ko na tuloy sumama sa inyo ni Itay sa Batangas eh. Hindi na po ba talaga kayo pwede mag stay kahit overnight man lang? Ayos lang naman kasi kay Kiefer 'yun eh." Alok ni Alyssa habang mahigpit na nakayakap sa ina.
"Hindi na Neng, walang kasama si Kian sa bahay eh. Alam mo naman pamilyado na rin mga Kuya mo. Baka sa sunod na check up ng Itay mo pwede kami makitulog sa inyo. O kaya pwedeng pwede naman kayo dumalaw ng asawa mo sa Batangas." Suhestiyon niya sa anak na siyang nagpaliwanag sa mukha ni Alyssa.
"Ay sige po Nay, sabihin ko kay Kiefer. Mas busy kasi 'yun kaysa sa akin. Pero sana po magawan ng paraan."
"Basta sabihan mo kami agad kung kailan nang makapaghanda kami ha. Isang yakap nga ako sa unica hija ko." Tumango si Alyssa sa ama at agad naman niya ito niyapos.
++
"Beeeessssh!" Sigaw ni Ella nang minsang lumabas sila para mag catch up.
"Ella, ingay mo! Nakakahiya ka, nasa mall tayo oh." Saway ni Alyssa sa kaibigan at hinila na ito papasok sa isang coffee shop.
"Sensitive mo besh. Buntis ka na ba?" Tanong ni Ella na nakataas pa ang isang kilay.
"Sssssh. Eskandalosa talaga ng bibig mo besh kahit kailan eh." Muli ay saway niya at inabala ang sarili sa pagbasa ng menu.
"Sorry na agad besh. Bakit nga kasi bad mood ka? Nung huling kita lang natin halos 'di ka magkamayaw sa pagkwento ng mga paandar ni Kiefer ah. Anong meron besh? Hindi ka nadiligan ano?" Tanong niya rito.
"Ewan ko sa lalaking 'yun besh." Irap ni Alyssa at nagtawag na ng waiter. Nang makuha ang order at nakaalis na ay agad na kinuha ni Ella ang atensyon ng kaibigan. Tinaasan niya ito ng kilay at nagantay na bumuka ang bibig ni Alyssa.
"Hay naku Ly, baka naman kasi busy lang talaga si Kiefer sa work kaya madalas siya ma late ng uwi. Saka baka naman work related lang talaga 'yung mga katext o kausap niya sa phone. Huwag ka kaya nag ooverthink diyan." Matigas na payo ni Ella.
"Besh, kung work related 'yung mga katext o kausap, bakit iba 'yung body language ni Kiefer? Alam mo 'yun, parang guilty or something, 'yung alam kong may tinatago talaga siya. Basta besh iba yung intuition ko talaga." Gigil na kwento ni Alyssa.
"Oh, wag mo naman pagbuntungan ng galit mo 'yung pagkain besh. Maawa ka sa pasta oh." Biro ni Ella ngunit bigo siyang patawanin si Alyssa.
"Relax besh. Alam ko easier said than done. Pero iwasan mo mag overthink, please? Uhm, bakit 'di mo na lang i-confront si Kief at tanungin ng direcho, kaysa naman 'yung ganyan na nagdududa ka." Alo ni Ella sa kaibigan.
"Ewan ko besh." Iling na sabi ni Alyssa at tila malayo ang isip.
xxxx
BINABASA MO ANG
Fate and Star *FSA Book II* [KiefLy]
Short Storyis love fathomable? at what extent love is still worth fighting for?