chapter 1

2.1K 31 0
                                    

Ilang minuto pa akong nakatayo sa labas ng bahay bago naglakas loob na pindutin ang dorbel."It's been three years."bumuntong hininga ako.

Ilang sandali pa at may bumukas na ng gate. "Sino po sila? "napangiti ako ng makitang si Manang Glo iyon.

"Manang Glo, si Lavinnia po ito.. kumusta na po kayo?"

"Lavinnia?"sinipat niya ako.

"Opo. "

"Ikaw ba talaga ito Ma'am?"hindi makapaniwalang tanong niya.Lumapit pa ito sa akin para matitigan akong mabuti.

"Opo, ako po ito. "maluwag ang ngiting sabi ko.

"Naku!bakit ba kase ang tagal mong hindi umuuwi?hali po kayo,pumasok po kayo." niluwagan niya ang awang ng gate.

"Salamat po, "sabi ko saka hinila ang dala kong maleta.

"Ay, ako na d'yan Ma'am. "inagaw niya sa akin ang hila kong maleta matapos niyang isara ang gate.

"Namis ka ng mga tao dito Ma'am,lalo na ang Dada mo.palaging nagbabakasakali na baka isang araw ay umuwi ka na. "

Tipid akong ngumiti sa sinabi niya,namis ko rin naman sila Dada at isa yun sa mga dahilan kung bakit ako tumulak pauwi ng Pilipinas.

"Si Mama po,kumusta siya? "maingat ang bawat salitang sinabi ko sa kanya.

"Busy po yun lagi sa negosyong itinayo niya Ma'am, kakabukas lang kase ng restaurant na itinayo niya."

Mapait akong napangiti dahil yun sana ang pangarap nila ni Tita Janice noon kong hindi lang sana nagkaroon ng problema sa pagitan ng aming pamilya.Malalim akong napabuntong hininga ng mapansin na nasa loob na pala ako ng aming bahay. Nilinga ko ang paningin sa paligid, maraming nagbago sa mga arrangement ng mga display dito sa sala,may hindi pamilyar na mga paintings din akong nakikita na nakasabit sa mga walls.

"Nasaan po sila? "

"Nasa Den sila Ma'am.."

Bigla akong nakaramdam ng kaba,handa na ba talaga akong harapin sila?

Tatlong taon akong umalis ng bansa.S Amerika ako nag-trabaho at doon ko rin muling binuo ang sarili ko.

"Sige po Manang kayo na po ang bahala sa dala ko ah, puntahan ko lang po sila."

"Sige Ma'am  ako na ang magdadala nito sa kwarto mo,wag kang mag-alala at malinis iyon, araw-araw ba namang pinapalinisan ng Dada mo e."

"Salamat po. "

sabi ko at tinungo sa ang Den.

Habang naglalakad ay sinipat ko muna ang aking sarili,I was wearing a spaghetti strap na pinarisan ko ng maong pants,ang dating itim kong buhok ngayon ay kinulayan ko na ng blonde. Kung dati wala akong hilig sa fashion, ngayon ay hindi na ako sanay na umalis ng walang kolorete,Iba ang buhay ko sa US malayo sa buhay ko dito sa Pilipinas.Kong dito ay may inuutusan ako, sa US ay mag-isa kong ginagawa ang mga gawaing bahay na hindi ko nagagawa dito,malaki ang naitulong ng pagiging Independent ko lalo na para sa sarili ko.

Nang makarating ko ang Den ay doon na dumoble ang kaba'ng naramdaman ko, hindi ko alam kong ano ang magiging reaksyon nila pag nakita nila ako,ilang taon akong hindi nagpakita sa kanila,kahit tawag ay hindi ko ginawa.Huminga ako ng malalim at nagpasyang pihitin ang pinto,nakabukas iyon kaya tanaw ko kaagad ang mga taong nasa loob,unang bumungad sa aking paningin ang Dada at Mama na magkatabi sa couch nakahinga si Dada sa lap ni Mama habang nakatuon ang mga mata sa palabas na pinapanood nila,hinagilap ng paningin ko ang kapatid at nakita ko naman ito sa kabilang couch na nakaupo habang ang dalawang kamay ay may hawak na malaking mangkok na puno pa ng popcorn. Napapailing na napapanguti ako sa nakikita. Kahit kailan talaga hindi parin nagbabago ang hilig niyang pumapak ng popcorn,biglang nanariwa sa alaala ko na palagi namin itong ginagawang mag-anak noon,hindi ko mapigilang maluha habang pinagmamasdan sila hanggang sa hindi na ako makuntento na titigan lang silang nag i-injoy sa pinapanood kaya inihakbang ko ang aking mga paa papasok sa loob, gusto ko silang mayakap,gusto kong sabihin sa kanila na sobra ko silang na mis.

Love Me AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon