"Hmmm smells so good and delectable." Kiefer whispered in Alyssa's nape while she was brewing coffee.
"Good morning babe." Bati ni Alyssa habang abala pa rin sa ginagawa. "Parang everyday for three months ko na 'to ginagawa babe ah, napakabolero mo." Sabi niya at hinarap si Kiefer.
"Three months of blissfully married to the most beautiful and sexiest woman. Hep, hep, pwera biro babe. And I know I'm the luckiest. Plus pa yung magaling magluto and you know magaling sa--" He naughtily said while moving his brows up and down.
"Napaka mo talaga Kiefer Ravena. Set the table na please nang makapag breakfast na tayo at hindi ka mastuck sa traffic." Lambing niya sa asawa.
"Babe, ayaw mo ba talaga?" Tanong ni Kiefer habang nilalapag ang mga plato at baso.
"Ang hilig mo babe, male-late ka na kasi tapos marami rin --" Naputol ang sasabihin ni Alyssa nang biglang humagalpak sa tawa ang asawa kaya pinagmasdan niya ito hanggang sa mapagod.
"Hala ka babe. Ang green mo talaga. Ang tanong ko kasi kung ayaw mo talaga kumuha tayo ng maid para dito sa atin. Kaw babe ha." Natatawang sagot nito.
"Che. Ewan ko sa'yo." Sabi ni Alyssa na may himig ng pagtampo. Kaya mabilis siyang nilapitan at sinuyo ni Kiefer.
"Joke lang naman babe. And isa pa baka lang kasi napapagod ka na masyado sa chores dito sa bahay, eh 'di ba magiging busy ka na rin sa paghahanap ng potential site for your business?" Sabi niya at inalalayan na ang asawa na maupo na sa hapag.
"Kaya pa naman babe, may driver's license na din na ako, so kakayanin. Don't worry too much kasi, pag hindi ko na kaya magsasabi naman ako eh." Alyssa assured him.
"Basta babe ayoko lang na you'll be locked up here sa house. Go out with your friends and enjoy while tayo pa lang na dalawa. Malay natin in 2 years time lima na tayo dito sa bahay, may tatlong cute na chikiting na makukulit at hinahabol natin." Kiefer said while vividly imagining that scene on his mind.
"Grabe ka babe sa tatlo agad ah. Lahian lang?" Biro ni Alyssa. "Pero nakakakilig nga isipin yun babe nu."
"Soon babe. In God's perfect time, ipagkakaloob niya sa atin yan." Paniniguro ni Kiefer sa asawa.
++++
"Hello Ammah, Ma, Dani." Bati ni Alyssa nang pumasok sa salon. Isa-isa niya silang nilapitan at hinalikan sa pisngi.
"Ate Ly, you're late. Nag overtime pa ba kayo ni Ahia? Siguro naman magiging ganap na tita na ako niyan." Walang preno na sabi ni Dani. Pinanlakihan naman siya ng mata ni Alyssa na biglang nahiya.
"Danielle, 'yang bibig mo naman anak!" Suway ni Mozzy sa anak. Nag peace sign lang si Dani at ngumiti ng nakakaloko kay Alyssa.
"Apo, maupo ka nga rito." Aya ni Lola Lina sa kanya. "Ano ba gusto mo, foot spa, mani pedi?"
"Lahat Ammah. Syempre in 3 days time grand opening na ng bagong baby ni Ate Ly. Dapat siya pinakamaganda. Alyssa Valdez- Ravena, Zhishi Learning Institute, CEO." Singit na anunsyo ni Dani sabay palakpak sa mga sinambit.
"And speaking of baby. First wedding anniversary niyo na rin in three days, apo. Kailan niyo ba kami balak bigyan ng mga apo sa tuhod?" Biro ni Lola Lina.
"Naku, si Mama talaga. Huwag natin madaliin ang mga bata. Ly, after ng grand opening niyo hindi ba't may bakasyon kayo? Tuloy ba yun?" Tanong ni Mozzy sa manugang.
"Opo Ma, tuloy po yung 4-day vacay namin sa Balesin." Sagot ni Alyssa na halata pa ring nahihiya sa takbo ng usapin.
"That's good kasi pagbalik niyo magiging abala ka na sa business mo. And as early as now alam kong magiging successful yun." Saad ni Mozzy.
"Thank you Ma at sa inyo po lahat for helping in advertising it. We have atleast 30 enrollees to date na po simula nung soft opening." Tuwang sabi niya.
Nagtayo si Alyssa ng isang tutorial network na ang main goal ay magturo ng advance math and science sa mga batang edad tatlo hanggang labing dalawa. Simula bata ay iyon na ang kanyang pangarap kaya nagagalak siyang natupad iyon sa tulong ng asawa at ng pamilya nito.
++++
"You look so fabulous, my wife." Kiefer said in awe as Alyssa went out of their walk-in closet.
"And you look as dashing as a knight, babe. Let me fix that." Alyssa said and went near to fix his necktie.
"Hmm, huwag na kaya tayo tumuloy? Celebrate na lang natin anniversary natin babe?" Malokong biro ni Kiefer sa asawa.
Mahina siyang hinampas ni Alyssa. "Crazy, we will be celebrating naman sa makalawa babe. Why don't we hurry up na at baka mahuli na tayo sa party?"
"Sabi ko nga Mrs. CEO. Ready na speech mo babe?" Kiefer asked while offering his arm to her.
"Bahala na babe. Keri na yan sa impromptu. From the heart." Alyssa said confidently.
"What a lovely pair." Lolo Noel said as the couple made an entrance in the hall.
Alyssa felt a bit conscious and uneasy as she felt all eyes on her. Kiefer then would crack jokes to make her laugh and divert her attention. They approached their families before finally settling down to their assigned table. But one thing caught her eye.
Tracy.
But she chose not to be bothered by her presence. It was her night after all. The night was filled with sumptuous food, unlimited drinks, infectious fun and laugher.
"Ladies and gentlemen, let us all welcome on stage, Mrs. Alyssa Valdez-Ravena, CEO of Zhishi Learning Institute." The emcee announced.
Alyssa was all smiles as she stood tall, elegant and proud.
"Good evening everyone, sorry for interrupting the fun but I promise to keep this short and brief. First of all thank you for gracing the event. To my family, my in-laws, and to my husband, Kiefer, thank you babe for making my dream come--"
"Of course Alyssa. You are worth 20 million!" Sigaw ng isang babae sa isang sulok na nakaagaw ng atensyon ng lahat.
Mabilis na tumayo si Kiefer ngunit naunahan siya ni Tracy na agad inagaw ang mikropono kay Alyssa.
"Tracy please, you're drunk!" Saway ni Kiefer. Hihilain na sana nina Thirdy si Tracy ngunit nagmatigas ito.
"Hi everyone. I'm Tracy, Kiefer's ex. I'm not drunk fyi, just a little tipsy." Anunsyo niya. Pipigilan pa sana siya ulit ni Kiefer nang pumagitna na si Alyssa.
"Hayaan mo siya, Kief." Matigas na sabi ni Alyssa.
"So as I was saying my dear Alyssa, Lolo Noel here offered Kiefer 20 million for his autoshop business to compete with my boyfriend, Allen. And you know what was in trade?" Hamon na tanong niya. Tanging iling lang ang nasagot ni Alyssa.
"20 million in exchange of marrying you, right Kiefer?" Sarkastikong sabi niya.
"Tracy please stop it. Babe, makinig ka sa akin." Kiefer pleaded.
Alyssa faced Kiefer. Her eyes shone with beaming tears. "Totoo ba ang sinasabi niya?" Buong tapang na tanong niya kay Kiefer.
"Babe.." Sagot ni Kiefer at hinawakan niya ang magkabilang braso ng asawa.
"Oo o hindi lang ang tinatanong ko!" Muli ay tanong niya. "Oo o hindi?"
"O-oo."
xxxx
BINABASA MO ANG
Fate and Star *FSA Book II* [KiefLy]
Contois love fathomable? at what extent love is still worth fighting for?
![Fate and Star *FSA Book II* [KiefLy]](https://img.wattpad.com/cover/130952310-64-k8163.jpg)