Author's Note:
Happy Reading po
And this chapter is dedicated to them @Joymalz and @ElizaDizon1 thank you so much for the support.
Happy Reading!
***
"Nawawala si Tanzanite!" Iyak ni Olga ina ni Tanzanite
Nandito sila sa bahay ni Romina, as usual shoulder to cry on ang ina para sa tita niya, ito siya nakaupo lang sa sofa, hihikab hikab dahil sa lagare ang shooting commercial at teleserye ilalabas na kasi next month kaya todo todo ang shooting "Romina wag ka ngang hikab ng hikab!" Sita ng ina
"Ano ka ba! Alas kuwatro na nang umaga umuwi ang anak natin tapos ginising mo ng ala sais para bumaba, ngayon galit ka dahil nahikab siya?" Sita ng ama niya "umakyat ka na sa kuwarto Romina, at matulog ka na ulit" tumayo naman siya kasi ayaw niya abutan sa sofa ng nilalabanan na antok
"Dapat buo tayo dito!" Ani ng ina
"Rowena sige na patulugin mo na ang anak mo parang babagsak na eh" ani ni Thomas ang ama ni Tanzanite "sige na ija, dahan dahan sa pag akyat"
"Aba mas mahalaga ang kalusugan ng anak natin kaysa sa pulong na to! Ano ang gusto mo magkasakit ang anak natin? Edi siya naman ang prinoblema natin?!"
"Nag iinarte lang iyan, parang di sanay sa puyatan!" Asik pabalik nito sa asawa sasagot pa sana ang lalaki ng biglang may bumagsak ng malakas
Blag!
"Alaga ko!" Napatayo naman silang lahat ng napasigaw ang yaya ni Romina
Nanakbo naman silang lahat ng bumagsak sa paanan ng hagdanan si Romina dahil di na kinaya ang antok "anak!" Sabay gising ng ina
"Aray" sabay sapo sa ulo
"Yaya tumawag ka nang doktor" sabay karga sa anak para dalhin sa kuwarto
***
"Sir sobrang kulang sa tulog at kain ang anak ninyo kaya nag colapse na siya, bat po ba ginising ninyo siya ng dalawang oras lang ang tulog? Maliban pa sa halos apat na oras lang kada araw sa buong buwan ang tulog, pag pahingahin na muna natin siya" sabay bigay ng reseta ng mga bitamina
Sinarado naman ng ng ama ni Romina ang pinto at hinarap ang asawa "sumosobra ka na!"
"Hindi ko naman alam na ganito mang yayari" iyak nito
"Sinabi ko na wag mong gisingin ayan natuluyan nang magka sakit siya, oh ano sino uunahin mo pag hahanap kay Tanzanite!? Hindi tayo sasama sa pag hahanap sa kanya!"
"Pero"
"Kita naman nila ang kalagayan ng anak natin! Pinag babawalan kita na hanapin si Tanzanite! Walang kikilos sa pamilya natin!" Sabay baba sa hagdanan
"Rowena okay na ba ang anak mo?"
"Oo okay na siya ate" sabay upo ni Rowena "Pasensya na ha Thomas, Olga hindi kami tutulong sa pag hahanap ng personal sa anak ninyo, kailangan kami ni Romina"
"Alam namin salamat sa tulong" naglakad papunta ng garden si Thomas at nag sindi ng sigarilyo
"Insan" sabay tapik sa balikat ni Thomas sa pinsan at inaabutan ng stick ng sigarilyo
"Wag na nag vavape ako"
"Umuuso ka na ha" napatawa naman sila ng biglang lumanlamang ang mukha ni Thomas "una lumayas si Oasis sa poder ng asawa niya, ngayon lumayas si Tanzanite sa di malamang dahilan" umupo silang dalawa sa bench "hanggang ngayon di ko pa rin nahahanap ang anak kong iyun, tapos to naman si Tanzanite"
BINABASA MO ANG
Taking What's Yours
General FictionTaking What's Yours 1 Having fame, money and influence does not mean you wont seek love... Life is incomplete without love? Isang tanong kaysa kung ano pa man na meme, ika ni Romina Elias. She is pretty, sikat na aktres, mayaman, at may magandang es...