Naalimpungatan si Alyssa ngunit pakiramdam niya ay nasa alapaap siya at dahan-dahan pa ring dinuduyan. Gustuhin mang ituloy ang tulog ay pinilit niyang imulat ang mga mata.
At hindi nga siya nagkamali, literal ngang nasa alapaap siya at kasalukuyang lulan sa isang private jetplane. Binaling niya ang tingin sa katabi at mabilis na hinablot ang jacket na ginawang pantakip.
"At paanong nandito ako? Pababain mo ako!" Sigaw ni Alyssa sabay hampas sa katabi.
"Kausapin mo yung piloto kung pwede pumara at pababain ka." Sagot nito.
"Huwag mo akong pinipilosopo Kiefer ha! Kidnapping 'to. Una, hindi ko ginusto na andito kasama ka, pangalawa, may pinaamoy ka sa akin na hanggang ngayon nakadikit pa rin sa ilong--"
"Unang-una rin, Mrs. Alyssa Valdez-Ravena, oo Ravena at asawa kita so paanong magiging kidnapping 'to? Sorry na, ayaw mo ako harapin eh. Nakadikit pa rin ba sa ilong mo? Akin na't kiss ko." Tukso niya sa asawa.
"Che! Tumigil tigil ka Kiefer ha. Lagot ka kina Itay, kina Kuya." Paghahamon niya.
Ngiting aso naman na nginuso ni Kiefer ang luggage ni Alyssa sa may paanan nito at may sticky note sa taas na bahagi.
Ineng, kumpleto na itong naimpake ko. Matutong makinig at magpatawad.
PS: Huwag ng pabebe 'Nak. Paano masisimulan ang basketball team niyan? -Itay
Lihim namang natawa si Alyssa sa nabasa.Kung ganoon ang suporta ng mga magulang ay alam niyang maayos na nakapagusap si Kiefer sa mga ito.
"Pwede naman kasi kiligin babe." Biro ni Kiefer kaya mabilis na nagpalit ang kanyang mood at inirapan niya ito.
"Sige na, idlip ka na muna babe. Roughly 30 minutes ride to." Sabi ni Kiefer na siyang tinanguan lang ni Alyssa.
"Sana paggising mo hindi ka na masungit." Bulong ni Kiefer. Napakagat na lang ng pangibabang labi si Alyssa upang maitago ang kilig.
"Babe, gising na andito na tayo." Maingat na ginising ni Kiefer ang asawa na mahimbing na natutulog.
"Ly, babe... Sige, hahalikan talaga kita." Natatawang banta ni Kiefer. Idadampi na sana niya ang nguso niya sa labi ni Alyssa nang mag-inat ito at saktong tumama ang palad nito sa mukha ni Kiefer.
"Sorry, napasarap tulog ko. Tara!" Aya ni Alyssa at mabilis na tumayo at inunahan si Kiefer. Pigil ngiti naman siya sa naging reaksyon ni Kiefer.
"Wow! Ang ganda naman dito. Everything is picture perfect." Manghang mangha na sabi ni Alyssa habang nililibot ang panigin sa buong paligid.
"Perfect just like you, babe. Tama ka nga who needs an out of the country getaway kung may ganito naman sa Pinas. Pero kahit saan pa man basta ikaw kasama ko." Sabi ni Kiefer na basag ang boses.
Gustuhin man niyang harapin si Kiefer at pagusapan ang nangyari ay pinili niyang ipagpaliban na muna ito. Inilabas niya ang kanyang celphone at pilit na naghahanap ng signal.
"Naku Ma'am, wala po talagang signal dito kahit anong service provider eh. Unless po may antenna yung mobile phone, may masasagap po isang bar na signal." Imporma ng isang crew sa kanya.
Sumingit naman si Kiefer at bumulong kay Alyssa. "Guess we're stuck with each other, babe." Hahampasin pa sana siya ni Alyssa ngunit mabilis itong nakailag. Kinindatan pa niya ang kanyang misis bago tuluyang umalis.
Nagpalit ng pwesto si Kiefer ngunit nagulat siyang wala na si Alyssa sa tabi niya at tanging mga unan lang ang nakapa niya. Alas kwatro y medya pa lang ng umaga kaya mabilis siyang nagpalit ng damit at lumabas ng villa nila para hanapin ang asawa. Naging maayos naman ang naging hapunan nila noong gabi at hindi naman kumontra si Alyssa na magtabi sila sa pagtulog. Gustuhin man niya na magpaliwanag na ay napansin niya naman at ramdam ang pagod ni Alyssa.
Naging mabilis ang mga kilos niya. Hindi naman siya nabigo sa unang hinala. Nadatnan niya ang asawa sa tabing dagat at naghahagis ng maliliit na bato sa tubig.
"Inaamin ko babe yung tungkol sa 20 million deal namin ni Pappi. Pero simula nung halos araw-araw tayong magkasama at nadevelop feelings ko sa'yo, doon pa lang kinalimutan ko na yung pangarap ko na negosyo. Nung time na yun, mas prinioritize ko na bigyan ka suporta at ang pamilya mo. Kahit tanungin mo si Pappi babe, sinabi ko sa kanya yun, ang mali ko lang kasi talaga hindi ko binanggit sa'yo yun. Hindi ko rin naman alam na dadating sa point na maglalasingan sina Von at Allen at naikwento nga yun ni Von at nakarating pa kay Tracy."
Unti-unti siyang lumapit at tinabihan si Alyssa. "I'm so sorry babe if you thought lowly of yourself, I swear to God that was not my intention. Patawarin mo na ako, please."
Hinarap siya ni Alyssa at laking tuwa niya ng masilayan ang ngiti nito. "Okay na babe, I'm sorry din na hindi ko piniling makinig muna sa'yo."
"Thank you, babe. Namiss ko 'yan. Ang ngiti mo, ang pagtawag mo sa akin ng babe." Nakangiting sabi niya. Bigla namang tumayo si Alyssa at hinila si Kiefer papalapit sa dagat.
"Aaaahhh sunrise!" Alyssa said in awe. Kiefer hugged her from the back and watched the beauty of the clouds color change along with the sunrise. "New day, new hope, new beginning." He whispered.
"Babe, bangon na, jog tayo please." Lambing ni Alyssa sa asawa na mahimbing ang tulog at nakabaluktot pa. Yinugyog siya muli ni Alyssa kaya napasilip siya sa orasan.
"Babe, 5am pa lang. 30 minutes please." Hirit nito.
"Kiefer naman. Last day na natin dito eh. Ienjoy na natin. Mukhang maganda weather today babe, unlike kahapon na maulan." Pangungulit muli niya.
They spent their two days with different water activities like wind surfing, paraw sailing, wake boarding and stand-up paddle boarding. On their third day, the weather did not cooperate well so they were forced to stay indoors. Good thing the resort had various indoor games such as basketball, bowling, badminton and volleyball. Nagulat naman si Kiefer na magaling ang asawa sa mga nabanggit na sports at nakipagpustahan pa ito sa kanya.
"Babe, huwag na lang kaya? Hindi ko talaga kaya eh." Pagalinlangan na sabi ni Alyssa.
"Babe, nakinig naman tayo parehas sa guidelines 'di ba? Isa pa babe, kasama mo naman ako eh. Promise hindi kita bibitawan." Pangako ni Kiefer habang naghahanda sila para mag scuba dive. Umiling naman si Alyssa bilang pagprotesta.
"Babe, paano natin maapreciate ang ganda kung hindi natin masasaksihan mismo? At paano natin magagawa yun kung hindi natin susubukan? You trust me, right?" Alyssa nodded. "Then, we're in this together. Huwag ka bumitaw sa kamay ko at lalong hindi kita bibitawan." Kiefer assured her as they both dove into the deep sea.
"That was super amazing. Thank you, babe. For helping me conquer my fears." Alyssa said as she hugged him. They talked nonstop of how much beauty they have witnessed and how great their experience was.
It was almost sunset as they went back to the shore. They were holding hands on the way back to the villa.
"Teka babe, hindi naman dito ang daan pabalik ah. Hindi ba doon?" Turo niya sa kabila ngunit nagkibit balikat lang si Kiefer at patuloy na naglakad. "Babe, 'di ba 8pm tayo susunduin pabalik Manila? Dali na, mag-aayos pa ako gamit natin." Ngunit nagulat siya nang bigla siyang hinatak ni Kiefer. Magrereklamo pa sana siya ngunit napanganga na lang siya sa nakita.
A table for two was romantically set on the beachfront with white petals scattered around and with scented candle lamps lighted on the pathway.
Kiefer offered his arm to her to which she automatically accepted and wrapped her arm around his. They shared a meal and endless stories of happy memories as they watched the sunset marking the promise of a new dawn.
"Happy first anniversary to us my wife. I love you babe." Kiefer said.
"I love you too, babe. Happy anniversary." Alyssa replied.
xxxx
BINABASA MO ANG
Fate and Star *FSA Book II* [KiefLy]
Short Storyis love fathomable? at what extent love is still worth fighting for?
![Fate and Star *FSA Book II* [KiefLy]](https://img.wattpad.com/cover/130952310-64-k8163.jpg)