chapter 29

489 12 3
                                        


"Mabuti naman at natauhan ka narin sa wakas."tila nabunutan ng tinik sa dibdib na wika ng mama niya. Nakatalikod ito sa kanya habang siya ay nakaupo sa pahaba at solong upuang naroon sa likod ng kanilang bahay.

"Our marriage deserves a second chance Ma.. I love him."she lowered her voice.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan nito. Kasabay nu'n ang pagpihit ng cheelchair nito paharap sa kanya.

"Sa pag-aasawa,hindi kailangang mahal mo lang ang isang tao. Kailangang meron kayong tiwala sa isa't isa. Naroon dapat ang mahabang pang-uunawa,pakikinig at pasensya."wika nito sa kanya.

tumitig siya sa ina."Marco, is very blessed to have you as his mother in law, hindi mo siya binitawan noong iniwan ko siya."aniya.

"I love his personality. I love his attitude.He loved his parents.Siya ang klase ng tao na hindi dapat binabalewala, dapat siyang mahalin dahil kamahal-mahal siyang anak.Mas pinili kong iparamdam sa kanya ang pagmamahal at suporta ko,dahil alam kong siya ang tamang lalake para sa anak ko."doon nagsimulang sumungaw ang mga luhang kanina pa niya gustong pigilan.Nararamdaman niya na bawat salitang binibitawan nito ay tagos sa kanyang puso.

She rised from her sit crying.

"M-mama.."isang matamis na ngiti at naghihintay na yakap ang inilalahad nito para sa kanya.Ilang taon din niyang hindi naramdaman ang yakap nito. Huling beses nilang nagyakap ay noong araw ng kasal nila ni Marco.Aminado siyang hindi sila malapit sa isa't isa pero alam niya sa sarili niyang mahal siya nito. Matigas lang talaga ang ulo niya at sarado ang isip niya noon. At ngayon pa lamang niya narealise ang mga bagay-bagay.

"Oh my daughter.. my Ninin."may pangulila sa boses nitong sinabi.

Hinaplos siya sa kanyang likod. Tinawag rin siya nitong Ninin.

Minsan lang iyon banggitin ng Mama niya kapag nilalambing o nasa mood ito. May pagka tegre ito pero hindi niya lang nauunawaan noon na isa lang iyon sa paraan ng mama niya kung paano sila disiplenahin ng kapatid niyang si Paolo. Ngayon niya napagtanto na tama ang mama niya sa lalakeng pinili para sa kanya. Tama itong si Marco ang lalakeng pinakasalan at minahal niya. Dahil ang lahat ng papuri nito tungkol kay Marco,ay totoo. Her husband deserves all kinds of love. At kahit na sino ay sigurado niyang mapapamahal dito.

Humiwalay ang ina sa kanilang yakap. Sinapo nito ang kanyang magkabilang pisngi. "Hindi ko ito madalas sabihin sa inyo ng kapatid mo pero bilang isang ina, wala akong ibang hangad kundi ang maging masaya ang mga anak ko. Na maging masaya ka,mahal ko kayong dalawa ni Paolo, mahal na mahal kita anak."dinama niya ang haplos nito sa kanyang mukha. Napapikit siya habang patuloy paring umiiyak.

"P-patawarin niyo po ako sa mga sinabi ko sa inyo. Patawarin niyo po ako."pinagsisihan niya ang mga salitang binitiwan niya dito. Kung hindi dahil sa kanya hindi sana inatake ang mama niya sa puso. Hindi niya mapapatawad ang sarili kung may nangyaring masama sa kanyang ina. Habang buhay siyang hindi patutulugin ng kanyang konsensya kung may masamang nangyari rito.

"Hindi ka pa man humihingi ng tawad sa mga sinabi mo, matagal na kitang pinatawad.Alam mo ba na araw-araw umasa si Mama na bumalik ka na? Na umuwi ka na, para sa asawa mo at sa amin kase namimiss kita? Hindi mo lang alam anak kung gaano ko kagustong makita ka araw-araw na masaya kasama si Marco. Saksi ang Dada mo kung gaano ako kalungkot noong umalis ka. Hindi totoong galit ako sayo dahil pinahiya mo ako sa mga bisita sa kasal. Wala akong pakialam kung pagpyestahan man tayo ng chismis, ang concern ko ay ang marriage ninyo ni Marco,halos gumuho ang mundo ko noong gabi'ng iniwan mo siya.Ayokong ma failed ang marriage mo kay Marco.Ayokong mangyari sayo ang muntik ng mangyari sa akin.Although kasal na kayo ni Marco,bago mo siya iniwan.Hindi parin ako kampante.Hindi ko kakayaning masaktan ang bawat isa sa inyo."

Love Me AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon