Author's Note
Hi po maraming salamat po sa mga reader ng story ko, may announcement po ako pagkatapos na po ng holy week ako mag update ng story, para po makapag focus ako sa work bago ang holidays
Maraming salamat po at paki support naman po ng fb page ko tarhata13 ang name every week ang update ko don ng happenings at pede po ninyo i-share doon thoughts ninyo sa mga stories ko, and walang pilitan as always, hindi ako nang ho-hostage ng update gaya ng ibang writers pag hindi nag comply ang readers, napatunayan ko naman iyan sa dami ng sinulat ko wala akong ni isang pinilit, kita ninyo naman sa description ko.
Dahil pag deserve ko naman po ibinibigay ninyo ng bukal sa loob, at doon masaya na po ako.
maraming salamat po!
***
Then in Russia so white and beautiful snow, pero ay tag inig, Mas gusto ni Romina na pumunta dito ng winter more likely it's magical, Romina said to herself the coming winter was too cold as cold as her now she needs to fetch someone,
Kumatok si Romina at nagulat ang nag bukas, halata mong may hang over, pumasok siya sa loob at kaswal na umupo sa sofa "what are you doing here?" Tanong agad ng lalaki
"Is that a good way to greet a lady especially your fiancé?" She said without looking at him "pack your things." She ordered
Hindi makasagot si Phil at nagulat sa inaasta ng babae "this is my room I am here for a business deal-"
"It was finalized already it was last" sabay tingin sa orasan niya "ten hours fifteen minutes and thirteen seconds ago? Am I right?" Tinignan niya ang lalaki at mukhang di nagulat ito "likely you know you are constantly monitored" she said and he hissed
"Your family is crazy! Tell your father remove me from that freaking list!" He was agitated and anxious, who wouldn't? Sinigurado ni Romina na alam ni Phil na bantay sarado siya, hindi lang ng mga tauhan niya, mga galamay ng ibang Elias, even those who are enemies as well.
Hindi na maganda kung magtatagal pa si Phil sa Europe ng wala ito sa kanyang poder, ilang assassination plot na ba ang hinarang niya? Ilang beses na ba may nagtangka sa buhay nito? Ilang beses na ba may nagbalak na kidnapin ang lalaki? Pinaka malala ay ang sa Belgium, muntik na ito ma kidnap ng dating tauhan ng ex regent ng spain dahil ang lalaki nakatulog sa kalasingan. Mabuti na lang at hinarang ng mga tauhan ng ama ni Giana bilang pasasalamat daw sa pag bigay niya ng basbas sa anak, ang hindi nito alam talagang nag lapse siya sa security ni Phil para sa sasaklolohan niya at pa good shot siya sa magulang nito!
Nanyari na at mukhang maganda naman ang kinalabasan nagkaroon ng kaayusan sa estado ng relasyon nila, pag pumayag na si Strauss maaring maging matibay na kakampi ito, ngunit sa ugali ni Strauss kakayanin kaya ni Giana?
Well di na niya problema iyun, ang mahalaga ma bitbit na niya ang lalaki, napaisip din siya paano kung magkamali siya pag na kidnap na ito? Di niya mapapatawad ang sarili, at higit sa lahat baka may pumapel na naman na ka angkan, tama na yung isang beses. "Bakit kating kati ka na ba mang babae?" Walang ganang tanong "bilisan mo"
"Bakit ako susunod sa iyo?" Tumayo si Romina at binulungan si Phil
"Because I said so" may konting bahid ng tono ng pag babanta, lumayo na siya at humarap sa lalaki na natulos sa kinakatayuan "Babalik na ako sa Pilipinas, at ang balita ko di ka makabalik" lumakad sa may tokador ang babae, kinuha ang maleta at inihagis sa harapan ng lalaki
BLAG!
muntik na mapaurong ang lalaki sa lakas ng pagkakatama sa sahig ng maleta nito. "You only have twenty minutes." She said and she sat at the edge of the bed
BINABASA MO ANG
Taking What's Yours
General FictionTaking What's Yours 1 Having fame, money and influence does not mean you wont seek love... Life is incomplete without love? Isang tanong kaysa kung ano pa man na meme, ika ni Romina Elias. She is pretty, sikat na aktres, mayaman, at may magandang es...