Chapter 19

1.8K 106 15
                                        

Hindi mapakali si Alyssa habang patungo siya sa restaurant na pinili ni Mozzy na pagkikitaan nila. Simula ng una nilang pagkikita ay ramdam na niya na may pagaalinlangan ang ginang sa kanya ngunit hindi naman niya ito masisi. Susubukan na lamang niyang habaan pa ang pasensiya at mas ayusin pa ang pakikipaghalubilo nito.

Huminga siya ng malalim ng marating ang pinto ng restaurant. Agad naman siyang nilapitan ng waiter at inalam ang kanyang reservation. Mariin ang pagkahawak niya sa kanyang bag nang patungo na sila sa mesa na kinaroroonan ni Mozzy na agad namang kumaway nang makita siya.

"Good afternoon po Ma'am, pasensiya na po kung nahuli po ako." Magalang na sabi niya.

Tumayo si Mozzy at inialok ang kanyang pisngi para makipagbeso. "Alyssa, masanay ka ng tawagin akong Mama. You're part of the family. Maupo ka iha." She offered.

"Sorry po, medyo nahihiya lang po ako." Sagot niya na halatang tensyonado pa rin. Inabot naman ni Mozzy ang kanyang kamay kay Alyssa. "I can't thank you enough, so the most that I can do is welcome you with open arms and accept you as my soon to be daughter in law."

"Po?" Ang tanging nasabi ni Alyssa. Hindi niya malaman kung bakit ganoon ang mga sinabi sa kanya ng Mama ni Kiefer.

Mozzy smiled at her. "Sa maikling panahon na nakilala at nagkasama kayo ng anak ko ay ganoon naman kalaki ang ipinagbago niya. At alam ko malaking bahagi noon ay dahil sa iyo. You've been a good influence to my son. At hindi lang ako nakapansin kundi pati ang Papa at mga kapatid niya. Thank you." Mozzy said genuinely.

"Naku Ma'am, I mean ah, Ma, kung nagbago man po si Kief kusa niya po iyon." Alyssa answered. And Mozzy couldn't help but to smile and admire her even more.

They shared a hearty meal and talked about random stuff. Mozzy stole glances at Alyssa in between, she must admit she prejudged her. Now, she can't wait to make it up to her and bond with her more often.

"Ahm Ly, about Tracy nga pala..." Mozzy said but was immediately cut off when her phone rang.

Nanatiling tahimik na kumain si Alyssa habang abala si Mozzy sa pakikipag usap sa telepono. Ngunit hindi rin mawala sa isip niya kung ano ang kailangang sabihin sa kanya patungkol kay Tracy.

"Ly, I'm sorry but I really have to go.Something came up lang." Imporma ni Mozzy.

"Okay lang po ba kayo, Ma?" Nagaalalang tanong ni Alyssa.

Tumango si Mozzy at niyakap si Alyssa saka tuluyang nagpaalam. "Basta Iha, don't ever believe anything from that Tracy girl."

++++

"Ssshh, relax ilang beses na natin hinarap si Pappi at Ammah 'di ba?" Bulong ni Kiefer kay Alyssa nang minsang dinalaw nila ang kanyang Lolo sa mansion nito. Isang mahabang buntong hininga ang pinakawalan ni Alyssa saka hinarap si Kiefer at pilit na ngumiti.

"Haba naman nun. May problema ba?" Tanong niya at hinila siya upang mahinto sila sa paglalakad.

"Wala naman medyo tensed lang." Pagsisinungaling na sagot niya. Ngunit hindi kumbinsido si Kiefer kaya kinulit pa niya ito.

"Wow, nababasa mo na ata mood ko ngayon ah." Nakangiting sagot ni Alyssa. "Pero kasi napapaisip lang ako Kief. Na mabilis ang lahat ng 'to tapos hindi ko maiwasan makarinig ng mga komento ng mga tao at isa pa kasi nakakahiya na wala man lang akong ka alam-alam sa tradition niyong mga Chinese."

"You're thinking too much, Ly. Please ayoko na iniistress mo sarili mo sa mga ganyan, okay? Andito ako at aalalayan kita every step at yang mga taong hindi naman kasali sa atin hayaan mo sila." Si Kiefer at hinalikan niya sa noo ang dalaga na nagpawala ng kanyang mga agam-agam.

Fate and Star  *FSA Book II* [KiefLy]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon