Their lips parted as they were both panting and catching their breath, their faces shone with sweet smiles, Kiefer kissed her forehead one more time just then they heard someone cleared his throat by the doorstep.
"Tao po?" Bungad ni Luigi, nagpanggap na kunwari ay wala siyang nasaksihan. Agad namang tumayo si Alyssa at binuksan ang screen door upang papasukin ang kaibigan.
"Ly, musta ka? Si Itay mo, ano balita? Kief, bro!" Bati niya sabay tango. Sinalubong naman siya ni Alyssa ng yakap na siyang nagpakirot sa kalooban ni Kiefer.
"Pasok ka Igiboy, umuwi lang kami para kumuha ng ibang mga gamit ni Itay. Nasa ICU pa rin siya eh, pero lumalaban." Alyssa said, trying to be cheerful.
"Syempre, si Itay pa ba. Kaya smile ka na, yung abot tenga at mata." Alo ni Luigi at mahinang pinisil ang magkabilang pisngi ni Alyssa.
"O ayan, nakangiti na po." At pinakita ang kanyang pilit na ngiti. "Mag-aayos lang ako ng gamit ah, Kief, mabilis lang 'to." Paalam niya bago pumasok sa silid ng ama.
Mabilis namang tinabihan ni Luigi si Kiefer at tinapik ang tuhod nito na nagpapukaw ng atensyon nito. "Baka matunaw naman kaibigan ko sa kakatitig mo, babalik din 'yon." Biro nito.
"Kaibigan lang ba talaga tingin mo sa kanya bro?" Tanong ni Kiefer na may himig ng pagseselos.
"Ay gago, bestfriend ni Ly girlfriend ko, si Ella. Close lang talaga kami niyan eh." Turong nguso ni Luigi sa pinto na tawang tawa at pabirong sinuntok sa balikat ang kaibigan.
"Tinamaan ka na ba?" Marahan namang tumango si Kiefer kaya't naging seryoso si Luigi, nagaabang na magbahagi ng kwento ang kaibigan. Hindi naman siya nabigo at ikuwento nga sa kanya ang lahat ng mga pangyayari na mataman niyang pinakinggan at inintindi.
"Kung okay na pala kay Inay at Ella, sino ako para tumutol pa. Pero bro, huwag mo saktan ha, ako makakatapat mo." Banta nito. "Eh yung nakita ko kanina totohanan na? I mean hindi sa nanghihimasok Kief pero huwag mo lang sana i-take advantage yung sitwasyon ni Alyssa bro."
Kiefer shook his head and tapped Luigi's shoulder, "No no, hinding hindi ko gagawin yun kay Alyssa bro, don't worry, I have high respect for her and I assured Inay of it too." Sagot niya na siyang ikinapanatg ng loob ni Luigi.
++++
"Kuya Kief, sure ka ba na ikaw maiiwan dito kay Itay? Malelate lang siguro si Ate pero siya talaga nakatoka ngayon dito." Sabi ni Kian na nag-aalala.
"Oo Kian, sige na at baka mahuli ka na sa exams mo, huwag ka na magworry dito at huwag mo na rin istorbohin si Inay nang makabawi naman siya ng pahinga sa bahay ninyo." Sagot ni Kiefer habang inaayos ang mga gamit sa private room na nilipatan ni Ruel. Ligtas naman na ito ngunit kinailangan pa niyang manatili para sa masusing gamutan.
"Salamat talaga Kuya ha. Mauuna na ako at siguradong traffic na." Paalam niya at akmang tatalikod na sana nang pigilan siya ni Kiefer.
Inabutan siya nito ng isang libo, "Magtaxi ka na para iwas hassle." At mahinang tinulak ito papunta sa pintuan kaya't hindi na rin nakatanggi pa si Kian.
Nadatnan ni Alyssa si Kiefer na halatang nakaidlip sa hindi komportableng posisyon. Inihiga niya ito ng maayos sa sofa at tinanggal ang sapatos. Umupo naman siya sa bandang dibdib nito upang luwagan ang suot nitong necktie. Maingat niya ginawa yun upang hindi niya magising, ngunit nagulat siya nang hawakan at pigilan ni Kiefer ang kanyang kamay.
"Huwag dito Ly, please." Sabi niyang nakapikit pa rin ang mga mata. Mabilis naman siyang hinampas ni Alyssa, "Baliw ka talaga."
Tumawa si Kiefer habang umupo ng tuwid at tinabihan ang babae. Niyakap niya ito ng mabilis. "Namiss kita." Sabi niya na ikinangiti ni Alyssa.
"Clingy na bolero pa. Pero Kief, sana umuwi ka na agad after work, kita mo nga at pagod ka oh. Nalate lang talaga ako gawa ng traffic." Paliwanag niya.
"Hmm, wala lang 'to noh. Husband duties 'di ba?" He said and smiled genuinely but Alyssa's face turned serious in an instant.
"May nasabi ba akong mali? Sorry." Pagpapaumanhin ni Kiefer at pinagsikop ang kanilang mga kamay. Umiling si Alyssa at itinutok ang mga mata sa ama.
"What if sinabi na natin kay Itay soon yung about sa kasal tapos hindi siya pumayag? Tanong nito. "I honor my words Kief pero ayaw ko rin--"
"Ssssh... " Pagtigil ni Kiefer sa kanya. "Huwag na masyadong nag-iisip please. Ang importante yung ngayon, yung recovery ni Itay, dun na muna focus natin, maaari ba yun?" Malumanay na saad niya.
Kiefer never got tired of exerting efforts for him to be with Alyssa and her family. Making sure everything is okay. And Alyssa in return is appreciative of all those little things. Even her older brothers approved of him.
"Kief, okay lang naman na hindi ka na mag overnight dito sa hospital eh. Tingnan mo nga at hindi komportable sa likod yang extra watcher's bed na binigay eh." Alyssa said as she was cleaning off and changing the pillowcase. "Wala namang kaso Ly, no one's complaining, okay?" Sagot niya at pinisil ang ilong nito.
Lita was quietly observing them from the other side of the room. She had no regrets of giving them her whole trust. That her daughter is well taken cared of her future husband. She secretly smiled upon the thought.
"Mga anak, mauna na ako. Sa baba ko na hihintayin si Kian." Pahayag niya. Inalok pa siya ni Kiefer na ihatid na ngunit tumanggi naman na ito.
"Ly..." Nahihiyang sabi ni Kiefer.
"Hmm? Sleepy na?" Sagot niya at tinabihan siya sa sofa.
"Hindi pa naman. Uhm, free ka ba sa Saturday? Nagaaya kasi si Pappi ng dinner with the family. Gusto niya sana na dalhin kita para i-announce na rin sa lahat na engaged na tayo. Pero kung hindi ka pa ready, okay lang maintindihan ko. Ipapa resched ko na lang." Tuloy-tuloy na saad nito.
"Hey, relax. Yes, free ako and yes pupunta tayo." Sagot ni Alyssa ng nakangiti.
++++
Tanghali pa lang ng Sabado ay kabado na si Alyssa para sa magaganap na hapunan kasama ang pamilya ni Kiefer. Marami siyang agam-agam na baka hindi maging mainit ang pagtanggap ng mga ito sa kanya. Ngunit wala na rin siyang panahon para umatras pa.
Pinili niya ang simpleng knee-length black dress, pinarisan ng brown pumps at nagapply din siya kaunting make-up, hinayaan niya namang nakalugay ang kanyang buhok.
Simula nang sunduin siya ni Kiefer ay pilit itinago ni Alyssa ang kaba at pagaalinlangan niya. Hindi naman siya nagtagumpay dahil napansin iyon ng lalaki, ngunit masaya siya dahil pilit na pinapalakas ni Kiefer ang kanyang loob.
Hawak kamay silang pumasok sa restaurant kung saan napili ni Lolo Noel na pagdausan ng munting salo-salo. Hindi naman nabigo si Alyssa dahil maiinit na yakap at matatamis na ngiti ang iginawad ng mga miyembro ng pamilya ni Kiefer para sa kanya.
Nasa gitna sila ng kwentuhan habang kumakain nang may biglang kumuha ng atensyon nila.
"So rumors has it that Kiefer is really engaged. Oh Kiefer, Kiefer." Maarteng sabi ng babae.
"Siya ba?" Tanong niya. Naramdaman naman ni Alyssa ang mabibigat na tingin na nakapukol sa kanya.
xxxx
BINABASA MO ANG
Fate and Star *FSA Book II* [KiefLy]
Short Storyis love fathomable? at what extent love is still worth fighting for?
![Fate and Star *FSA Book II* [KiefLy]](https://img.wattpad.com/cover/130952310-64-k8163.jpg)