chapter 9

528 27 9
                                    

"Ayy.. bakit ba ako napunta dito, pasensya na po.. Ma'am,Sir,"

Tarantang saad ng kasambahay nila at sinarado muli ang pinto ng kwarto nya. Napapikit sya sa sobrang hiya ng muling maalala ang posisyon nilang dalawa. Nang magmulat sya ng mata ay nakangisi itong nakatingin sa kanya,kaya lalo pang nadagdagan ang inis nya.

"You pervert!"

aniya sabay sampal sa kaliwang pisngi ni Marco ng may maramdaman sya na kong anong tumutusok sa kanyang pang upo,mabilis syang umalis sa ibabaw nito ng hindi pinapansin ang kahubdan nya para hagilapin ang tuwalyang tapis nya kanina ng makita ay agad nya iyong binalot sa kanyang katawan.

"Get out in my room! Out! "

Singhal nya rito, alam nyang nakakagawa na talaga sya ng ingay ng oras na iyon at alam nya na anumang sandali ay may umakyat na naman sa kwarto niya.Nakangising bumangon si Marco sa sahig habang hawak ng pisnging sinampal nya.


"Wow,Mrs. Smith.. sakit,"pang aasar pa nito habang hinahaplos ang sariling pisngi.

Napapikit sya at humugot ng malalim na buntong hininga.


"Get...out!"

"Okay,okay,"ani Marco at nagtaas pa ng dalawang kamay sa ere, "Nakita ko naman na ang dapat makita..so,my sweetheart's request is graciously granted, "

he said and gave her a smile. Matalim nya itong tiningnan hanggang sa makarating ito ng pintuan.

"I don't want to see your fucking face again! Out,! "

sigaw pa nya, ngunit di pa man ito tuluyan nakalabas ay bumungad na doon ang kanyang Ina na seryoso ang etsura.

"What going on here,? "

Napalunok sya sa kaba ng makita ang mapanganib na boses ng kanyang Ina.
Matalim itong nakatingin sa kanya.


"M-ma,"saad nya ngunit lumipat ang tingin nito kay Marco na tahimik lang na nakatayo sa unahan.

"Tita.."

"What happened Marco,? "

Kumirot naman puso nya ng marinig ang sinabi ng Ina, mukhang kay Marco pa ito nag-aalala kesa sa kanya,hindi nya alam na pumasok ang lalaking ito sa kwarto nya ngunit parang wala lang sa Mama na nandito ito,Noon pa man napapansin na nyang palagi nalang pinapaburan ng Mama nya si Marco,palagi syang pinapagalitan noon ng Mama nya sa t'wing mapapansin nitong sinusungitan nya ang binata.

"Ma,bakit nyo hinayaan ang lalaking yan na makapasok dito sa bahay,?bakit nyo sya hinayaang pumasok ng kwarto ko,"sa kabila ng panginginig ng boses ay nasabi nya dito.

Muli itong tumingin sa kanya, alam nya na sa kanilang pamilya ang Mama nya ang palaging nasusunod, para itong tegre, lalo na kapag sinusuway ang mga gusto nito,gusto lang nito ang palaging nasusunod kaya kahit ang Dada nya ay walang magawa pag ang Mama nya na ang nagpapasya,kahit pa minsan ay labag sa loob nila ng Dada at Paolo ay tikom ang bibig nila pagdating dito,kaya para sa kanya si Marco lang yata noon ang tamang nangyari ng ipakilala sila nito sa isa't isa, pero hindi rin pala iyon pang-habang buhay dahil saglit lang syang naging masaya sa piling ng maling lalaki na ayon sa Mama nya ay magmamahal sa kanya ng tapat at totoo,kaya ngayon kahit na takot sya rito ay kailangan nyamg ipaglaban ang kanyang sarili, kailangan nyang tulungan ang sarili nya sa maaring pinaplano ng Mama nya sa kanila ni Marco,dahil mukhang gusto rin ng huli ang nangyayaring ito.

Love Me AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon