Chapter 6 Angle

141 4 11
                                    

"Gracias" Phil said to his driver nasa Madrid na si Phil, most likely he is scratching his head, ano ba ang ginagawa niya dito? Tatawanan na naman siya ng mga tao pag balik niya sa Bansa. Not to mention na una na ang lolo niya na tumuya sa kanya!

Yet

He

Could

Care

Less

Gusto niya makita mismo nang dalawa niyang mata na maayos si Romina, somehow pakiramdam niya may kasalanan siya sa nanyayari sa babae, baka kung kinasal sila, maaring hindi tinanggap ni Romina ang Regency.

Agad na nagtungo sa Hotel si Phil to freshen up, he needed to look at least okay, but not impressive, it would look that he is pursuing his ex fiancé, sumagi sa isip niya na dalhan nang flowers ang babae pang peace offering pero napaurong siya nang mag papabili na siya, likely he doesn't want rumors start on madrid never or maungkat dito ang nakaraan. He have enough in the Philippines right after na pumutok ang balita madami na sa media ang nakaabang sa kanya, at ayun sa secretary niya, nag leak na pumunta siya ngayon sa Spain, at maging tikom ang bibig nang pamilya nila parehas.

Pagkatapos mag pahinga at mag ayos sa Hotel agad na siya pumunta sa Villa nang mga Elias, ang prestisyosong Villa, madalas daw na bisita dito ang mga royalty nang Espanya, it was itself historical. Agad na sinabi ang pakay at maya pa ay nag radyo na ang security so it's been tough after the failed assassination.

He

Has

A

Feeling....

Romina knew this, at ginamit niya ito upang makuha ang Regency ng Elias sa Spain, hindi siya mangmang para di maisip iyon, she was not your ordinary girl, she is the epitome of the name Elias Itself, the glorious clan, sabi nga noon ng lola niya nang buhay pa ito Apo ang mga Elias mga opotunista sila kakagatin nila ang lahat ng pag kakataon para umangat nang rango ngayon nag babaka sakali siya kung puwede siya bumisita. Kung hindi tatawagan na lang niya, pero di naman papanatag ang kanyang loob kahit pa sabihin nito na okay siya.

Nagulat siya na pinapasok siya nang mga security, at napansin na may mga flashes ng camera pagka baba pa lang niya sa kotse, mga paparazzi, first time ata na may paparazzi na nagka interes sa kanya, kaso this is a problem in the future, dahil hahalukayin nila kung sino siya, napaka ganda naman na scoop ang ex fiancé nang Regent nandito para kamustahin siya.

Agad na pinapasok siya sa loob ng Villa, doon makikita mo ang ganda nang lugar. "What are you doing here?"

"Strauss, same to you?" Balik tanong

"Umalis ka na!"

"Kakapasok ko pa lang, ikaw na lang kaya ang umexit" pang aasar sa lalaki

"Ikaw-" akmang lalapitan ni Strauss ang lalaki malaki ang ginawa nitong kasalanan sa dalawang mahalagang babae sa buhay niya, una sa kanyang ate at ang ikalawa sa babaeng minamahal

"I need to talk to him" Romina said, nagulat naman si Phil sa sinaad nito "don't make yourself look stupid" she added as she glanced at Strauss

"Pero-"

"Strauss please, I don't need another drama, ako na lang lagi ang nasa tabloids nang Spain"

"Well sa pinas laman ka din" napailing si Romina sa sinaad ng lalaki na kararating lang, tinignan niya ito nag muwestra na sundan siya sa pupuntahan at sinundan naman siya nito, nagtungo sila sa opisina nang Villa "pag pasensyahan mo na si Strauss, naapektuhan na siya nang mga bagay bagay dito." She said at umupo sila parehas "ano ang ginagawa mo rito?"

Taking What's YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon