Isang makalaglag pangang tawanin ang bumungad sa paningin ni Lavinnia ng makababa siya ng resort mobile, na sinakyan papunta sa dalampasigan ng hapong iyon. All her life wala siyang hangad kundi ang magkaroon ng katuparan ang pangarap niyang maikasal sa lalaking mahal. At ang makitang hindi basta bastang preparasyon ang ginawa nito sa araw na ito ay nasabi niya sa kanyang sarili na hindi lang niya mahal ang lalaking ito kundi mamahalin pa niya ito sa araw-araw.Wala nang ginawa si Marco kundi ang surpresahin siya. Kaya nangangako siya na simula sa araw na ito, ay susuklian niya ang lahat ng pagmamahal at effort nito para sa kanya.
Nagsimula siyang maglakad sa may kahabaang heart aisle sa dalampasigan,malakas ang alon sa dagat pero mas malakas yata ang hampas ng mga ugat sa kanyang puso ng kanyang e sentro sa lalaking naghihintay sa kanya sa unahan ang kanyang mga mata. Ang mga inimbitahan naman ay hindi magkamayaw sa pagkuha sa kanya ng mga litrato gamit ang mga gadgets ng mga ito. Hindi niya mapigilan ang mga luha sa kanyang mga mata nang matanaw niya ang Dada niyang nakatingin sa kanya habang naglalakad.Sa tabi nito ang Mama at Tita Janice niyang nag uusap, pabor ang mga ito sa kasal nila si Paolo lang yata ang hindi ganoon ka pabor dahil pinagseselosan nito si Marco.
"Napaka ganda talaga ng anak ko."salubong sa kanya ng Dada niya ng malapit na siya dito.
Tipid siyang ngumiti sa ama."Syempre po,gwapo ang Dada ko eh."sagot niya.
"Wala akong ibang hangad kundi ang maging masaya kayo ni Marco anak."
Pinahid nito ang mga luha niya sa mata saka siya niyakap at hinalikan sa noo.
"Kahit magkaroon ka na nang sarili mong pamilya,hindi kami mawawala sayo ng Mama, nandito lang kami palagi."
"Salamat Dada, "aniya.
Sunod niyang hinarap ang Mama niya na nakikipag bulungan parin sa Tita Janice niya.Napangiti siyang napatingin sa mga ito dahil cute silang tingnan sa terno nilang gown.Kung hindi lang siguro siya ang bride baka kinabog na siya ng dalawa.
"Babae.. "
"Lalaki.. "
"Basta!naniniwala ako na babae ang panganay nating apo Janice."ang Mama niya.
"Hindi!malakas ang kutob ko,lalaki ang una nating apo."ayaw patalo namang sagot ng tita Janice niya. Para siyang tatawa na hindi sa kanyang narinig,ngunit mas pinili niyang ingiti nalang iyon. Kaya pala mukhang seryoso ang pinag uusapan ng mga ito habang naglalakad siya dahil sila pala ni Marco ang topic.
"Ma, Tita."
"O anak,"
"Hija,"
Lumapit sa kanya si Janice, at hinawakan siya sa kamay. "Wala akong masabi pa sayo Lavinnia.You and my son are perfect to each other. Isa lang ang hinihiling ko sayo.Wag kayong maghiwalay kahit na anong mangyari. Trust my son,the way I trusted you."seryosong sinabi nito sa kanya.
Ang Mama naman niya ang lumapit sa kanya. "I'm so happy dahil sa wakas,ikakasal na kayo ni Marco. You made Mama so proud of you my Ninin.I love you anak. Asahan mo,worth it ang lahat ng plano namin sa inyong dalawa ni Marco. Alam ko na magiging masaya kayo kasama ang bubuuhin niyong pamilya. "masayang sabi ng Mama niya. Hindi rin nakaligtas sa kanya ang pagpahid nito ng luha sa kanyang mata. Hindi man sila madalas mag bonding nito gaya ng Dada niya. Mahal at mahalaga sa kanya ang Mama niya.Malaki ang parte nito sa relasyon nila ni Marco. Ang Mama niya ang isa sa mga dahilan kung bakit sila ngayon ikakasal ni Marco.
"Thank Ma,dahil palagi kang nariyan para sa amin ni Marco."niyakap niya ito.
"Anak kita,at wala akong nais kundi ang makatagpo ka ng lalaking kagaya ng Dada mo. And it's Marco, siya ang para sayo anak."

BINABASA MO ANG
Love Me Again
General Fiction"Let me go! M-marco!" Nagpupumiglas nyang sambit ng daganan sya nito at hinawakan pa sa magkabilang kamay. Galit ang nakikita nya sa mga mata ng asawa,mata na dati'y akala niya hindi nya kailanman nakitaan ng galit.Iba ang Marco ngayon sa Marco na k...