Chapter 21

2K 101 16
                                        

:p

"Hi babe!" Kiefer excitedly said as Alyssa hopped in the car and gave him a peck on the cheek.

"Sorry babe. Tinanghali ako ng gising tapos dami pa ginawa eh. Nakakahiya naman kina Pappi at late na tayo." Saad ni Alyssa habang inaayos ang seatbelt nito.

"Okay lang yan babe. Pero once we're married na, I am giving you the option to stop working na babe--"

"And be a plain boring housewife?" Alyssa interrupted. Kiefer held her hand and squeezed it.

"Babe, patapusin mo muna kasi ako. I was about to say na you can stop working and have your own business. At least babe hawak mo oras mo plus you can practice your degree pa, 'di ba?" He softly replied.

"Sorry. Pero tingnan na lang natin babe."

++++

"Kief, Ly will follow Chinese Traditions for the three most important occasions, but after that I'm giving you both the freedom to follow kung ano man gusto niyo." Lolo Noel told the couple.

Tumango naman si Kiefer na ginaya na rin ni Alyssa, clueless man sa mga nangyayari ay susunod na rin siya sa mga kagustuhan ng matatanda.

"Iha, write down your complete birthdate and sa parents mo, and also your grandparents' pala so Pappi can identify which date is the best one for your wedding." Ammah told Alyssa.

"So the three important occasions are 1. Kiu Hun or pamamanhikan, 2. Ting Hun or engagement and 3. Kan Chiu or wedding ceremony. These are all new to you but don't worry I will guide you on every step of the way." Noel assured them na nginitian na lamang ng dalawa. Maging si Kiefer ay hindi ganoon ka familiar sa nga tradition na nabanggit.

Halos dumugo naman ang ilong ni Alyssa ng nabasa ang mga papel na ibinigay sa kanya.

"Okay ka lang babe?" Tanong ni Kiefer nang sinilip niya si Alyssa na nakakunot ang noo kaya mahina niya itong minasahe.

"Okay naman babe. Focus on driving. Medyo toxic pala 'to." Tukoy niya sa binabasa niya.

Tumawa naman si Kiefer at kinuha ang kamay niya. "Maitatawaid natin lahat ng yan babe."

"Oo naman babe. For Pappi's happiness." Positibong sagot ni Alyssa na ikinangiti ni Kiefer. Hindi siya makapaniwalang ang babaeng mahal niya ay kaya ring mahalin hindi lang siya kundi ang buo nitong pamilya.

"Nay, bihis muna ako at maghahanda na matulog. Magpahinga na rin kayo ni Itay ng maaga ha." Bilin ni Alyssa sa ina nang makauwi na ito.

Nagsisipilyo si Alyssa ng nagsasalita si Ruel kaya nagmadali siyang lapitan ang ama.

"Ano po sabi niyo Tay?" Tanong niya rito.

"Sabi ko huwag na kaya ituloy ang kasal niyo ni Kiefer." Ulit niya at napanganga naman si Alyssa sa narinig.

"Bakit naman Ruel? Hindi ba't engaged na nga sila at napagusapan na ang lahat? Nakakahiya naman sa kanila. Ano ba ang nagpabago sa isip mo?" Takang tanong ni Lita.

Winagayway niya ang mga papel na kanina lang ay hawak ni Alyssa kaya natawa ito na siyang ikinahagikhik din ni Ruel. Hindi naman alam ni Lita kung ano ang nangyayari kaya tumikhim siya upang makuha ang atensyon nila.

Bigla naman natigil si Ruel at ipinakita sa asawa ang mga papel. "Tingnan mo naman kasi Lita, ang daming kailangan ihanda. Mga pomelo, chinese hopia, chinese misua, mga alahas, at kung ano pa na hindi natin alam saan matatagpuan. Tingnan mo at lalakad pa ng pabaliktad si Ineng at iikot ng tatlong beses, hindi kaya mapano ka nito anak?" Malokong biro ni Ruel habang binabasa ang mga nakasulat.

"Naku kayo talaga na dalawa. Sundin na natin at hindi naman yan ikakapahamak ni Ineng yan." Sabi ni Lita at mahinang hinampas si Ruel at sinuway ito.

"Si Inay talaga napakaseryoso. Ginu-good time lang kayo ni Itay eh. Okay na po mga yan. Huwag na po kayo mag worry." Paniniguro niya sa mga magulang.

Lahat ay naging abala sa paghahanda para sa sunod sunod na mga okasyon para kina Kiefer at Alyssa. Bukod sa mahaba ang mga proceso na kanilang sinunod ay masyado itong detalyado. Laking tuwa lang nilang dalawa na bawat isa sa pamilya nila ay handang tumulong.

"Finally babe, three days after the wedding and we're free from all the stress at sa lahat ng pinagawa sa atin nina Pappi." Kiefer happily announced while they were on their way to their own home.

"Ikaw talaga babe. Medyo ang dami nga nun pero importante masaya lahat. Pero sa wakas talaga makakapagpahinga na tayo." Sagot ni Alyssa.

"At sino po nagsabi? Pahinga what? It's hubby and wifey time babe." Tukso ni Kiefer saka nagpacute sa asawa kaya agad siyang nakatanggap ng hampas.

"Aba cariño brutal pala gusto mo babe ah." Muli ay biro niya. Hahampasin pa sana ulit siya ni Alyssa ngunit maagap niyang nahuli ang kamay nito kaya't ipinagsikop niya ang kanilang mga kamay.

"Joke lang babe. Take all the time to rest that you'll need. Willing to wait naman po ito. Pero on a serious note babe, now that we're married and living on our own, ayoko na maging submissive ka ha. Do what will make you happy, where you will be comfortable and where you can spread your potentials, I promise to be as supportive as I can be." Kiefer said and pinched her nose.

"Thank you babe. Ngayon pa lang yata I'm a spoiled wife na eh." Sagot ni Alyssa na may mga ngiti sa labi.

"Home sweet home!!" Kiefer beamed as they got in to their 2-storey house. Bawat sulok at disenyo nito ay inangkop sa feng shui sa pamumuno ni Noel. Everything for abundance, good fortune and fertility.

It has 3 bedrooms. A big lawn enough to build a playground and a treehouse for their future kids. Noel talked non stop of his excitement of having future grandchildren from the couple.

Alyssa was startled when Kiefer hugged her from behind while she was in front of the vanity mirror and doing her nightly beauty regimen.

"Tired babe?" Kiefer whispered. Alyssa stared at their reflection, shook her head and gave him a shy smile.

Kiefer smiled back and was about to pull away. Alam ni Alyssa na nirerespeto ni Kiefer ang desisyon niya ngunit ayaw naman niyang madismaya ito.

She turned around and face him. She traced the corner of his eyes down to his jaw and placed her palms in his toned abs.

"Babe..." Kiefer said almost inaudible, obviously turned on to what his wife was doing.

Alyssa nodded.

"I love you, Ly. I love you." Kiefer said and kissed every part of her.

xxxx

patawad sa kasabawan :*

Fate and Star  *FSA Book II* [KiefLy]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon