"A-ano?" Gulat na tanong ni Kiefer.
"Uhm, kailangang kailangan ko ng pera ngayon, malaking pera, Kief. Para kay Itay, para sa buhay niya, and I know hindi ka magdadalawang isip na pahiramin ako, kaya inuunahan na kita, pahiramin mo ako, in return papayag na ako sa gusto ng Lolo mo." Sagot ni Alyssa habang mahigpit na hinawakan ang papel.
Kiefer was having second thoughts. But the desire of having his dream business becoming a reality weighed more that moment. And he knew it was a win-win situation for Alyssa. Being married to her won't be a bad idea after all. In fact he has accepted that he has slowly fallen for her.
He removed the paper from her hand to get her attention. "Su-sure ka ba sa sinasabi mo Ly? Ayaw kong maipit ka sa sitwasyon kaya please huwag ka mag decide na hindi buo ang loob mo. I will lend you the money that you need." He told her but Alyssa looked away.
"Sigurado na ako Kief. Lahat gagawin ko para sa pamilya ko, para kay Itay. Hindi ka naman siguro serial killer o kung ano di ba? Safe naman sigurong magpakasal sayo?" She cracked a joke but still with a hint of sadness in her eyes. But she has made her decision, her freedom in exchange of her father's life. And she knows in herself that it won't take long for her to learn to love him eventually.
Ngayon pa lang nahuhulog na ako sa'yo.
"Sira, nagagawa mo pa talaga magpatawa eh. Pero sige, as much as we can, let's take things slow. I mean, prioritize things. Masyadong mabilis lahat ng to para sa'yo, sa atin."
"So anong set up 'to? May rules na bawal mainlove sa isa't isa, ganern? Ano to Kim Chiu-Xian movie?" Alyssa said laughing.
"Yan yan, challenge sa'yo talaga yan. Kaya mo kayang pigilan at i-resist charms and hot body ko?" Kiefer quipped while showing off his toned arms.
"Ay ang kapal, promise. Tara na nga at ayusin na natin 'to. Masyado ka ng swerte, ako na nga nag alok ng kasal, ako pa mauunang mainlove sa'yo." Alyssa said and pulled Kiefer towards the elevator who can't stop laughing.
"Pero Kief, whatever your rules are, sabihin mo lang at susundin ko, pero isa lang hiling ko, ayoko lang na may itatago ka sa akin na alam mong highly involved ako. Transparency, that's all I want." Kiefer gasped on what he heard. He can't seem to find the strength to tell her regarding his Lolo's offer. Maybe he'll break the news some other time.
++++
"Besh?" Bati ni Ella nang nagsabay sila ng lunch sa opisina.
"Uy, hi besh." Sagot niya sa malungkot na tono.
"Ly, kumain ka naman at magpahinga hangga't pwede, tingnan mo nga yang sarili mo, napapabayaan mo na eh." Sita ni Ella sa kaibigan. "Kamusta si Tito Ruel?"
"Okay lang ako besh. Ayun kahapon from recovery room nilipat na si Itay sa ICU. Hanggang ngayon hindi pa rin nagigising. Gustuhin ko mang pumirme doon at magbantay, kailangan kong kumayod. Hindi naman maasahan sina Kuya, may mga pamilya na rin silang kanila eh." Sagot niya na halos hindi inaalis ang tingin sa malayo.
"Kapit lang Ly, kaya yan ni Tito, kaya mo 'yan. Kaw pa ba. Nang nagpaulan ng positivity at lakas ng loob ang Diyos, gising na gising ka non eh, lahat sinalo mo." Napangiti naman ng mapait si Alyssa. Kilala nga siyang masigla at masayahin, kaya natatakot siyang ipakita na minsan nauubos din siya, na nagiging mahina din siya.
"Ano plano mo? Magfa-file ka ng loan? Samahan kita if you want." Alok ni Ella.
"Naku naman Els, kahit lahat ng loan patusin ko, kulang pa rin eh. Yung daily sa ICU, 15kyaw, yung 24 hours na lahat ng gamot ni Itay, almost 20kyaw besh."
"Seryoso besh?" Gulat na tanong ng kaibigan.
"Sana nga biro na lang lahat ng 'to besh. Pero super seryoso, may isang gamot na almost 5kyaw per shot, eh every 8 hours ata yun. May maliit na dextrose na 8kyaw, anuna teh? Saang kamay ng Diyos ko kukunin lahat ng pambayad don? Saan?" Alyssa stated in disbelief.
"Eh pano yan besh?" Nagaalalang tanong niya.
Ikinuwento ni Alyssa sa kaibigan ang plano nila ni Kiefer na halos ikinalupasay nito.
"Ang oa ng reaction mo besh." Biro ni Alyssa at hinampas sa braso si Ella.
"Hoy, Alyssa Valdez, kasal ang pinaguusapan dito at hello, 'di pa kayo ganon na magkakilala tapos ganoon agad?" Sunod sunod na protesta nito.
"Besh, kung titimbangin mo naman kasi, kasal sa not-so-stranger with no feelings at sa pagsagip sa nag-aagaw buhay kong Itay, aba, walang ka kurap-kurap besh, doon ako sa tatay ko. At handa akong magsakripisyo besh sa ngalan ng pamilya, alam mo yan." Saad ni Alyssa na pilit na ngumingiti.
Bigla naman siyang niyapos ng kaibigan. "Ang dakila mo Ly. Iba ang puso mo. Final na ba talaga yan? Wala ng ibang option? Wala ng ibang way?" She worriedly asked and Alyssa was quick to shake her head.
Ella held Alyssa's hands and smiled. "Basta besh, kung ano man alam mong nandito ako, kami ni Luigi. Reresbak kami sa lahat ng oras na kailanganin mo. I just hope besh na sooner or later, your decision will eventually make you happy in the end. Kung hindi man, knock on wood, nandito ako." She said and gave her a tight hug and a warm smile.
"Sorry besh, poorita marikit lang din tong friend mo. Waley ako anda na maitutulong. Sa moral support, dun na ako bawing bawi." Ella said and they both ended up laughing.
But at the back of her mind, she is full of questions and uncertainties to wherever and whatever this decision may lead her on. But for now there is only one thing on her mind,
Bahala na si Batman.
xxxx
sorry, super sabaw. ✌
Happy 28th of the month, KiefLy. 💙
BINABASA MO ANG
Fate and Star *FSA Book II* [KiefLy]
Cerita Pendekis love fathomable? at what extent love is still worth fighting for?