"Kief, ano ba. Pumirme ka nga muna 'nak. Hilong-hilo na ako sa pabalik-balik mong lakad. Alyssa will be okay." Mahinahong sabi ni Mozzy sa anak at tinapik ang upuan sa tabi niya.
"I'm just shaking off the alcohol in my system, Ma. Inuwi ko na talaga dapat si Ly kanina nung napansin kong matamlay siya eh." Sagot nito sa ina at umupo na rin.
"You think she's pregnant na Ahia? I think she is." Dani interrupted.
"We can only be sure once she'll do the test. But I'm really hoping she is." Mozzy replied and pat Kiefer's leg.
"Be-babe...?"
"Babe! Are you okay? You need anything?" Tarantang tanong ni Kiefer nang hinawi ang kurtina kung nasaan ang misis nito.
"Babe, relax. Okay lang ako. Sorry kung pinagalala kita ha. Ma, pasensiya na po." Sabi niya nang sumilip ang biyenan at ngitian siya.
"Ma'am, excuse me po. If naiihi na po kayo, pa collect po ako ng mid-catch urine for laboratory examination." The nurse instructed her.
"Kief, okay lang ako. Kaya ko na 'to. Wala naman akong dextrose eh." Natatawang sabi ni Alyssa nang akmang papasok din sana si Kiefer sa banyo kaya wala na rin siya nagawa at sumunod sa gusto nito.
"Babe..." Bulong na tawag ni Alyssa nang sumilip sa pinto at sumenyas na lapitan siya kaya naman nataranta naman si Kiefer at mabilis na pumunta sa asawa.
"Babe, favor naman oh. Uhm, pabili ng sanitary napkin and wet wipes please. Sorry.." Sabi niya sa mababang boses.
++++
"Besh, alam ko naman malakas appetite mo pero ang oa lang yung ngayon. Daig mo talaga construction worker." Pabirong komento ni Ella kay Alyssa nang minsang magkayayaan sila na kumain sa labas.
"Grabe ka besh. Ang mean mo sa mga construction worker makahusga naman 'to oh." Irap ni Alyssa habang ngumunguya.
"Besh, hindi kaya may laman na yan?" Nguso niya sa tiyan ng kaibigan. "Kaya naman pang limang tao na yang appetite mo."
"Gusto kong umasa besh pero ang sakit lang na every pregnancy test ko negative ang results eh. Dalawang buwan na lang besh, second year anniversary na namin."
Dismayadong sabi niya.
"Eh ano 'yan, napapagod na kayo sumubok ni Kiefer? Ganon ba besh? Nasaan na ang kaibigan kong puno ng positivity sa buhay, na lahat kayang ilaban at pagtiisan?" Tanong niya na nakapalumbaba at masusing tinititigan ang kaibigan.
"Hindi naman sa ganon besh, pero kasi parang lahat naman ng payo ng OB ko sinunod ko naman eh. From proper diet, proper exercise, yung nirekomenda niyang folic acid at ibang vitamins, kahit nga fertile days ko binilang na namin sa kalendaryo besh eh. Hindi naman ako stressed besh pero bakit kasi?" Kibit balikat niyang tanong saka tinuloy ang pagkain.
"Malay natin besh, this time positive na lalabas na resulta. Ganito, ako bibili ng kit, deal?" Pangungumbinse niya rito. Wala na rin nagawa si Alyssa sa pamimilit ni Ella kaya't hinayaan niya na ito.
"Go na besh, dito na kita hintayin sa sala ha." Panunulak ni Ella sa kaibigan nang marating nila ang bahay ng mag-asawa.
"Makatulak naman besh, ang excited. O siya, panhik na ako, I'll be back. Feel at home." Bilin ni Alyssa.
"Oh, wait lang naman besh!" Sigaw ni Alyssa mula sa loob ng banyo ng sunod-sunod na katok ang narinig niya. Hindi rin nagtagal at lumabas na siya. Nakayuko at ang mga mata ay nakatutok sa hawak-hawak na pregnancy kit.
"Sabi ko sa'yo besh, ayo--" Hindi na niya natapos ang sasabihin nang maramdaman ang init ng brasong pumulupot sa kanya. Niyapos niya iyon at kinagat ang pang ibabang labi upang pigilan ang mga luhang gustong kumawala. Bumitaw siya sa yakap at pilit na ngumiti.
"Si Ella kasi babe, mapilit eh. Kanina ka pa ba? Maghahanda ako ng pagkain sa baba, magpalit ka na muna." Pilit na lihis niya sa usapin at handa na sanang umiwas.
Mabilis siyang nahawakan ni Kiefer at hinatak muli. "We can always try, babe, 'di ba? Hindi ka pa naman sawa na ako na muna baby mo?" Tanong nito. Hinawakan ng asawa ang kanyang mga pisngi at mahinang pinisil ito. "Of course babe, we won't. At hinding-hindi ako magsasawa sa'yo noh." Sabi niyang nakangiti.
"So pwede na natin simulan ang round one agad?" Pilyong biro ni Kiefer at pabirong maghuhubad na ng pang-itaas nito.
"May Ella na naghihintay sa baba babe. Mamaya na 'yang masamang balak mo." Tugon niya at mabilis na hinalikan ang asawa. Inasar niya pa ito nang hinimas niya ang alaga ni Kiefer na nagbabadyang kumawala. At bago pa man makapag react ang asawa ay mabilis siyang tumalikod at lumabas ng pinto.
"Babeeeeee, panagutan mo 'to mamaya." Nguso ni Kiefer. Natatawa namang bumaba ng hagdan si Alyssa at pinuntahan si Ella sa sala.
"Told ya besh, I didn't want another heartbreak. Negative eh." Naiiling na sabi niya at pinakita ang test kit.
"Besh what if kung magpacheck-up kayong mag-asawa? I mean, you know baka may better options to help you conceive or baka may bagong imbentong position for a winning shot. Para naman ma-share mo sa akin ang tips." Natatawang suhestiyon ni Ella upang maibsan ang dismaya na halatang-halata sa mukha ni Alyssa.
Hindi naman siya nabigo dahil natawa nga si Alyssa at nakatanggap pa ito ng hampas mula sa kanya. "Dual purpose ka din makasuggesst besh ah. Pero you think papayag si Kief?"
"Why wouldn't I, babe?" Dagling sagot ni Kiefer mula sa may hagdan. Tumabi siya sa asawa at kinuha ang kamay nito. "Wala namang mawawala kung magpapatingin tayo eh."
++++
"Mrs. Ravena, your transvaginal ultrasound yield no significant findings, your reproductive system is very much healthy." The Ob-gyne informed Alyssa as she scanned through the official reading.
"I will just prescribe you additional supplements." She informed. Nakahinga naman ng malalim si Alyssa sa narinig. Marahil nga hindi pa tama ang panahon.
She was full of hope as she went out of the clinic. At dahil hindi pa siya nakakatanggap ng tawag mula sa asawa ay nagdesisyon siyang puntahan ito sa kabilang clinic. Nang makita siya ng sekretarya ay agad naman siyang sinenyasan na tumuloy sa loob at tinabihan si Kiefer.
"Oligospermia or low sperm count, ibig sabihin Mr.Ravena, you produce less than 15million of sperm per ml. Kaya medyo---"
"Doc, are you saying that I am infertile?"
xxxx
BINABASA MO ANG
Fate and Star *FSA Book II* [KiefLy]
Kurzgeschichtenis love fathomable? at what extent love is still worth fighting for?
![Fate and Star *FSA Book II* [KiefLy]](https://img.wattpad.com/cover/130952310-64-k8163.jpg)