Malabo man ang paningin dahil sa mga naguunahang luha ay walang tigil na kumaripas ng takbo si Alyssa palabas. Narinig pa niyang tinatawag ang pangalan niya ngunit mas nanaig ang pagreplay ng mga kataga ni Tracy sa kanyang utak at ang naging sagot ni Kiefer.
Oo.
Oo.
Oo.
Nakarinig pa siya ng mga yabag ng paa kaya mas nilakihan pa niya ang kanyang mga hakbang pero huli na yata ang lahat nang maramdaman niya ang kamay sa kanyang siko.
"Babe please, let me explain." Sabi ni Kiefer at pilit siyang pinapaharap sa kanya.
"Sinagot mo na ang tanong ko at narinig ko na ang kailangan kong marinig. Tama na." Matigas na sagot ni Alyssa at pilit na pumipiglas sa hawak.
"Ly, please." Pagmamakaawa ni Kiefer sa asawa ngunit isang malutong na sampal ang kanyang natanggap.
"Pinaniwala mo ako Kief eh. Pinaniwala mo ako na bago pa man ang kasal natin eh mahal mo na ako. Yun pala may kapalit kang hinihintay. Oo alam ko pera ang punong dahilan kaya ako pumayag pero ang hindi nakarating sa akin ay ang usapang 20 million. Siguro naman nabigay na yun sa'yo ng Lolo mo, tapos na papel ko sa buhay mo!" Galit na giit ni Alyssa habang umiiyak.
Sisingit sana si Kiefer nang muli siyang nagsalita.
"Oo Kief alam ko malaki utang na loob ko sa'yo dahil sa pera mo naligtas si Itay. Pero iba 'to eh, masakit eh. Siguro naman may karapatan din akong masaktan." Sabi niya saka tumawa ng pagak na may luha pa rin na halos ayaw tumigil sa pagpatak.
"Pakinggan mo kasi muna--" Hindi na niya natapos ang sasabihin nang bigla siyang tinabig ni Alyssa saka tumakbo at agad na pinara ang taxi.
Hahabulin niya pa sana nang pigilan siya ng kaibigan. "Hayaan mo na muna bro, palamigin mo muna ulo nun." Payo ni Paolo at mahina siyang tinapik sa balikat.
Nagpasya na rin na umalis ang pamilya ni Alyssa, hulog ang mga balikat sa mga nasaksihan.
"Tay, Nay..." Pigil ni Kiefer nang dumaan sila. "Kief please, huwag ngayon. Isipin mo si Itay, kahit yun lang." Pakiusap ni Kuya Nicko. Matalim naman ang mga tingin na pinukol sa kanya ni Kuya Paolo habang napailing na lang si Kian.
"Apo, pahupain mo na muna mga init ng ulo ng lahat. I am disappointed as well. But we'll talk next time. We'll go ahead." Ammah told him who had no idea at all of the agreement.
Pappi on the other hand just gave him a I-told-you-so look and slightly shook his head.
"Bro, mauna na kami." Paalam ni Luigi at nginuso ang kasintahang si Ella. Tumango lang si Kiefer, ramdam niya ang pagkadismaya ng mga malalapit na kaibigan ni Alyssa.
++++
"Love, galit ka ba? Haba ng nguso mo dyan." Tanong ni Luigi habang nasa daan sila para ihatid si Ella sa apartment nito.
"Ikaw Luigi ah, umamin ka nga sa akin, alam mo ba 'yung 20 million na 'yun ah? Sinasabi ko talaga sa'yo. Lagot sa akin 'yang Kiefer na 'yon pag hindi ko talaga macontact si Ly." Walang tigil na banta ni Ella.
"Naku love, uunahan pa kitang sapakin si Kiefer. Nagulat rin ako at nasaktan para kay Ly, pero kalma please, pakinggan muna natin si Kief, pwede ba 'yon?" Pagaalo nito.
"He better have an acceptable reason talaga, love.... Ly naman please, sagutin mo tawag ko oh." Bulong ni Ella sa telepono niya.
"Relax love. Nagpapalamig lang 'yon. Bigay na muna natin sa kanya 'tong oras na 'to. Tapos kausapin na lang natin bukas." Pangungumbinse ni Luigi.
"O sige na love, ingat ka pauwi. Text mo ako ha." Paalam ni Ella nang marating ang apartment niya.
"Ay, anak ng tipaklong, asan ba kasing susi na yan." Sabi niya sa sarili habang naghahalungkat sa bag niya.
"Ay baklang kabayo!" Sigaw niya ng may narinig siyang humihikbi.
"Ly? Besh?" Hindi makapaniwalang tanong niya at kinusot pa ang mga mata.
Agad naman siyang niyakap ng kaibigan at binuhos ang mga luha. "Pasok nga muna tayo besh at ayusin mo 'yang sarili mo. Pinagalala mo ako pero masaya akong dito ka pumunta."
"Tagal mo besh, akala ko mauubos na ako ng mga alaga mong lamok eh." Sabi niyang natatawa ngunit malungkot ang mga mata.
Hinayaan lang niya ang kaibigan na umiyak magdamag hanggang sa mapagod ito at makatulog. Pinakinggan niya ang mga hinanakit nito ngunit mas pinili niyang hindi na sabayan o gatungan pa ito.
"Good morniiiiiiing beshhhhh!" Masiglang bati ni Ella kinaumagahan at sabay na binuksan ang mga kurtina sa kwarto niya.
"Ano ba 'yan besh ingay mo po at please ang silaw, masakit sa mata." Reklamo niya at nagtalukbong ng kumot na mabilis namang nahatak ng kaibigan.
"At sino ba kasi may sabi umiyak ka magdamag, ayan napuyat na may bonus pang pamamaga ng mata." Tukso nito. "Breakfast na tayo besh tapos hindi naman sa pinagtatabuyan kita ha, pero kailangan mo umuwi besh nang hindi na magalala sa'yo sina Inay. And if you're ready--"
"Hindi pa ako ready besh. Kina Inay ako dederecho pagkagaling ko rito." Malamig na sambit niya.
++++
"Ineng, kumain ka naman na. Huwag mo pabayaan sarili mo. Hindi ka pa nakain mula nang umuwi ka kagabi mula kina Ella. Tara na't saluhan mo kami sa tanghalian ni Itay mo." Lambing ni Lita sa anak nang katukin niya ito sa kanyang silid.
"Sorry po Nay kung pinagaalala ko kayo, lalabas po ako maya kapag nagutom na po ako. Okay lang po talaga ako." Sagot niya sa ina kaya hindi na rin nagpumilit pa si Lita at hinayaan na siyang mapagisa muna.
"Ineng, lumabas ka naman ng silid mo." Sabi ni Ruel mula sa labas. Mag aalas kwatro na ng hapon at hindi na maiwasang magalala ng ama nito.
Hindi naman siya nabigo at maya maya'y lumabas rin si Alyssa.
"San ka?" Tanong ni Ruel nang napansing nakagayak ang anak.
"Tay, labas lang muna ako, tatakbo lang po saglit." Paalam niya habang nagsisintas ng sapatos. Nagkapalitan naman ng tingin sina Ruel at Lita.
"Huwag masyado magpagabi, nak." Bilin ng ina.
Inabala ni Alyssa ang sarili sa pagtakbo sa palibot ng tenement habang nakasalpak sa tainga ang earphones na may malakas na tugtog.
Nang makaramdam ng pagod ay pinili niyang maglakad lakad na muna bago tuluyang pumanhik.
Ngunit nagulat siya nang unti-unting mandilim ang kanyang paningin at dinadala ng antok at ang mga paa ay tila unti-unting umaangat sa lupa.
xxxx
BINABASA MO ANG
Fate and Star *FSA Book II* [KiefLy]
Kurzgeschichtenis love fathomable? at what extent love is still worth fighting for?
![Fate and Star *FSA Book II* [KiefLy]](https://img.wattpad.com/cover/130952310-64-k8163.jpg)