Chapter 18

1.8K 105 11
                                        

"Ruel.... Halina at bumalik sa kwarto baka mabinat ka pa." Natatarantang sabi ni Lita sa kabiyak.

"Tinatanong ko kung sino iyong kakasalin na binanggit ni Ella." Muli ay tanong ni Ruel.

Nagpalitan naman ng tingin si Lita at Alyssa pagkatapos ay kay Kiefer. Ganoon rin ang ginawa ni Alyssa at Kiefer, na tila nagaantayan kung sino ang mauunang magsalita at basagin ang katahimikan.

"Uhm, Tay, susunod po ako sa kwarto. Aasikasuhin ko lang po ang mga bisita--"

"Ineng, sige na kami na bahala nila Kuya Paolo dito. Sumunod na kayo kay Itay." Sabat ni Nicko at tinapik pa sa balikat si Kiefer.

"Kief, hangga't kayang dahan dahanin ang pagsabi, ikaw na bahala please." Pakiusap naman ni Paolo sa kanya.

Hawak kamay silang pumasok sa silid upang harapin ang magulang ni Alyssa. Nagsalitan sa pagpapaliwanag sina Lita, Alyssa at Kiefer. But the entire time, Ruel remained silent, emotionless and with blank stares.

"Itay, patawad po. Please Tay.. Magsalita ka naman po please." Mangiyak ngiyak na sabi ni Alyssa habang hinahagod ni Kiefer ang kanyang likod na hindi rin mawari kung ano ang gagawin.

"Ruel, napano ka na ba at hindi ka na umimik riyan." Sabi ni Lita at mahinang tinatapik ang asawa. Napansin naman niyang nangilid ang mga luha ng asawa kaya napayakap siya rito.

"Patawad Lita, patawad Ineng na hindi tayo ganoon kayaman, na hindi tayo nakapaghanda sa mga ganitong sitwasyon, tuloy ngayon yung dalaga ko pa ang magsasakripisyo. Kiefer, baka naman maari pang--

Naupo si Alyssa sa tabi ng ama at hinawakan ang mga kamay nito, "Itay, ayos na po ang lahat. Ito po ang totoo, hindi po ako napipilitan sa mga nangyayari, kung sakrispisyo man po ang matatawag dito, wala po akong pagsisisi, lahat po gagawin ko para sa inyo."

Tinuro ni Ruel ang upuan habang nakatingin kay Kiefer kaya mabilis niyang hinila at naupo sa tabi ni Alyssa.

"Isang tanong lang, kayo bang dalawa ay masaya sa desisyon ninyo?" Tanong niya sa dalawa. Inabot ni Kiefer ang kamay ni Alyssa at pinisil ito.

"Itay, this may not be the usual order, marami pong stage na nalaktawan namin ni Alyssa pero gusto ko po iassure sa inyo na mayroon na po kaming unawaan na dalawa." Kiefer told him which made Ruel smile.

"Kung ganoon pala ay binibigay ko na sa inyo ang nararapat na bendisyon." Sabi ni Ruel at binuksan ang mga braso para mayakap silang dalawa.

"Thank you." Was all Lita mouthed to her husband.

++++

"Kian, ano ba inaantok pa ako. Huwag ka nga magulo." Alyssa said while swatting his hand off from her nose.

"Kulit naman Kian oh." Reklamo niya at nagtalukbong ng kumot. Ngunit hindi nagtagal ay napabangon rin siya dala ng halimuyak ng aroma ng pagkain na kumikiliti sa kanyang ilong.

"Good morning Tay, Nay." Masiglang bati niya sa magulang na abala sa panonood ng tv.

"Good morning, beautiful. Pagkain lang pala magpapagising sa'yo ha." Kiefer said and was about to reach her cheek when Alyssa stepped back.

"Good morning. Hindi pa ako naghihilamos at nagsisipilyo." Sabi niya habang nakatakip ang dalawang kamay sa bibig at kumaripas na patungo sa banyo.

"Lita, tingnan mo nga yung anak mo at hindi pa lumalabas ng banyo." Sabi ni Ruel kay Lita.

Hindi naman malaman ni Alyssa kung paano magrereact sa mga nangyayari. Napasigaw na lang siya ng walang tunog dala ng kilig bago marinig ang katok ng ina.

"Kanina ka pa Kief? Thank you, ako na." Sabi niya habang sinasalinan siya ni Kiefer sa kanyang pinggan.

"Mga 8 andito na yan Ineng. Siya nagluto ng almusal at sinamahan pa niya Itay mo maglakad lakad sa labas, exercise ng paunti unti." Sagot ni Lita.

"Naku Kief, hindi mo naman kailangan gawin lahat yun eh. May work ka hindi ba? Friday kaya today."

"No worries, Ly. Kain ng kain after nito mamalengke tayo ha?" Sabi nito habang ngumunguya.

"Stocks mo sa condo? Eh wala naman kaso kahit tanghaliin tayo, hanggang mamaya pa naman bukas ang malls 'di ba?" Sagot niya.

"Kief, sure ka talaga dito tayo? I mean pwede naman kasi sa mall na lang." Tanong niya nang itigil ni Kiefer ang sasakyan sa tapat ng talipapa.

"Ly, gusto ko pumasok sa mundo mo kaya allow me to experience everything. Tara na?" Sagot niya na siyang ikinangiti ni Alyssa.

"Kief, ano ba. Huwag na magulo hindi tayo matatapos sa ginagawa natin oh. Nagugutom na alaga ko kaya please magluto na ng maayos nang makakain na." Reklamo ni Alyssa sa kakulitan ni Kiefer.

Nagbibiruan at nagtatawanan silang dalawa na hindi nila napansin na nakamasid ang kanyang mga magulang.

"Masaya akong makita na masaya ang prinsesa natin, Lita." Sabi niya sa asawa na sinangayunan naman nito.

"Tay, Nay, kain na po tayo." Aya ni Kiefer sa dalawa.

"Aba, gumagaling ka na sa pagluluto, Iho." Puri ni Lita sa binata.

"Naku Nay, pati sa pagtatawad sa palengke marunong na yan. Eh mga 2 weeks pa lang kami niyan pabalik balik don." Pagmamalaki ni Alyssa kay Kiefer na ikinatawa nila.

"Paglalaba at pamamalancha naman sa susunod, Nay." Biro ni Kiefer.

"Ala eh balak mo bang gawing alipin itong mapapangasawa mo Ineng?" Sabi ni Ruel sa kanila.

"Paninilbihan at pagmamahal naman iyon Itay." Sagot nito na ikinainit ng pisngi ni Alyssa.

Naging malalim na ang pagkakakilala nila sa isa't-isa sa paglipas ng mga araw. Alam at ramdam naman nila na may nabubuo na rin silang espesyal na pagtitinginan iyon nga lang ay naghihintay siya na maunang magtapat si Kiefer sa kanya.

Hindi rin nagsawa si Kiefer sa pagpapakita ng mga efforts. Paminsan ay kumakain sila sa labas, nanonood ng sine, ngunit mas madalas ay mas gusto nilang tumambay sa bahay nina Alyssa at sabay natututo sa pagluluto.

Magtatanghali na nang magising si Alyssa sa tunog ng kanyang cellphone. At isang mensahe ang hindi niya inaasahang matanggap ang bumungad sa kanya.

Alyssa, this is Mozzy. Can you meet me today?

xxxx

Fate and Star  *FSA Book II* [KiefLy]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon