Chapter 12

1.6K 108 19
                                    

Alyssa shook her head in disagreement.

"Hindi na Kief, okay lang. Kaya pa naman, makakahanap rin ako ng mahihiraman." Alyssa said while holding Ruel's hand.

"Makakahanap, so maghahanap ka pa lang. Ito na nga Ly nagooffer na ako. Hindi para sayo, para sa Papa mo naman eh." Muli ay alok ni Kiefer.

"Why are you so mabait Kief?" She asked and sat on the sofa. Sinundan naman siya ni Kiefer at tinabihan.

"Hangga't makakatulong, tutulong. Hangga't may buhay na kayang i-save, issave. That's reason enough." Alyssa tapped Kiefer on his shoulder, "Magsasabi ako kung kailanganin ko, but--"

"No more if's, no more but's. And that's final." Kiefer said to which Alyssa chuckled.

"Wow, jowa lang ang peg?" Biro niya.

"Well, papasa ba?" Balik na biro niya na ikinatawa nila parehas.

++++

"Tay, laban lang ha. I'll see you later after your surgery at kapag masisimulan na dialysis ninyo, bubuti na po pakiramdam niyo." Lambing ni Alyssa sa ama habang naghihintay ng oras na ililipat na si Ruel sa Operating Room.

Ruel smiled sweetly. "Naku ang unica hija ko, naglalambing. Oo naman, ako pa ba, atapang atao kaya si Itay." Sabay naman silang napalingon ng makarinig ng katok.

"Uy Kief." Alyssa greeted.

Kiefer smiled. "Good afternoon po. Hi Ly." Kiefer answered and approached Ruel for some blessing.

"Kaawaan ka ng Diyos, ay kapogi naman ng batang ito. Galing talaga pumili ng anak ko ah." Komento ng matanda na ikinapula ng pisngi ni Alyssa.

"Hala si Itay oh. Si Kiefer po, kaibigan ko po Tay." Nahihiyang pagpapakilala ni Alyssa.

"Naku 'tong dalaga ko marunong ng mag deny." Kinuha naman niya ang isang kamay ni Alyssa at sabay na kinuha ang isang kamay ni Kiefer, "Hindi man kita nakilala ng lubos Iho, sana kung ano man ang mangyari, alagaan mo itong nagiisa kong prinsesa ah. At ikaw Ineng, ano man mga gagawin mong desisyon sa buhay, ang isipin mo lang lagi ay iyong hindi ka naaagrabyado o kaya ay wala kang naapakan sino man." Seryosong bilin ng ama.

"Tay, dami niyo pong sinabi. Yung totoo, manghuhula na rin kayo ah." Biro ni Alyssa, pilit na itinatago ang biglang pagkalungkot sa mga nadinig mula sa ama. Ayaw niyang isipin na isa iyong pagpapahiwatig. Hindi niya kakayanin.

"Makakaasa po kayo, Sir." Sagot ni Kiefer na ikinainis ni Alyssa. Ramdam niya ay sinasakyan pa nito ang biro ng ama. At marahil ay umasa pa sa mga bagay na imposible.

"Naku Iho, tawagin mo akong Itay." Saad ni Ruel na ikinangiti ni Kiefer. Magaan ang loob nito sa lalaki, maging sa ina ni Alyssa na una na niyang nakilala ay masaya rin ang pakiramdam nito. Na tila ay matagal na niya itong nakilala at nakasalamuha. Kaya't hindi na siya nagtataka na masayahin si Alyssa, payak man ang buhay nila ay makikitang malakas at matibay ang ugnayan ng pamilya nito. Isang bagay na hindi niya madalas maranasan. Kumpleto at masagana man ang pamilya nila, madalang naman silang nagsasama sama gawa ng kanya kanyang kaabalahan sa nga negosyo at hanapbuhay.

"Tay, kapit lang. Pakatatag po kayo." Huling sabi ni Alyssa nang ipinasok na sa OR ang ama.

"Nay, kalma lang ha." Sabi nito sa ina na bakas ang pag-aalala sa mukha. Niyakap naman siya ng ina at ginawaran ng ngiti, "Doon lang ako sa chapel maghihintay, nak ha? Isasama ko na lang si Kian, okay ka lang ba dito?"

"Sige po Nay, dito lang po ako baka sakaling may kailanganin sila. Kumain po kayo kung nagugutom ha?" Muli ay paalala nito.

Naging matumal ang galaw ng orasan, ang bawat segundo ay tila hindi lumilipas.

"Ly, relax." Kiefer said as he handed her a drink.

"Gatas talaga, Kief? Thank you." She said as she took a sip.

"Baka kasi kung kape eh makadagdag pa sa nerbyos mo, ako pa sisihin mo eh." Biro nito kaya't nahampas siya. "Loko ka talaga eh."

"Nahawa na nga yata ako sa kabaliwan mo eh." Sagot ni Kiefer.

"Tingin mo, nakasama ba o nakabuti yun?" Tanong niya.

"Tingin ko nakabuti, at least hindi na masyadong pormal ang dating ko. Dito ka nga at maupo, para kang naghihintay ng nanganganak eh."

"Ewan ko sa mga hirit mo, Kiefer." At saka siya umupo na sa bench habang pinaglalaruan ang tetra pack ng gatas sa kamay.

He bumped his shoulder to hers, "Relax, breath." Bilin nito na siyang ginawa ni Alyssa.

"Thank you Kief ha. Pero hindi mo naman kailangan na samahan pa ako eh. Hassle yun." She said while she was trying to fight her drowsiness.

"Nandito ako kasi gusto ko." He answered. Nakita niya namang unti-unti ng hinihila ng kaantukan si Alyssa kaya't isinandal niya ang ulo nito sa balikat niya.

Bakit ba para kang magnet na hinihila ako papalapit sa iyo. At bakit parang ang sarap sa pakiramdam to stay this close to you.

Time has passed and they didn't notice they both fell asleep. Only to be awakened by a loud alarm.

Napabalikwas si Alyssa sa narinig na siyang nagpamulat rin kay Kiefer. Hindi niya halos mabilang kung ilang mga nakaputing uniporme ang kumaripas ng takbo patungo sa OR.

"Kief, anong nangyayari?" Balisang tanong niya.

"Wala rin akong ideya, Ly. Maghintay na lang tayo." He assured her. Sakto naman na bumalik na si Lita at Kian na may mga takot din na bakas sa mukha.

Ilang minuto pa ang lumipas at kanilang hinintay bago pa may lumabas na nurse.

"Watchers po ni Mr. Ruel Valdez?" Anunsyo ng nurse at mabilis namang iniangat ni Lita ang kanyang kamay.

"Ma'am, sunod po kayo sa akin, may ipapaliwanag lang po si Doc sa inyo." Saad niya.

"Lita, Alyssa.." Bungad ni Doctor Lopez. "During operation kanina, dalawang beses na nag cardiac arrest si Ruel kaya nag alarma ng code blue kanina." Napakapit naman si Lita sa braso ng anak habang si Kian at Kiefer ay tahimik lamang sa kanilang likuran.

"Mga ilang minuto rin na nagflat line si Ruel, zero BP, zero pulses, but we did everything to revive him. Tinubuhan namin siya sa bunganga, or what we call endotracheal at nakahook siya sa mechanical ventilator. Sa ngayon stable naman na si Ruel, iyon nga lang nakadepende siya sa machine. Ililipat siya mamaya sa ICU, so I want you to have this arrange." At iniabot niya ang iilang papel kay Alyssa.

Mga papel na consent forms at ang initial billing na kailangan niyang maiayos agad upang mailipat ang ama. Napasinghap naman siya sa numerong nakita.

Naunang lumabas si Alyssa at agad naman siyang sinundan ni Kiefer. Nadatnan niya itong tulala sa isang sulok. Hinila niya ito upang parehas silang makaupo.

"Ly, iiyak mo kung gusto mo. Ilabas mo ang lahat ng nandiyan. Hindi kabawasan ang pagiging mahina. Kung puno na, bawasan mo. Ibahagi mo sa akin, makikinig ako. Nandito ako." Usal ni Kiefer at niyakap ito.

Niyakap siya pabalik ni Alyssa na nagsimula ng humagulhol. Hinayaan niya lamang ito, alam niyang walang katumbas na salita ang makakapagaan ng nararamdaman nito.

He gently caressed her hair and her back until her sobs went silent. Alyssa pulled away and faced him.

"Kief, marry me."

xxxx

Fate and Star  *FSA Book II* [KiefLy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon