chapter 21

398 11 1
                                        


"Kamusta na po si sir Ma'am?"

Nag aalalang salubong sa kanya ni manang Yuling ng tumungo siya sa kusina. Kaninang nalaman niyang may lagnat si Deigo ay agad siyang bumaba para humingi ng face towel at palanggana dito,nilagyan niya iyon ng kunting tubig na may yelo saka pinagpunas iyon kay Deigo. Nalaman niya rin ulit ang pangalan nito ng tanungin niya ito kanina.

Nagpasuyo na rin siya dito kaninang magluto ng lugaw para kay Deigo na agad naman nitong sinunod. Kaya naman pagkatapos kumain ay pinainom niya agad ito ng gamot at pinagpahinga.Nang makatulog,saka lang siya bumaba.

Humugot siya ng malalim na buntong hininga saka pagod na humarap dito.Alas singko na ng hapon sa mga sandaling iyon at pakiramdam niya,wala ng lakas ang kalahating parte ng katawan niya.

"Nakatulog na po siya,saka humupa na rin po ang lagnat niya.Wala na po kayong dapat ipag-alala."aniya at pinaghila ng silya ang sarili. Pagod na pagod siya sa buong maghapong pag-asikaso sa kaibigan,dumagdag pa doon ang pananakit ng kanang braso niya dahil ginawa pa iyong unan ni Deigo kanina.Parang nabunutan naman ng tinik ang ginang sa sinabi niya kaya napapikit ito at umaktong parang nanalangin sa itaas.

"Salamat naman sa diyos kung ganun."masayang usal nito.Tipid niya itong nginitian.

"Kung hindi po kayo dumating Ma'am, ewan ko nalang kung anong mangyari kay Sir.Ang tigas kase ng ulo."pagkadaka'y sumbong ng ginang sa kanya.

"Ano ba'ng ginawa niya nitong mga nakaraang araw Manang Yuling?"Duda kase siyang hindi lang ordinaryong lagnat ang dumapo kay Deigo,kaninang pinupunasan niya ito,may napansin siyang ilang mga pasa sa katawan nito na halatang bago pa. Para itong binugbog.

"Hindi namin alam Ma'am, kase nitong nakaraang gabi,umuwi yan lasing. Tapos may mga pasa sa mukha.Tinanong ko kung napano, di sumagot, nagalit pa nga eh."umiiling nitong saad.

"Exactly,marami nga siyang pasa sa katawan. At sa tingin ko,kaya siya siguro nilagnat dahil doon."sang ayon naman niya. Hindi naman niya masasabing kay Marco pa ang mga pasa na 'yon dahil ilang ilang na silang hindi nagkikita ni Deigo,saka sigurado siya na bagong pasa ang nasa katawan nito ngayon.

"Wala naman akong naalalang naging kaaway niya nang nasa US pa kami. Deigo is a nice guy I know."she added.Totoo naman na wala siyang nasaksihan o narinig na may naging kaaway ito. Mabait si Deigo, medyo malihim nga lang.

Pansin niyang naging abala sa paligid si Yuling.Parang hindi rin nito bingyan pansin ang mga sinabu niya tungkol sa natamong pasa ni Deigo.

"Ah,Ma'am,nagluto po pala ako ng pasta, kumain po muna kayo.Sigurado akong gutom na kayo."bigla ay pag iiba ng topic nito. Tumalikod ito sa kanya at may kinuha ito sa loob ng oven na isang malaking pyrex na naglalaman ng spaghetti.Kaninang bumaba siya ay hindi niya napansin na nag be-bake pala ito.Bigla siyang nakaramdam ng kalam ng sikmura ng simulang ilapag nang ginang sa harapan niya ng naturang spaghetti.Pinagkuha narin siya nito ng plato at tinidor.

"Kumain na po kayo,nag bake talaga ako niyan,kase minsan kong narinig kay sir na mahilig daw kayo sa mga pasta."nakangiting saad nito sa kanya.Natutuwa siya at kahit pala sa kasambahay nito ay na ekukwento pa ni Deigo ang tungkol sa kanya.

Nginitian niya ang ginang sa sinabi nito, ngunit agad din iyon napawi ng biglang sumagi sa isip niya si Marco. Mabilis niyang kinuha ang cellphone niya sa kanyang bulsa para e-echeck kung may mensahe ba siya mula dito,ngunit nakaramdam siya ng panghinayang ng malamang hindi man lang nito sinagot ang text niya dito kanina.Dapat,magkasama silang kakain ng lunch,ngunit dahil sa nangyari kay Deigo,hindi iyon natuloy. Kung hindi tumawag ang kaibigan, malamang narinig na niya mula dito ang paliwanag nitong nais pakinggan niya. Possible kayang nagtampo ito dahil iniwan niya ito kanina sa restaurant?She texted him,ngunit bakit kahit isang reply mula dito ay wala,inaamin niya,nataranta siya kanina nang tumawag si Deigo kaya hindi na naikalma ang sarili at mabilis na umalis doon.Ngayon niya lang narealize na sana pala, maayos siyang nagpaalam dito.

Love Me AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon