Antok na antok pa si Alyssa bago pa man matapos ang kanyang shift. Bukod sa kulang na siya sa tulog ay lutang rin ang isip niya sa lahat ng mga nangyayari.
Nagmamadali siyang lumabas ng gusali ng Technohub, gustong gusto na niyang makauwi at matulog ng ilang oras bago niya palitan ang kanyang ina sa pag wawatcher sa kanyang Itay.
Napakusot siya ng mata ng may mahagip siya na isang pamilyar na pigura. Napakurap kurap pa siya ng ilang beses.
Either antok o kaya gutom ka na Alyssa o talagang naiinlove ka na sa lalaking yun.
Napailing na lang siya sa naisip.
Nagpatuloy siya ng lakad at binalewala lamang iyon nang may nagsalita sa kanyang likod.
"Hi wife." Sabi nito ngunit hindi pa rin niya iyon nilingon.
"Ay hindi man lang namamansin yung mapapangasawa ko oh." Ulit nito sa mas malakas na boses kaya agad niya itong nilapitan at mabilis na tinakpan ang bibig.
"Kiefer naman eh. Shut up nga at baka may makarinig sa'yo." Maktol ni Alyssa na hindi pa rin tinatanggal ang kanyang kamay.
Kinuha iyon ni Kiefer at pinagsikop ang kanilang mga kamay. Dinala niya iyon sa kanyang dibdib.
"Ouch, ngayon pa lang kinakahiya mo na ako? I'm hurt Ly." Kiefer said while pouting.
"Hay nako Kiefer, tigilan mo ako. Antok na antok na ako, kaya please huwag ngayon." Seryosong sabi ni Alyssa.
Nginitian naman siya ni Kiefer at pinisil ang ilong nito na lalong kinainis ng babae.
"Uwi na ako, Kief." Walang gana niyang paalam.
"Ay, strike two ka na sa pananakit ng damdamin ko ah. Pumunta ako dito para sunduin ka tapos wawalk out-an mo lang ako?" Sabi niyang may himig ng pagtatampo.
Alyssa smiled and felt flattered.
"Linawin mo kasi agad." Sagot nito at tinungo agad ang kotse ni Kiefer.
"Kief, hindi sa feeler ako ah, pero hindi mo naman ako kailangan sunduin eh. Ang aga pa oh, tinulog mo na lang sana." She said while fixing her seatbelt.
"Ang cute mo. Pero wala namang kaso, gusto ko gawin to." Kiefer answered and flashed a smile.
"Thank you."
++++
"Kief? Bakit nandito tayo sa condo mo?" Buong pagtatakang tanong ni Alyssa nang magmulat ng mata.
"Eh tinulugan mo ako, paano ko kaya malalaman address niyo?" Sagot ni Kiefer habang pinapark ang kotse.
"Ay sorry. Sige na, uwi na ako." Paalam niya at agad naman siyang nahawakan sa braso ni Kiefer.
"Sayang pa ang oras ng ibabyahe mo, traffic na. Akyat na muna tayo nang makatulog ka tapos--" Agad naman siyang hinampas ni Alyssa na ikinagulat niya.
"Hoy Kiefer ha, yang mga binabalak mong mga ganyan ha." Putol nito na ikinatawa ng lalake nang mapagtanto ang iniisip ni Alyssa.
"Ano? Concerned lang yung tao sa'yo. Ikaw Ly ha." Sabi nitong nanunukso, napatampal naman si Alyssa sa noo at bigla itong nahiya.
"Sabihin mo kasi agad." Nahihiyang sabi niya at hinampas muli ito.
"Isang hampas, isang kiss. Nakakarami ka na ah." Sabi nito habang hinihilot ang braso na inirapan lang ni Alyssa.
++++
"Sleep in my room, Ly." Kiefer told her soon as they got in.
"Hindi na Kief, okay na ako sa sofa." She answered while untying her shoelaces.
"Sasakit lang likod mo dyan Ly, it's more comfortable in my room. I'll be leaving in fifteen minutes, may breakfast meeting ako eh."
"Kitams, naabala pa kita." Alyssa said apologetically.
Kiefer held her hand and walked her towards his bedroom. "Sleep now, wife." He said as he opened the door for her. Alyssa did not protest anymore.
"Thank you." She said as she faced him.
"Stop over thinking and worrying too much, okay?" He told her and kissed her on her forehead. And before Alyssa could even react, Kiefer was quick to shut the door.
Ang mokong nun ah. In fairness, sweet naman pala ang lalaking yun.
"Thank you, Ly." Rinig niyang sigaw ni Kiefer sa labas ng silid na ikinatawa niya.
Napasarap ang tulog ni Alyssa kaya't nataranta siya ng maalimpungatan bandang alas tres ng hapon. Umusbong ang pagaalala sa amang nagaagaw buhay sa ospital.
Pagkalabas niya ng kwarto ay may nakita siyang post it note sa pinto.
Hi, sleepyhead. Reheat the food I left in the microwave. See you later, wife. -KR
Alyssa smiled upon reading it. And smiled a bigger one when she saw the food he prepared for her.
++++
"Kian, si Inay?" Tanong ni Alyssa sa kapatid nang marating ang watcher's area ng ICU.
"Bumaba lang Ate, may pina charge na gamot sa pharmacy eh." Sagot nito.
"Wala ka na bang klase? Kumain ka na? Si Itay kamusta?" Tanong nito at tinabihan siya.
"Huwag ka na masyado mag-alala Ate, magiging okay din si Itay." Sabi ng kapatid.Hindi na umimik si Alyssa hanggang sa sikuhin siya nito kaya't napatingin siya kay Kian na may nginungusong direksyon.
Nilingon iyo ni Alyssa at natuwa na makita si Ella. Niyakap siya ng kaibigan at may inabot na paper bag.
"Besh, pinapakatok ko si Luigi kanina sa bahay niyo kasi sabi ko magdala ng food para dito sa inyo eh kaso wala raw nagbubukas eh." Bungad ni Ella na hindi malaman ni Alyssa kung ano ang isasagot.
"Hoy besh ano na, nag buffer lang?" Sabi ni Ella at mataman na tiningnan ang kaibigan, "Anong tinatago mo sa akin, babae ka?" Pangungulit ni Ella kaya naman hindi na napigilan ni Alyssa ang sarili na ikwento ang nangyari.
"Alyssa, siguraduhin mong natulog ka lang na mag-isa don ha." Serysong sabi ni Ella na nakapamaywang.
"Oo nga besh. Ang oa mo talaga kahit kai--" Napatigil naman siya at ngumiti ng matamis. Agad naman ito sinundan ng tingin ni Ella.
"Kief, si Ella, bestfriend ko." Pagpapakilala ni Alyssa sa dalawa na nagpalitan ng ngiti at nakipagkamay sa isa't isa.
Nagkkakwentuhan pa silang tatlo at nagsalo sa meryendang dala ni Kiefer.
"Hello po, Nay." Bati ni Ella sa kakarating lang na si Lita.
"Kaawaan ka ng Diyos." Sagot ni Lita sa pagmano ni Ella na sinundan rin ni Kiefer.
Yumakap naman si Alyssa sa ina. Nang kumalas sa isa't-isa ay hinarap nito ang anak.
"Ineng, pagkagaling ko ng pharmacy dumaan ako sa billing para humingi ng standing statement natin, pero nagulat ako at ang sabi ay may nagbayad raw ng malaking deposit. Alam mo ba ang nangyayari?" Tanong ni Lita sa anak.
Nagpapalit-palit naman ng tingin si Alyssa kay Kiefer at kay Ella habang si Lita ay naghihintay ng kanyang paliwanag.
xxxx
BINABASA MO ANG
Fate and Star *FSA Book II* [KiefLy]
Cerpenis love fathomable? at what extent love is still worth fighting for?
![Fate and Star *FSA Book II* [KiefLy]](https://img.wattpad.com/cover/130952310-64-k8163.jpg)