Chapter 20

1.8K 112 11
                                    

Wala sa sariling tumayo si Alyssa at mabilis na sinukbit ang bag sa balikat. Malalaki ang kanyang mga hakbang patungo sa pinto ng salon nang bigla siyang harangin ng isang empleyadong bading.

"Ay pasensiya na po 'teh, hindi naman po ako tatakas, nagmamadali lang talaga. Magkano po pala babayaran ko?" Tarantang sabi niya.

"Ayos na po yun bebe girl binayaran na ng kasama mo kanina. Pero kasi ano..." Nguso ng bading sa balikat ni Alyssa na agad naman niyang kinapa at lihim na natawa dahil may tuwalya pang nakasabit dito.

"Ay sorry talaga." Sabi ni Alyssa sabay abot ng tuwalya sa bading. Tinanggap niya iyon at dahan-dahan na inalalayan si Alyssa sa harap ng salamin.

"Bebe girl gustuhin ko man irelease ka na pero kasi hindi pa tapos yung hair mo. Baka masira pag iririnse na natin siya ng kulang pa sa time." Paliwanag nito kaya wala ng nagawa si Alyssa kundi maupo muli.

Ilang beses pa sinubukang tawagan ni Alyssa si Kiefer ngunit hindi niya ito sinasagot. Kaya't pinili na lamang niyang i-text ito at sinabihang dadating siya.

She grew impatient but she was left with no choice. Nang mag-angat siya ng tingin sa salamin ay nakatingin rin sa kanya ang bading na agad siyang nginitian.

"Ganyan talaga beh, hirap muna bago sarap. Tiis ganda lang, pero pasasaan ba't maeenjoy mo rin naman ang ending." Sabi nito habang abala sa pagsusuklay sa buhok ni Alyssa.

"Dami mo alam teh, pero gets ko naman ang point mo. Pero paano kung hindi mo alam san ka lulugar, kung magwowork ba o hindi?" She curiously asked.

"Hmm... Lakas maka pang pageant ng tanong mo beh. Pero siguro doon tayo sa trial and error. Gaya nitong pagkukulay at treatment ng buhok mo, mamaya malalaman natin kung babagay ba ang kulay sa'yo, kung hindi eh 'di try naman natin maghanap ng ibang babagay, hanggang sa mahanap mo kung saan ka magiging komportable. Basta beh ang mahalaga kung saan ka sasaya. Basta ba walang nasasaktan, keri na." Sagot niya sabay pa kaway kaway na ikinatawa ni Alyssa.

"Oh ayan, bongga. Ganda mo beh." Puri ng bakla habang tinatapos pag blower ng huling bahagi ng kanyang buhok.

Ngumiti si Alyssa saka nagpaalam. Hindi naman siya nabigo sa hair makeover na ipinilit sa kanya ni Dani.

Halos lakad takbo na ang kanyang ginawa patungong taxi exit ng mall. Mayroon na lamang siyang tatlumpung minuto bago marating ang meeting place nila ni Kiefer.

"Argh stupid!" Angil ng babaeng aksidenteng nakabanggaan niya.

"Ay sorry po, pasensiya na talaga." Sabi ni Alyssa habang nakayuko at pinupulot ang mga gamit na nahulog sa sahig.

"Oh, look who's here." Maarteng komento ng babae nang iabot ni Alyssa ang mga gamit nito sa kanya at matalim siyang tiningnan mula ulo hanggang paa.

Nagulat man si Alyssa na si Tracy iyong nabangga niya ay hindi na niya pinahalata at piniling maging kalmado dahil ang tanging nasa isip niya ay ang mapuntahan si Kiefer.

"I'm so sorry hindi ko iyon sinasadya. Pasensiya ulit." Muli ay sabi niya saka tumalikod na.

"How much do you need?" Tanong ni Tracy na siyang nagpatigil saglit sa paghakbang ni Alyssa. Ngunit binalewala na rin niya iyon agad at patuloy na lumakad.

"Lord, today is not my lucky day ba? Una si Kiefer, pangalawa yung Tracy. Pangatlo nakalimutan ko kumontak ng Uber dahil sa panic, pang apat bigla pang umulan, sayang naman 'tong OOTD ko, nabasa pa hair at paa ko, pang lima, wala na bang ikabibilis ng usad nitong traffic? Lord, send me unlimited patience and strength."

Mahina na usal at dasal ni Alyssa paglasalampak sa taxi.

++++

"Luigi, ano ba? Maupo ka nga bro, hilong hilo na ako sa paikot ikot mo diyan. Para kang najejebs na naghihintay ng misis na nanganganak." Reklamo ni Kiefer sa kaibigan.

"Kasi naman bro hindi ko makontak si Ella, hindi nasagot sa mga tawag ko eh. Paano kung hindi 'yon dumating?" Walang humpay na ngawa ni Luigi.

"Relax bro, 10 minutes pa. Hinga." Payo nito.

"Nagagawa mo pa magpayo ha eh ikaw nga diyan nag-iinarte kay Alyssa. Sinasabi ko talaga Kief ako makakatapat mo pag nakita kong umiyak 'yon." Banta ni Luigi na tinawanan lang ni Kiefer ngunit sa loob niya ay may pag aalala rin siya.

Isang pamilyar na lugar ang binabaan ni Alyssa. Lugar kung saan sila unang nagkita ni Kiefer, kung saan mismo nakapark ang kotse ni Kiefer na aksidente niyang nagasgasan. Nagpalinga linga pa siya bago matunton ang mismong lugar na itinext sa kanya.

Nagdadalawang isip pa siya na pihitin ang pinto nang bigla itong bumukas sabay sa pagliwanag ng lugar.

She took a step forward and a dozen or so of white helium balloons float through the high ceiling along with a slow tempo of Bruno Mars' Just the way you are filled the room.

When I see your face
There's not a thing that I won't change
Cause you're amazing just the way you are
And when you smile
The whole world stops and stares for a while
Cause girl you're amazing just the way you are

Nagtataka man ay patuloy na nilakad ni Alyssa iyon at laking gulat niya na bigla na lang lumitaw sa likod niya si Kiefer na may ngiting nakakatunaw kaya't hindi siya kayang titigan ni Alyssa ng tuwid.

"Thank you." Nahihiyang sabi niya nang tanggapin ang mga puting rosas na inabot ni Kiefer pero nanatiling nakatuon ang mata nito sa sahig.

"Hey, galit ka ba? Sorry kung pinagalala kita." Saad ni Kiefer habang hawak niya ang magkabilang pisngi ni Alyssa na pinapatingin niya sa kanya.

Mahinang hinampas ni Alyssa ang dibdib ni Kiefer. "Dami mong alam. Tingnan mo nga oh nagkamalas malas na ako." Sabi niya at tinuro ang mga paa at saka inayos ang buhok.

"I don't care if your hair is a mess or you stained your make up or your dress got crumpled or you got dirty feet, I like you for being you, I like you Alyssa, my Alyssa. Ly, I love you and I am in love with you." Kiefer poured out his feelings with all honesty while he was staring at her.

Kinagat ni Alyssa ang pang ibabang labi para itago ang kilig at pigilan ang nagbabadyang mga luha ngunit kusa na itong tumulo na agad namang pinunasan ni Kiefer.

"Bro, sabi ko huwag mo paiyakin eh!" Sigaw ni Luigi sa isang bahagi kaya napalingon sila bigla sa gawing iyon.

"Alta!!! Ang epal mo!" Angil ni Ella sabay pingot sa tainga ni Luigi na ikinatawa nilang lahat.

Nang lingunin ni Alyssa si Kiefer ay nakaluhod na ito sa kanyang harapan at may hawak na singsing.

"Ly, I love you not only for what you are, but for what I am when I'm with you. Give me the chance to be the luckiest guy alive, will you be my Mrs. Ravena?" Kiefer said teary eyed.

Halos walang mga salita ang lumabas sa bibig ni Alyssa. Nagulat na lang siya nang nagsilabasan ang mga miyembro ng pamilya niya at ni Kiefer, lahat sila ay nagsasabi ng "Say Yes, Say Yes" kaya natawa siya.

"Wait lang naman. Nagproprocess pa eh." Sagot niyang natatawa at inilahad ang mga kamay kay Kiefer upang alalayan siyang tumayo.

"Ly?" Muli ay tanong ni Kiefer.

Mahinang tumango si Alyssa na nakangiti.
"Yes, Kief. I will marry you."

Ikinulong niya si Alyssa sa kanyang mga bisig pagkatapos ay tinitigan niya ito.

"I love you, Babe."

"I love you too, Kief." Nahihiyang sagot ni Alyssa.

"Seryoso? Talaga?" Hindi makapaniwalang tanong ni Kiefer.

Muli ay tumango si Alyssa. "Ikaw eh, tagal mo umamin." Sagot niya at tumawa sila parehas.

And they sealed that night with a long passionate kiss.

xxxx

Fate and Star  *FSA Book II* [KiefLy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon