Chapter 10

1.8K 118 11
                                        

"Mauna na ako Ly, baka naiinip na si Ella. Basta ha mag text ka, okay?" Bilin ni Luigi nang humiwalay si Alyssa sa yakap.

"At please naman matulog ka naman Chong, hindi pa uso bentahan ng eyebags ngayon." Biro niya kya naman nahampas siya ng matindi. "Gago, uwi na Igiboy, ingatan mo kaibigan ko ha." Saka niya tinulak si Luigi papalayo.

Sakto namang agad na nakilala ni Luigi ang lalaking nakatikod. Hindi siya maaaring magkamali.

"Pare? Kief!" Sigaw niya.

And it was too late for Kiefer. He scratched his nape as he turned around to their direction.

"Pare. Ly." He acknowledged. Alyssa was quick to divert her attention and avoid him. "Hinahanap ko yung room eh." He said as an excuse.

"Lumagpas ka pa ata." Natatawang sabi ni Luigi. "Pero sakto lang dating mo Pre, paalis na rin ako eh. Kitakits na lang ulit." Tumango lang si Kiefer sa kaibigan na mariing tinapik siya sa balikat at bumulong ng, "Ayusin mo na yan."

Nang hindi na nila parehas matanaw ang papalayong si Luigi, tumikhim si Kiefer para basagin ang katahimikan.

"Ahm, Ly, para sa'yo nga pala 'to." Sabay abot ng bulaklak at paperbag na naglalaman ng pagkain. "Ito para sa Papa mo." Sabay nguso nya sa basket ng prutas.

"Hindi ka na dapat nag abala. Pero thank you." Tipid na sagot ni Alyssa.

Naunang maglakad si Alyssa patungo sa kwarto na siyang sinundan ni Kiefer. Maingat niyang pinihit ang doorknob upang hindi makagawa ng ingay.

"Nay, nauna na po sila Luigi, nagpasabi na lang po." Tumango si Lita ngunit ang mga mata ay nakatutok sa likod ng anak kaya bahagyang napalingon si Alyssa na siyang ikinagulat niya. "Si Kiefer nga po pala Nay, kaibigan ko po." Labas sa ilong na pagpakilala ni Alyssa.

Mabilis namang tinungo ni Kiefer ang kinauupuan ni Lita, nagmano ito. Maging sa natutulog na si Ruel ay nilapitan niya at inabot ang kamay sa kanyang noo.

Infairness naman. Irap ni Alyssa.

"Pakainin mo na muna itong bisita mo Ineng, dito kayo oh." Tatapikin na sana niya si Kian na nakahiga at nakaidlip na sa sofa, mabilis namang nagsalita si Kiefer, "Naku huwag na po, sa labas na lang po kami ni Ly, Tita kung okay lang po." Magalang niyang mungkahi.

"Oo naman. Ikaw na bahala dyan kay Ineng, iho. Pakainin mo, payat payat na niyan eh." Biro ni Lita.

"Nanay talaga oh." Pailing-iling na pigil ni Alyssa sa ina.

+++++

"Bakit ka pala nandito?" Tanong ni Alyssa nang nakaupo na siya sa baitang ng hagdan. Mabilis naman siyang tinabihan ni Kiefer kaya nag angat ito ng tingin sa kanya.

"Ly, gusto ko lang magsorry sa nangyari kagabi. Hindi ko talaga sinasadya mga nasabi ko. I'm so sorry, forgive me please?" Pagkamamakaawa niya saka nag puppy eyes.

"Ang pangit mong ganyan, Kief." Natatawang sabi ni Alyssa. Ngumiti naman ng malapad si Kiefer. "So napopogian ka pala sa akin ha, thank you, thank you."

"Ay, taas ng confidence natin Kuya. Galit pa pala ako ulit." Biglang bawi niya. Mabilis namang nahawakan ni Kiefer ang kamay ni Alyssa upang muling suyuin ito.

"Sa meralco ka ba nagtatrabo Ly?" Tanong niya na ikinagulat ng babae.

"Ha? Hindi. Bakit?" Nagtatakang tanong nito.

"Andami mong boltahe sa katawan eh." Sagot ni Kiefer, pilit na itinatago ang pagkamangha sa nararadaman para kay Alyssa.

"Har-har-har. Tatawa na ba ako niyan? Sige, pili ka." Sabi niya at inilahad ang mga daliri kay Kiefer. Imbes na sundin ito ay pinagsikop ni Kiefer ang kanilang mga kamay.

Babawiin sana ito ni Alyssa ngunit mas lalo lang hinigpitan ni Kiefer ang pagkakahawak. "Taga meralco ka rin pala eh." Saad ni Alyssa.

"It feels so good to hold your hand, Ly. Bati na tayo ha?" Sabi niya at pinisil ang kamay nito.

Alyssa nodded. Magsasalita pa sana siya nang parehas silang biglang natawa.

"Agree daw tiyan mo. Tara na nga kumain ka na muna." Alok nito at inabot ang paper bag.

"So, papanoorin mo lang ba talaga akong kakain? Kumain ka kaya." Alyssa said conscious of her actions.

"Subuan mo muna ako." Lambing ni Kiefer. "Ay, abuso na yan." Sagot ni Alyssa.

"Uy, salamat sa food ha." Alyssa said while dusting her blouse and pants.

"You're welcome. Kahit araw-araw pa." Kiefer said smiling. Alyssa's mood suddenly turned into a serious one.

"Pero Kief, yung totoo, kailangan mo talaga i-explain sa Lolo mo na mali yung iniisip niya sa atin. Masyadong nakakahiya talaga tapos yun pa gusto niya, para namang laro lang kung ipilit niya ang kasal eh." Seryosong komento niya.

"Since inopen topic mo rin naman yan, makikinig ka ba sa kwento ko?" Tanong niya na tinanguan naman ng dalaga.

"Nung first year college ako, I was fascinated and eventually got addicted to drag racing, of course kontra lahat sa pamilya ko, but me being pa cool pinagpatuloy ko. Hanggang sa isang araw naaksidente ako, hindi kinaya ni Lolo ang nangyari, kaya ayun nagka mild stroke siya. After college nagka girlfriend ako, si Trina, nainlove ang loko, napariwara. Party every night hanggang sa isang araw na discover na lang na may party drug na hinahalo sa drinks ko everytime. Lolo was devastated and even had another attack. Inakala niyang I was really doing drugs. Naging mahaba ang therapy niya, when he got fully recovered, six months niya rin akong hindi kinakausap, tinitingnan, pinapansin. Sabi ng cardiologist niya masydong mahina si Lolo to be stressed lalo na emotionally. I did everything para mapatawad niya ako at maging maayos ulit. Eventually, we did."

Tumango naman si Alyssa habang nakikinig. She never thought Kiefer has deep wounds from his past.

"Nung naging okay na kami ulit, that was when he handed me our company. Naglakas loob siyang pagkatiwalaan ako ulit. Simula noon pikit mata kong sinusunod lahat ng gusto ni Lolo. Ang gusto, oo, ang ayaw, hindi." Mataman niyang tiningnan si Alyssa.

"Alam mo bang for the first time ever na may nagustuhan si Lolo para sa akin. At ikaw yun, Ly. Unang kita pa lang niya sa'yo nung sa parking lot, kinukulit na niya ako tungkol sa'yo. Tapos ayun hindi naman natin sinasadya na nakita niya tayo sa ganong sitwasyon." Pagtatapos nito.

"So are you insinuating that there's no way out of this?" Alyssa asked, confusion drawn all over face.

"Pwede naman natin 'tong totohanin 'di ba?" Kiefer said while intently looking at her.

xxxxx

Fate and Star  *FSA Book II* [KiefLy]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon