chapter 26

434 11 2
                                    

Rated SPG

Matapos nilang kumain ay hindi hinayaan ni Marco, na kumilos pa siya sa kusina. Ito na ang nagligpit at naghugas ng pinagkainan nila.Hinintay niya itong matapos at sabay na silang bumalik ng sala.

"Baka,gusto mo munang mag shower.You can use my bathroom."pormal niyang sinabi dito. Matapos nitong magligpit sa sala ng mga pinag-inuman nito kagabi.Hindi naman sa mabaho si Marco, ang totoo nga n'yan kumakapit parin sa katawan nito ang amoy nito kahapon na mabango.

"Am I smells bad sweetheart?O baka naman may balak kang hindi maganda sa akin."inamoy nito ang sariling nangingiti.

Umarko ang magkabilang kilay niya. Inirapan niya ito."Bahala ka kung ayaw mo,siraulo!"

"Well,tama nga 'yang suggestion mo sweetheart. Medyo kumikirot kase ulo ko dahil siguro kagabi sa mga nainom ko."bawi nito sa sinabi.

Naglakad na ito papuntang kwarto niya.

"Kung nag-aalala kang walang masuot na damit. I have loose t-shirt in my cabinet. Unisex naman 'yon at pwede mong isuot."pahabol niya.Bumaba ang tingin niya sa pantalon nitong suot. "Bahala ka na kung anong isasapin mo d'yan sa baba."dagdag niya na ikinatawa naman ng malakas ng kanyang asawa.

"I like the humor of you sweetheart."he said at tumuloy na sa kwarto.Napailing siyang mag-isa.Nagpasya siyang maglaba sa umagang iyon habang ginagamit ni Marco, ang banyo.Kinuha niya sa kwarto ang kanyang mga labahan at dinala iyon sa laundry area.Habang nagsasalang ng labahan sa washing machine ay bigla niyang naalala ang suot niya kanina.

Dahil isang area lang ang laundry at kusina niya ay doon na niya mismo hinanap iyon. Dito lang naman pumunta kanina si Marco, kaya sigurado siyang dito lang din nito nilagay ang naturang jeans. Ginala niya ang mga mata sa paligid pero wala siyang nakita.Hanggang sa dumapo ang kanyang mga mata sa trash can,sa gilid ng pinto.Nagmadali niyang tinungo iyon at sinilip.Nanlaki ang kanyang mga mata ng makitang naroon ang kanyang jeans at halos pira-piraso na.Bagong bili niya iyon ng nasa amerika siya. At isang beses palang niyang nasuot. Gusto niya ang quality nito kaya kahit hindi naman ganun kamahal ay binili niya. Nagkataon lang na namanhid ang kanyang mga binti kanina. At hindi rin umayon ang tyempo kaninang paghubad niya dito.

"My poor jeans.."hindi siya makapaniwalang pinagtiyagaan talagang gupitin iyon ni Marco.Ang akala niya nagluto lang ito sa kusina. Isinama rin pala nito sa paggayat ang kawawang jeans niya.

"Marcooo! "nangigigil niyang tinawag ang pangalan nito na para bang maririnig siya nito mula sa banyo.

Hindi siya makontentong hindi ito pagalitan.Kinuha niya ang isa sa maliliit na ginupit ni Marco,at nagmamadaling tumungo sa kwarto.

"Marcooo!Lumabas ka d'yan!' sigaw niya. wala siyang pakialam kung naliligo pa ito.Kinalampag niya ang banyo. Kinatok.Hanggang hindi lumabas si Marco, hindi siya hihinto. Sinira nito ang mood niya.

Narinig niya mula sa loob na huminto ang lagaslas ng tubig.Ilang segundo lang at bumukas na ang pinto. Napasinghap siya ng lumabas si Marco,tanging tuwalya lang ang tapis sa katawan.

"Why na naman?"mukhang nabitin ito sa paliligo.Napalunok siya at napaatras ng madapo ang mga mata niya sa tiyan nito.Hindi niya alam na sa kabila ng pagbagsak ng katawan nito ay may nakatago paring abs ito.

"Sweetheart,don't stare at me like that.You tempted me to give you a kiss you know that?"kumurap siya. Naglakad ito palapit sa kanya pero siya namang atras niya.

"You made me smile Mrs. Smith."he smirked. Muli niyang naalala ang pakay.

"Hoy! what did you do to my jeans? Bakit pira-piraso nalang ito? "she yelled at menuwestra dito ang hawak. Nameywang namang tumingin sa kanya si Marco.

Love Me AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon