Hinihingal na lakad takbo si Alyssa patungo sa sakayan ng jeep. "Loko yung lalaking yun ah, 15 thousand. Sira ulo talaga." Sabi niya sa sarili.
At dating gawi, 1-2-3 na naman ang ginawa ng dalaga na painosenteng bumaba sa kanyang destinasyon.
Nagbibilang siya sa kanyang isipan ng mga babayarin niya sa buwang iyon nang may biglang umakbay sa kanya.
"Ay unggoy!" Gulat na sabi niya saka winaksi ang kamay na nasa balikat niya.
"Grabe naman milabs, unggoy talaga? I'm hurt!" Sagot ng lalaki.
"Hoy Jovee ha. Tigil tigilan mo ako sa mga ganyan mo. Pwede ba amoy alak ka."
"Hindi naman ah. Teka nga bakit ganyan itsura mo milabs? Mahangin ba sa labas?" Panunukso nito.
"Naku may tinakbuhan na naman yang pinagkakautangan." Singit nung isang ale.
"Aba Manang Letty, spokeswoman na ba kita ngayon? Bahala nga kayo riyan." Irap nito sa dalawa.
Nilakad niya ang ikalawang palapag ng tenement. Ang kahabaan ng daan bago matungo ang kanilang unit ay kanya kanyang hilera ng mga tambay na umiinom, mga batang naglalaro, mga ginang na nagtsitsismisan, mga kabataang naghaharutan. Na animo'y walang mga iniinda na problema sa buhay.
"Hello!" Masayang bati niya pagkabukas ng pintuan nila.
"O nariyan ka na pala anak. Kaawan ka ng Diyos." Bati ng ina nang nagmano ito.
"Si Itay po, Nay?" Tanong nito habang sinisilip kung anong makakain sa la mesa.
"Natutulog, ineng. Gutom ka ba? Kian, umutang ka nga muna sa tindahan sa--"
"Ay Inay, busog pa po ako. Sinilip ko lang para mapagisipan ko kung anong masarap na iuulam mamayang gabi." Pagpapanggap nito.
"Pwede ka na nag artista Ate." Biro ng nakababatang kapatid na si Kian sa kanya.
"Che!" Sagot nito. "Uy Kian tulungan mo na kasi ako magbenta nitong mga herbal na gamot na to oh. May porsyento ka, pambaon mo din yun!"
"Hay naku Ate, tigilan mo kasi yang mga networking na yan. Ni hindi mo nga nababawi puhunan mo eh. Asan na yung mga werpa, payaman mong sinasabi noon?" Natatawang tukso ng kapatid.
Tinapunan lang ito ng tingin ni Alyssa. Sising sisi siya na nagpaudyok siya sa kaibigan na bading kaya napasali siya at napagastos ng limang libo. Ang pangakong dodoble na kita ay hindi kailanman nangyari makalipas ang tatlong buwan.
"Alyssa!" Sigaw ng boses na kumakatok sa kanilang pinto. Pinagbuksan naman ito ni Kian.
"Ate mo?" Tanong ng lalaki at saka tuluyang pumasok.
"Ly-Ly!" Bati ng lalaki kay Alyssa na ikinasim ng mukha nito.
"Igi boy!" Bati niya sa lalake at saka hinila ito palabas ng kanilang tahanan.
"At bakit ka nandito ha? Wala pa akong ibabayad sa'yo." Bulong ni Alyssa kay Luigi.
"Grabe, feeling mo talaga maninigil ako eh. May trabaho ka ba mamaya?" Tumango naman si Alyssa.
"Nagyayaya si Paolo sa party ng kaibigan niya mamaya. Sumama ka baka marami kang mainvite doon. Eh di solve na yang problema mo."
"Anong oras ba yan? May trabaho ako ng 10pm eh. At isa pa ayaw ko ng maginvite sa networking na yan, gusto ko na lang madispose yung mga gamot. Sayang naman kasi. Mabawi ko lang puhunan ko tapos babayaran ko na utang ko na four thousand sa'yo."
"Huwag mo na kasi isipin yung utang mo sa akin Ly." Nakangiting sabi ni Luigi.
Nagliwanag naman ang mukha ni
Alyssa sa nadinig."Uy seryoso ka Lui? Thank you!" At bigla niyang niyapos ang kaibigan.
"Ay teka naman. Hindi ko sinabing thank you na yon ano. I-date mo kaibigan ko Ly, isang gabi lang."
Bigla namang nagbago ang timpla ng mukha ng dalaga.
"Eh loko ka pala. Wala akong panahon dyan uy."
"One date tapos quits na yung 4 thousand." Alok muli ng lalaki.
"Seryoso?" Hindi makapaniwalang tanong ni Alyssa at tumango naman ang lalaki bilang tugon.
"Dadaanan kita mamaya 8pm. Tapos ako na rin maghahatid sa'yo sa trabaho." Sabi ni Luigi at saka tuluyang umalis.
Wala nang nagawa si Alyssa. Sayang rin naman kung hindi niya madidispose ang mga gamot.
Nang alukin siyang sumali sa negosyo ay hindi niya akalaing mapapasama siya. Ang tanging hangad lang naman niya ay kumita ng ekstra maliban sa sinasahod niya bilang call center agent, makakatulong sana iyon para sa mga gamot ng ama.
Simula nang magasawa ang dalawang nakakatandang kapatid ay inako na niya ang responsibilidad sa mga magulang at sa isang nakababatang kapatid.
At gaya ng napagusapan, bago mag alas otso ay naroon na si Luigi upang sunduin siya.
Pababa na sila ng tenement nang makasalubong nila ang makulit na si Jovee.
"Aray milabs, sakit talaga. Pwede naman kasi talaga tayo na lang eh." Pilyong sabi ni Jovee na ikinatawa ng magkaibigan.
"Sira ka talaga Jovs. O siya mauna na kami ha." Paalam ni Ly.
"Ingat kayo milabs. Pare, ingatan mo yan ha." Bilin nito kay Luigi na siyang tinanguan lamang.
Naging mahaba ang byahe nila papuntang party. Kaya napili nilang magkwentuhan muna.
"So bakit kailangan ng date ng kaibigan mo ha Igi boy? Siguro pangit siya noh?" Paninimula ni Ly.
Natawa naman si Luigi. "Sige sabihin mo sa akin yan ulit pagkatapos ng date niyo sa Sabado. Baka biglang bawiin mo yan eh." Hamon nito na natatawa.
"Eh bakit nga kasi kailangan ng date? Basta ayoko umeffort ha. Simpleng dress at ayos lang, okay na."
"Eh kailangan lang na may maiprisinta siyang babae sa family dinner nila. Bahala ka chong, mataas naman tiwala ko sa kagandahan mo eh." Biro nito kaya siya nakatanggap ng batok mula sa kaibigan.
"Siguraduhin mo lang hindi manyakis yang kaibigan mo ha. At isa pa ikaw magsusundo sa akin ha."
"Asa ka namang mamanyakin ka non." Hirit ni Luigi.
"Chonggo ka talaga. Ulol!" Sabay hampas nito sa lalaki.
The usual party, matao, maingay. Agad nilang tinungo kung asan si Paolo.
"Uy mga chong. Tara dito, kain muna." Bati ni Paolo sa dalawa.
Matapos kumain ay sinenyasan ni Luigi si Alyssa na sumimple nang buksan ang topic ukol sa mga gamot. Tumayo naman si Alyssa at nagpaalam muna na magbabanyo.
Pagkalabas niya ng banyo ay mabilis siyang naglakad pabalik sa mesa ng mga kaibigan nang may mabangga siyang hindi niya inaasahan na makikita muli.
xxxxx
BINABASA MO ANG
Fate and Star *FSA Book II* [KiefLy]
Cerita Pendekis love fathomable? at what extent love is still worth fighting for?