"Tracy, please. Do not make a scene here." Kiefer said on a warning note as he pulled her away from their table.
Tinabihan naman ni Dani si Alyssa at binulungan na wala siya dapat ipagalala at huwag na masyadong pansinin ang hindi inaasahan na umeksena. Naguguluhan man ay tumango lang si Alyssa at pilit na ngumiti kay Dani.
Natuon naman ang tingin ng lahat sa dating magkasintahan. Ramdam nila ang tensyon sa mga nangyayari kaya mabilis na sumaklolo si Mozzy.
"Tracy, iha, do you need anything? We are in a middle of a family gathering." She gently told her. Ayaw niyang mastress na naman ang kanyang ama dahil sa presensya nito.
"Oh hi Tita and everyone." Maarteng bati niya at lalapit na sana siya kay Lolo Noel para mahalikan ito ngunit mabilis siyang napigilan ni Kiefer at hinila siya papalayo nito. Nagulat naman siya nang may biglang tumulak sa kanya dahilan na muntik na siyang masubsob sa upuan, mabuti na lang ay nakontrol niya ang kanyang katawan.
"Babae 'yan bro, huwag mo naman saktan." Angil ng lalaki. Nagulat man si Kiefer na makitang si Allen iyon, ay mas napantig naman ang tenga niya sa narinig.
"Better guard your lady, bro." Sagot ni Kiefer. Nakita naman ni Thirdy ang pagkuyom ng kamao nito kaya't mabilis siyang pumagitna sa dalawa. Maging si Alyssa ay napatayo na rin sa kanyang kinauupuan dala ng pagkabigla.
"Let's go." Utos ni Allen sa babae saka hinila ang kamay nito. Ngunit isang masusing tingin ang itinapon niya mula ulo hanggang paa ni Alyssa bago ito nagpatianod sa lalaki.
Nilapitan ni Kiefer si Alyssa na bakas pa rin ang gulat sa mukha. Hinalikan niya ang buhok nito at bumulong, "Sorry about that. Okay ka lang ba?" Bigla naman nahiya si Alyssa sa ikinilos ni Kiefer sa harap ng pamilya nito kaya tumango na lang siya bilang tugon.
"Maybe let's call this a night?" Anunsyo ni Bong na sinangayunan naman nilang lahat.
Naging tahimik si Alyssa habang binabaybay ang daan pauwi. Tumikhim si Kiefer upang makuha ang kanyang atensyon.
"Ly, sorry about earlier ha. Uhm..." He stattered, searching for the right words.
"Hindi mo naman kailangan mag sorry Kief. Kung ano man yun, balato ko na yun sa'yo. I respect your personal space." Sagot ni Alyssa dahil ramdam niyang may pagaalinlangan si Kiefer.
"Basta, one thing's for sure. She's irrelevant to me, to us." Kiefer assured her.
"Kief, okay lang naman if you won't stay na. I'll be fine." Sabi ni Alyssa habang naglalakad sila patungo sa kwarto ni Ruel.
"Ly, gusto kong gawin 'to." Sagot niya habang dahan-dahan na pinihit ang pinto. Napatalon naman si Alyssa na parang bata at kumaripas ng takbo patungo sa kama ng ama.
"Taaaaaayy!" Masiglang bati niya nang madatnan na gising ang ama at niyapos ito ng mahigpit.
"Nak, malamog naman si Itay mo niyan." Biro ni Lita at sinenyasan si Kiefer na pumasok.
"I-ineng." Hirap na pagsalita ni Ruel at ngumiti habang nakayakap pa rin sa kanya ang anak.
"Tay, huwag niyo na po muna pilitin magsalita. Pagaling kayo agad at magpalakas lalo ha." Lambing ni Alyssa habang hawak hawak ang kamay ni Ruel. Ngunit napansin niya naman na nakatutok ang tingin ng ama sa bandang likuran niya at may kung anong nginunguso kaya sinundan niya ito ng tingin.
Iniabot niya naman ang kamay niya kay Kiefer na mabilis naman nitong tinanggap at lumapit sa kanya.
"Tay, si Kiefer po, nagmeet na po kayo bago ng operasyon ninyo." Pagpapakilala niya. Lumapit naman ang lalaki sa ama ni Alyssa at nagmano ito. Naaninag naman nila ang isang matamis na ngiti na kumawala sa labi ni Ruel. Wala man silang narinig na salita ay sapat na ang ngiting iyon bilang pagtanggap at panimula.
Maagang naalimpungatan si Ruel dahil sa naramdamang uhaw. Ibinaling niya ang tingin sa isang bahagi ng silid at napangiti siya sa nakita. Nakahiga si Alyssa sa maliit na sofa habang si Kiefer ay nasa mas mababang cotbed pero hawak kamay silang natutulog, ang tatatlong unan ay na kay Alyssa lahat, maging ang mas malaking bahagi ng kumot ay sa kanya nakatakip habang si Kiefer ay nagkasya na lamang sa pagbaluktot dala ng lamig ng aircon.
Napangiti siya sa nasaksihan. Wala pa namang sinasabi si Alyssa sa kanya, ramdam niya namang espesyal ang pagtitinginan nila para sa isa't-isa.
Kung ano man ang mangyari sa akin o kung hanggang kailan ako tatagal, nakakasiguro ako at kampanteng nasa maayos na kamay ang aking unica hija.
Naputol ang pagiisip ni Ruel nang biglang kumilos at bumangon si Kiefer.
"Tay? Ayos lang po kayo? May kailangan po ba kayo?" Tanong ni Kiefer habang nagpupunas ng mukha.
"Tu-tubig." Maikling sagot ni Ruel at itinuro ang lalamunan. Inalalayan naman siya ni Kiefer sa pag inom at inihiga ulit ng maayos. Gustuhin man niyang makipagkwentuhan na ay alam niyang hindi pa nito ganoon na kakayanin. Matitipid na ngiti at tango na lamang ang naibigay ni Ruel sa kanya.
++++
"Ineng, na double check mo na ba? Wala na ba tayong nakaligtaan na mga gamit? Yung mga papeles nandiyan na? Kiefer, yung discharge slip ba nariyan na sa iyo? Ay, teka nga tatawagan ko si Kian kung okay na ang lahat sa bahay." Tuloy tuloy na sabi ni Lita habang nagliligpit ng mga gamit.
"Inay, relax lang po. Okay na lahat. Mas excited pa kayo kay Itay umuwi eh." Sagot ni Alyssa habang pinapakalma ang ina. Naglagi pa si Ruel ng limang araw sa ospital at ito na nga ang araw ng uwi niya kaya naman aligaga ang kanyang kabiyak sa pagaayos ng mga gamit pauwi at sa maliit na sorpresa na inihanda nila sa bahay.
"Welcome home Itay." Maligayang pagbati nila Kian, Paolo, Nicko, mga asawa at mga anak nila nang nakarating sila sa bahay. At kanya-kanyang yapos at halik ang isinalubong ng mga ito sa kanya.
Naging abala ang lahat sa munting salo-salo na inihanda na dinaluhan rin nila Luigi at Paolo.
"Igiboy, nasaan na ba yung jowa mong si Ella. Pakisabi huwag na kamo pumunta at wala ng natira para sa kanya." Biro ni Alyssa at sakto namang hinihingal na si Ella ang lumitaw sa hamba ng pintuan.
"I heard my beautiful name and I am so present." Bati ni Ella. "At imposibleng wala ng pagkain dahil amoy na amoy ko kaya noh." Sabi niya at isa-isang nang lumapit at nakipagbeso sa mga naroon.
"Si Itay besh?" Tanong niya.
"Nagpapahinga na sa kwarto besh. Tara kain na." Aya ni Alyssa at sinamahan ito sa hapag.
Kanya-kanya sila ng mga usapan at tawanan habang si Ella at Alyssa ay abala rin sa pagkain at paguusap.
"So besh, ano na plano niyo? Kailan ang kasal?" Tanong ni Ella habang sumusubo at ngumunguya.
"Ka-kasal?" Gulat na tanong ni Ruel at ang munting tahanan nila ay nabalot ng nakakabinging katahimikan.
xxxx
sorry for the super bagal na ud. am so busy. ❤
BINABASA MO ANG
Fate and Star *FSA Book II* [KiefLy]
Cerita Pendekis love fathomable? at what extent love is still worth fighting for?