FaS - Chapter Two

1.8K 94 28
                                        

Abot tenga ang mga ngiti ni Kiefer at sumisipol-sipol pa habang nilalakad ang pasilyo patungo sa kanyang opisina. Binabati niya rin pabalik ang bawat empleyadong nakakasalubong niya.

"Good morning Sir." Bati ng kanyang sekretarya at agad tinungo ang maliit na bahagi ng opisina para magtimpla ng kape.

"Thank you, Dana." Sabi niya nang mailapag sa harap niya ang kape. Maayos naman niyang pinakinggan ang schedule niya para sa araw na iyon. Nais niyang matapos ang lahat ng mas maaga at makabawi ng oras para kay Alyssa.

"Would you need anything else, Sir?" Dana politely asked.

"Uhm, can you come up with a series of romantic ideas and give a list to me later?"

"Sir?"

"For Alyssa. Basta anything unique but sweet. Thanks Dana." Kiefer said with a grin that left Dana pressured and all.

"Pipigain ko po brain cells ko, Sir. Bilang pasasalamat ko na po kay Ma'am Alyssa kasi one month na po kayong hindi nagsusungit eh." Hirit na biro ni Dana saka nag peace sign.

"May sinasabi ka, Dana?" Asik ni Kiefer at pinanlakihan ito ng mata.

"Ay, sabi ko po Sir, ibaon na po natin sa limot yung last three months na 'yun. Nasa desk ko lang po ako." Paalam ni Dana na siyang napaawang kay Kiefer.

That was indeed three months of hell without Alyssa in his life. Three months na poot at galit ang pinairal niya na ibinaling sa kung sino man ang nakakasalimuha.

He reclined his swivel chair and played with the pen on his hand.

Flashback:

"Dana, I'll go ahead. Lunch out kami ni Alyssa. I will be back roughly at 2." Sabi ni Kiefer sa sekretarya nang dumaan siya sa mesa nito.

Inangat naman ni Dana ang isang bracelet na siguradong pagmamay-ari ng asawa.

"Bakit nasa sa'yo 'yan?" Takang tanong niya.

"Sir, galing po dito si Ma'am kanina. Akala ko nga po dumerecho na siya sa loob ng office ninyo. Nagulat po akong kumaripas siya ng takbo at nag-iiyak, tapos nakita ko na lang po ito sa hallway.

Mabilis na hinablot iyon ni Kiefer at mabilis na tinakbo ang parking lot. Ngunit laking dismaya niya na makitang pinaharurot na ni Alyssa ang sasakyan niya.

Ilang beses pang tinapik ni Kiefer ang manibela sa inis, bagot at takot. Nagaalala siya sa bilis ng patakbo ni Alyssa, alam niyang may matindi itong galit kaya ganoon na lang ang asal ng asawa. At wala siyang ibang gustong gawin kundi ang makausap at magpaliwanag ang lahat sa kanya.

Malalaki ang kanyang mga hakbang pagpasok ng bahay at kung pupwede lang ay talunin na niya ang mga baitang ng hagdan patungo sa kwarto nilang mag-asawa dahil sigurado siyang doon ang derecho ni Alyssa.

"Babe, please let me explain." Pigil ni Kiefer kay Alyssa na abala sa pagiimpake ng mga gamit.

"Kung ano man 'yung narinig mo sinisigurado ko sa'yong mali 'yun, Ly please." Pagmamakaawa ni Kiefer sa asawang hindi man lang siya tinapunan ng tingin. Bagkus ay abala sa paroon parito ng cabinet at maleta. Kaya't pinigilan na siya ni Kiefer.

"Ang sabi mo susunduin mo ako for lunch, anong nangyari? Naghintay ako sa wala! Pinagalala mo pa ako dahil hindi mo man lang sinasagot ang mga tawag ko! Tapos 'yun ang madadatnan ko Kief? May kausap kang Pontio Pilato at sinabi mong ayaw mo na ako saktan at kaya mong ikama kahit sinong babae?"

Sasagot na sana si Kiefer nang biglang naupo si Alyssa sa kama at pinagtatapon ang mga hanger sa dingding ng kwarto.

"Pucha Kief! Para sabihin ko sa'yo araw-araw na ginawa ng Diyos nasasaktan ako sa mga ginagawa mo. Mga pambabalewala mo sa akin mula ng nalaman mong may deperensiya ka. 'Yung halos gabi-gabi mong paglalasing at inuumagang pag-uwi, 'yung mga panahong hindi na kita kilala pero pumapayag pa rin akong may mangyari sa atin dahil ayaw ko ireject ka." Litanya ni Alyssa sa kabila ng pagtangis.

Fate and Star  *FSA Book II* [KiefLy]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon