Chapter 25

1.7K 110 15
                                        

"Bye kids, you take care, okay?" Paalam ni Alyssa sa mga batang kakatapos lang sa mga tutorial nila. Isa-isa naman siyang niyayakap ng mga bata bago lumabas ng silid.

Malaki naman ang ngiti ni Kiefer habang pinagmamasdan ang asawa.

"Uy Ahia, Ate Ly will really be a great mom. Tingnan mo oh, sarap nila tingnan." Sabi ni Dani nang sikuhin ang kapatid. Napatango tango naman si Kiefer, kung pwede lang madaliin at makabuo na sila ay matagal na niya itong ginawa.

"Hi Ate Ly!" Dani greeted her sister-in-law as she stormed in the room and gave her a quick hug.

"Hi Dan. Kanina ka pa ba? Ahia mo? Tapusin ko lang 'to ah." She said as she piled up the books on the table.

"Hello there babe. Miss mo ako agad ha." He teased and kissed her on the lips.

"Hay nako you two. Hindi na yata ako dapat nakihitch kay Ahia eh. Kung hindi lang talaga coding 'yung car ko." Napailing iling na sabi ni Dani. Natawa naman ang dalawa sa inasal ng dalaga.

"You love kids talaga Ate. Grabe parang I don't have enough patience for kids lalo na if they throw tantrums. So feeling ko talaga hindi ako mageexcel sa pediatrics nito. Paano kaya ako magiinternship nito." Tuloy tuloy na sabi ni Dani.

"Naku Dan, you'll get through it. May kanya-kanya lang tayong strategies and approach to gain their attention and eventually their trust." Alyssa giddily shared. And she talked nonstop on how her day went, how the kids make her work light, how her heart flutters with their smiles and hugs. How her eyes twinkle upon mention of kids.

And Kiefer just can't stop falling more in love with her.

++++

"Hello po Pa. Happy Birthday po!" Sabi ni Alyssa sa biyenan na kakababa lang ng hagdan.

"Hi Ly. Thank you 'nak. Akin na nga 'yan, andami mo namang dala. Nasaan si Kief?" Saka kinuha ang bitbit na mga paper bags.

"May tinatapos lang sa office Pa. Eh makikigulo po ako sa kusina ha, uhm naglambing si Mama ng adobo and choco banana muffins eh. Palapag na lang po diyan please Pa." Nguso niya sa kitchen island habang nagaayos ng ibang bitbit.

"Ay parang ngayon pa lang natatakam at naglalaway na ako. Feel free to use everything iha. Basta ako taster mamaya ha." Bilin niyang natatawa.

"Aba't may bargain pa. Doon ka na nga dear, leave the kitchen to the ladies and will serve our masterpieces by dinner." Sakay na biro ni Mozzy sa asawa na kakapasok lang sa kusina. Kinindatan pa ni Bong si Mozzy saka tuluyang umalis na siyang ikinatawa ni Alyssa.

"Ang cute niyo ni Papa, Ma. Kami kaya ni Kief aabutin kaya kami sa ganyang stage? 27 years?" Tanong ni Alyssa habang nakatingin sa malayo na tila pinapanood ang sariling imahinasyon.

Sumandal naman si Mozzy sa pinto ng refrigerator upang makaharap ang manugang. "Alam mo 'nak, kayo lang ni Kiefer ang makakasagot niyan, kayong dalawa ang guguhit at gagawa ng sariling journey niyo. Give and take, 'yun naman lagi ang susi sa kahit anong relasyon. Learning to compromise is another. Easier said than done, Ly, I know, basta ang importante take it one day at a time and enjoy every moment." Nakangiting payo ni Mozzy.

"Naka one year and four months naman na kami Ma, keri 'yan." Pabirong sagot ni Alyssa na siyang ikinatawa nila parehas.

Nagtatawanan pa rin sila nang biglang may tumikhim sa likod kaya sabay silang napalingon.

"Hi Ma!"

"Hi Ammah!"

Kanya-kanyang bati nila sa matanda at nakipagbeso rito. Mabilis naman siyang inalalayan ni Alyssa para makaupo ito sa bakanteng upuan.

"Hindi ba't magpapacater naman mamaya? Baka masyado kayong mapagod na dalawa. Marami ba idadagdag niyong pagkain?" Tanong niya sa dalawa habang sinisilip ang mga hinahalo ni Alyssa.

"Nagrequest ako ng adobo at muffins kay Ly, Ma. Nasarapan kasi mga kaibigan namin ni Bong nung huling salo-salo namin." Paliwanag ni Mozzy sa ina.

"Ehem ehem." Anunsyo ng matandang lalaki pagkapasok ng kusina.

"Hi po Pappi." Bati ni Alyssa at bahagyang yumuko upang magmano gawa ng marumi ang dalawang kamay niya. Mahina namang tinapik ng matanda ang ulo niya.

"Tama ba ang narinig kong naglilihi ka na, Ly?" Malokong tanong niya at inakyat baba ang magkabilang kilay.

"Ayy Pi, sasabihin ko sanang eavesdropping is bad kaso po una pa lang, maling mali na yung dinig niyo eh. Si Mama kasi nagrequest nito." Napapailing na sagot ni Alyssa.

Nabalot naman ng tawanan ang kusina.

"Huwag mo kasing usugin, Noel. Dadating tayo diyan." Saad ng asawa nito. Mabilis namang naghugas ng kamay si Alyssa at tinuyo ito. Nilapitan niya ang matanda at inangkla ang braso dito.

"Pappi, what if hindi natin consciously hintayin at bilangin? Malay natin 'di ba? Saka isa pa po ginawa naman ninyo yung fertility tradition before the wedding 'di ba? Positive lang po tayo to attract positive vibes. All in God's perfect timing, Pappi." Sabi ni Alyssa na lalong ikinahanga ng matanda.


"Dan, ate mo?" Tanong ni Kiefer sa kapatid.

"Nakita kong pumasok sa kusina, Ahia. Tawag ka nila Tito sa labas, shot raw kayo." Sagot ni Dani. Mabilis namang tinungo ni Kiefer ang kusina, napansin niya kasing kaunti lang ang kinain ng asawa sa party.

Agad niya naman itong nakita na umiinom ng malamig na tubig. Kaya mabilis niya itong nilapitan.

"Babe, you good?" Tanong niya at sinalat ang noo nito.

"I'm fine babe, bakit?" Takang tanong niya sa asal ng asawa.

"You ate too little and you look tired. Gusto mo ba mauna na tayo?" Alalang sabi niya.

Umiling si Alyssa. "Okay lang talaga ako babe. Napagod lang kanina sa work at siguro dahil sa init lang kanina nung nagbebake kami ni Mama. Don't worry na, why not go and join Papa and your Titos sa labas, kanina ka pa nila hinihintay. Go na." Pangungumbinse ni Alyssa sa asawa.

"Sige, basta tell me if you're not well, okay?" Bilin niya saka hinalikan ito.

Masayang nagiinuman at nagkukwentuhan sina Kiefer sa hardin nang biglang sumulpot si Thirdy na hingal na hingal at halos namumutla. Natuon naman ang atensyon ng lahat sa kanya at naghihintay kung anong sasabihin.

"Ahia, si Ate Ly!"

"Ano?!"

"Biglang nawalan ng malay."

xxxx

Fate and Star  *FSA Book II* [KiefLy]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon