Chapter 9

1.7K 99 12
                                        

He tried to ran after her. But he knew she was fuming mad, disappointed, turned off. And he can't blame anyone but himself, the alcohol in his system, the pressure and the drive of challenge that Allen gave him.

He has been ringing her phone but Alyssa kept on ignoring all his calls even his text messages were unreplied.

He called Luigi first thing in the morning to get Alyssa's home address, Luigi informed him about the condition of Alyssa's dad; the more he felt guilty of what happened the previous night, if only he was sensitive enough.

Kailangan kong bumawi.

+++++

Alyssa did not even get a decent sleep, yet she has to force herself to get up and cook food for her to bring to the hospital.

"Nay, mano po." She said and held her mom's hand.

"Kaawaan ka ng Diyos anak. Nakatulog ka ba? Galing dito sila Kuya mo, may mga dalang pagkain. Saluhan mo na si Kian sa pagkain."

Tinabihan ni Ly si Kian sa maliit na sofa. "Kumusta si Itay, Nay?"  Tanong niya habang pinagmamasdan ang natutulog na ama.

"Akyat baba pa rin ang blood pressure niya mula kagabi. Eh marami pang laboratory examinations gagawin, neng. Tapos kagabi nagreklamo na hirap umihi. Kakatulog niya lang nung dumating ka."

"Sana naman maging maayos ang lahat." Usal ni Alyssa habang napatigil sa pagsubo ng kinakain.

"May awa rin ang Diyos anak." Lita answered and smiled.

"Hi besh! Hi Tita!" Ella greeted them as she enteted the room.

"Pasok ka Els, mag isa mo lang ba?" Lita asked Alyssa's friend.

"Ah eh, hi Tita, hi Chong!" Luigi said shyly from Ella's back.

"Aba kayo na ba?" Alyssa teased, Ella blushed and eyed Alyssa.

"Naku pakisabihan nga yang kaibigan mo Chong, ang tagal eh." Luigi butted in.

"Talaga lang Luigi ah." Ella retorted. "Besh don tayo sa labas, tulog si Tito eh." Aya niya at mabilis na hinila palabas ng silid.

"Nakita kita kagabi bago ka pumasok ng building besh kaso di na kita tinawag kasi late na rin ako eh. So, bakit parang galing kang iyak non?" Ella asked while looking at Alyssa. She knows her too well and she knows she wouldn't be crying over her Dad's conditon. She has known her to be tough amidst all that she has gone through in life.

"Hmm, basta sikreto lang to besh ka--" Ella gasped and covered her mouth, "Omg, buntis ka besh? May ninakawan ka? O kaya napa--"

Mariing tinulak ni Alyssa si Ella upang tumahimik, "Ang oa mo besh ah, ang lala ng imagination mo, napakamorbid eh." And they both bursted to non-stop laughing.

Alyssa narrated to Ella everything about Kiefer, from their very first meeting to the last thing she did to him.

"Baka naman misunderstanding lang yun besh. Baka nadala lang siya talaga ng kalasingan. Sagutin mo na kasi pag tumawag ulit, hayaan mo mag explain ng side niya." Payo ni Ella sa kaibigan.

"Hay naku, bahala siya besh. Mas marami pa akong dapat isipin noh, lalong lalo na si Itay." Sagot nito saka tumayo sa kinauupuan. Agad naman siya hinila paupo ni Ella.

"Aray naman besh, mapanakit ka." Biro nito.

"Besh, paano kung ipupush talaga ng Lolo niya yung kasal niyo? Alam nyo na,  nakatatak sa isip niya na may nangyari talaga sa inyo nung nadatnan niya kayo. Teka nga, gwapo ba besh?" Tanong ni Ella na papungay pungay pa ang mga mata.

"Hmm, pwede na." Kibit balikat na tugon nito.

"Ayy, hindi na masama besh. Intsik, mayaman, may itsura. Go na besh. Susuportahan na kita diyan." Bigla naman siyang hinampas ni Alyssa.  "Ewan ko sa'yo Ella. Pasok na nga ako ulit sa loob, ayan na si Luigi oh. Sagutin mo na yan." Natatawang sabi niya saka tinalikuran ang kaibigan.

"Salamat Chong, kaso hina mo yata kay Ella, ayaw ka pakinggan eh." Sabat ni Luigi sa dalawang babae.

"Bahala kayo diyan uy, Luigi mauna na ako sa kotse ah. May tatawagan kasi ako." Paalam niya saka hinalikan si Alyssa sa pisngi, "Besh, dadalaw ako ulit. Ingat ka ha. Yung mga payo ko, go na!" Mapanuksong bilin nito na ikinatawa ni Alyssa.

"Kulit mo Donya. Alis na nga. Kausapin ko lang tong peke mong jowa." Inirapan naman siya ni Ella saka umalis.

"Igiboy, salamat sa pagdalaw ah." Pilit na ngiting sabi niya.

"Sus ikaw pa ba. Pero Ly kung ano man hindi niyo pagkakaintindihan ni Kiefer, pagpasensyahan mo na yun, di sanay uminom kaya iba epekto pag may alak sa katawan." Tumango lang si Alyssa, mainam na rin atang hindi na malaman ni Luigi ang nangyayari.

"Basta kung may kailangan ka, tawagan mo ako agad ha o si Ella." Bilin nito.

"Salamat Chong." Niyakap naman ni Luigi ang kaibigan. Kahit sa pamamagitan lang nito ay nais niyang maibsan ang mga dinadala ng kaibigan dahil alam niyang pinipilit lang nito magpakatatag.

+++++

Iilang hakbang na lang ang layo ni Kiefer nang makita niyang magkayakap sina Luigi at Alyssa.

He chose to stop walking and hid quickly in a corner.

He held on to his chest. It felt so weird to feel a kind of tightness and a tinge of something, a feeling that is not so new to him.

Hindi naman siguro ako nagseselos. Hindi. Hindi. It can't be.

Muli niya silang sinilip, gusto niyang lapitan ang mga ito, ngunit bakit may kung anong pumipigil sa kanya.

Napatingin siya sa bulaklak, basket ng mga prutas at pagkain na bitbit niya.

Masyado naman pala akong umeffort.

Napailing na lang siya sa iniisip. Sa ibang araw na lang siguro siya hihingi ng paumanhin sa dalaga.

xxxxx

Fate and Star  *FSA Book II* [KiefLy]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon